CHAPTER 7

34 2 0
                                    

It's not your fault na hindi ka naging sapat sa isang tao, sadyang hindi lang talaga uso sa kaniya ang salitang "kontento". Kaya 'wag kang manghinayang sa mga ala-ala niyong dalawa, manghinayang ka sa oras na inilaan mo para sa kaniya! Okay?

Kha-el's POV

July 28, 2024 - Sunday. Nagpunta ako sa dagat para kumuha ng litrato, itetweet ko sana nang bigla kong naalala ang nangyari kagabi.

----Flashback----

Naglalakad ako sa kabuhanginan ng biglang kong marinig ang hikbi ng isang babae. Nilapitan ko sya at tinanong. "Napano ka?"

Iniangat nya ang ulo nya at si Cara pala. Tumitig lang sya sa akin, mga 1 minute ata yun. At tumakbo papalayo

May saltik talaga sa utak yung babaeng yun.

Di ko alam kung anong nangyari sa kanya, pero mukha ata syang brokenhearted sa lagay na yun. Ewan.

----End of the flashback----

I tweeted
"Good morning Pangasinan. #HaveABlessedSundayEveryone"

Tumawag sa akin yung isa kong barkada na classmate ko, si Sid. "Bro, may dalawang chika ako sa'yo."

Chika? Haha tangina mo bro. "Ano yun? Nababading ka na ata." 

"Tanga! Ano ang gusto mong unahin ko yung medyo good or medyo bad?" sabi nong gago sa kabilang linya.

At talagang maypa bad at good pang nalalaman! "Okay, yung medyo good nalang."

Nagsend sya ng screenshot. Isang tweet. Ako yung nasa picture at may "I found myself again when I met you" na nakalagay. Shocking! Haha kanino kaya nya nakuha yun.

"Hoy ano yan ha? Ikaw ha kung saan ka napapadpad ang dami nang nagkakagusto sayo." sabi nya. Gago talaga to, kung anu-anong iniisip.

"Sira!" Tawang-tawa ako sa mga inirereport nya sa akin.

If I am not mistaken, sa Pampanga to. Sa restaurant to kahapon.

I visited the account ng nagtweet. Tama ang hinala ko, si Cara ang nagtweet.

Sira rin talaga yung babaeng yun.

Napatawa ako sa nakita ko.

Loko! Ano ba El magtino ka may relasyon ka pang aayusin.

"Oh, ano yung medyo bad na sasabihin mo?" tanong ko sa kanya.

Nagsend uli sya ng screenshot. Di ko alam ang erereact ko.

Fvck!

Yung kaninang tawa ko biglang nawala. "Hindi ako sure, pero parang si Arha yang nasa pic, esinend lang din yan sa akin Bro eh." sabi nya.

Nakatalikod yung babae, may ka date sya. Di ko masyado mazoom kasi masisira yung quality, pero alam kong si Arha talaga to. Suot nya yung binigay kong dress sa kanya last month, kaya impossibleng magkamali ako.

"Ah hindi yan si Arha Bro. Masyadong mataba yan." sabi ko nalang sa kanya.

"Sana nga, kasi medyo kalat na yan sa page ng school natin. Yung girlfriend daw ng heartthrob may ibang kinakasama. Sorry bro ha. Sige magpakasaya ka dyan sa Pangasinan, hanapan mo ko ng chix dyan."

I hate this kung totoo man! "Gago ka talaga! Sige Bro, ingat." tyaka pinatay ko na ang tawag.

I immediately visit the account of Arha pero wala pa rin eh nakablock pa rin ako. Ayokong maniwala pero may kung ano sa loob ko na nasasaktan.

Masakit! Sobra, pero I need to know her side first bago ko sya husgahan baka kasi pinsan lang yun or what.

Cara's POV

The Last Lie He PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon