Nakakalimot ang utak pero ang puso? Hindi!
Cara's POV
THIRD YEAR, 2ND SEMESTER.
"Tawag kayo ni Ms.Yun." anunsyo ni Windy habang hinihingal sya.
Walang ni isang tumayo kasi wala syang sinabing pangalan.
"Hoy Dion at Cara! Tawag nga kayo ni Ms." sabi nya ulit.
Nagtinginan muna kami ni Dion bago tumayo.
"Bakit daw? Hindi ba sya magdidiscuss sa Hydrology?" tanong ko sa kanya.
"Hindi ko alam basta ang sabi lang nya tawagin ko raw si Mr. Alferez at Ms. Hernandez."
Agad kaming pumunta ni Dion sa office ni Ms. Yun. Umupo muna kami saglit kasi may kinakausap pa sya sa telepono. Pareho kaming kinakabahan ni Dion kasi hindi naming alam kung bakit nya kami ipinatawag.
Pumasok din ang PICE President sa office ni Ms. Yun.
"Well good morning President, at sa inyo Mr. and Ms. Tops." panimula ni Ms.
Gusto kong matawa dahil ayan na naman sya Mr. and Ms. Tops na yan. Pero sobrang tahimik ng mga tao dito, baka magmukha akong panira sa moment nila.
"Next month is the month of Philippine Institute of Civil Engineering (PICE) Interschool Competition, and I want both of you to represent Lyceum of the Philippines University - Laguna Campus."
"Para saan po Ms.?" hindi nakapagpigil ang bunganga ko.
"Quiz Bowl?" tanong ni Dion.
"Mr. and Ms. PICE 2026."
Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ms. No way hindi ko nga pinatos ang Engineering week e, ito pa kaya na interschool na?
"I am sorry Ms. but pageantry is not my thing. It's okay for me if it is Quiz Bowl, but pageantry? NO." walang reaksyong sambit ni Dion.
"Ako rin po Ms." sabay taas ko sa kamay ko.
"Sa ayaw at sa gusto nyo, wala kayong magagawa dahil wala akong ibang gusto na magrepresenta ng school na ito. Maliwanag ba yon?"
Putangina wala kaming lusot. Pwede naman siguro magsakit-sakitan diba? Ms. masakit puso ko char.
"Ms. Hernandez?" tawag sa akin ni Ms.
"Yes?" sagot ko pero bigla syang ngumisi.
"Good, umagree ka na."
"Ha? Ano po Ms. Hindi po, ano lang po. Ahmm sumagot lan-"
"Mr. Alferez is it a yes or no?" tanong nya kay Dion.
"If Ms. Hernandez wants me to be her partner." sagot ni Dion.
"Ms. Hernandez? Ano na?" tanong ulit ni Ms.
"Pwede naman pong si Ms. President nalang Ms. e, diba ate?" pangungumbinsi ko pa sa Pice President. Ngumisi lang ito.
"Ms. Salvador (Pice President) will take care of all your needs sa pageant. Sila na ang bahala sa inyo sa lahat ng paghahanda. I want to win this year, okay?" at tinaasan nya kami ng isang kilay. "And yeah, before I forget. You won't transfer naman diba?"
Tumango-tango lang kami ni Dion.
"Mr. Alferez I want you to run for the next PICE President, and ikaw Ms. Top 2, I want you to run as his Secretary. At!" huminto sya ulit. "Meron pa! Gusto ko kayong dalawa na mag-advance study sa mga future lessons nyo, and also to look back sa mga past lessons nyo because I'm preparing both of you to be the next Quizzers to compete next school year."
BINABASA MO ANG
The Last Lie He Promised
Teen Fiction"Rai" - Cassandra Joy Hernandez, a Civil Engineering student who had lots of long term crushes including the smartest and good looking guy in their batch, but suddenly fell in love to a stranger, random guy she didn't know. Malayo ang lugar nilang d...