PANGHULING TAGPO

46 4 0
                                    

Don't waste your time, love the people around you. Kasi kung gagawa ka ng isang bagay siguradohin mong hindi mo pagsisisihan sa huli. Gaano ba kasi katangkad yang si pagsisisi kung bakit ba palagi nalang syang nasa huli?

Kha-el's POV

"Wag kang matakot." triny kong pakalmahin sya.

Nagdadrive na ako patungong simbahan.

"Akala ko hindi mo na ako babalikan. Akala ko iniwan mo na ako." sabi nya habang umiiyak.

Nagulohan ako sa sinabi nya.

"Wag ka na ulit mangako kung hindi mo tutuparin." dagdag pa nya.

Tila natauhan ako sa sinabi nya.

"I am really sorry Joy." panimula ko habang tutok parin sa pagdadrive.

"I already knew everything. At wala na akong mukhang ihaharap pa sayo. I am so sorry sa lahat ng masasakit na salita na naibato ko sayo."

Hindi sya umimik.

"I am so sorry kung hindi ako naniwala sayo. Sorry kasi hinusgahan kita agad without knowing your side."

Nilingon ko sya, siniguradong nakikinig sya, pero binigyan nya lang ako nga ngiting 'okay lang'.

"Kung maibabalik ko lang sana ang lahat ginawa ko na. Sobrang laki ng kasalanan ko sayo Joy. Hindi ko alam kung sapat ba ang mga sorry ko, pero sobrang nagsisisi ako sa lahat ng nagawa ko sayo."

Hindi pa rin sya umiimik. Nakikinig lang sya.

"You know what no'ng bago palang tayong naghiwalay walang araw na hindi ko inisip kung bakit mo nagawang magsinungaling sa akin, but I was wrong Joy. Naging selfish ako. I didn't bother to hear your explanations. Agad nalang akong umalis."

Umiyak sya ulit.

"I was so selfish Joy. Hinayaan kitang magmakaawa nang paulit-ulit. Hindi man lang ako nakinig sayo. I'm sorry if I was blinded by the lies na sinabi sa akin ni Arha. If I could've stayed longer you wouldn't have to suffer, but I guess that break up leads you to find your true love."

Wala ni isang salita ang lumabas sa mga bibig nya.

"No'ng mga panahong iniwanan kita sobrang hirap mag-umpisa ulit with a stranger, but akala ko talaga totoo lahat, akala ko sya talaga ang totoong girlfriend ko. Ang unfair ko lang, kasi ikaw yung girlfriend ko noon e pero hindi kita pinaniwalaan, hindi kita pinakinggan. I am so sorry Joy."

She was just crying.

"Gusto kitang yakapin noong nagmakaawa ka sa mall na balikan kita. Gusto kitang lapitan noong bumagsak ka habang nag-a-ice skating kayo ni Dion. Gusto kitang buhatin noong nakita kitang lasing na lasing habang naghihintay kayo ng taxi ni Dion. Gusto kitang tanongin kung anong nangyari sa buhok mo noong nakita kong nagpagupit ka. Gusto kitang icomfort noong ipinatawag ka dahil halos bumagsak ka sa pre-boards dahil kakahiwalay palang natin no'n. Gusto kitang alalayan patayo noong nagmakaawa ka ulit sa condo. Gusto ko kayong murahin nong sinadya nyong pagselosin ako. Gusto kong suntokin si Dion noong naabotan namin kayong halos maghalikan sa condo, kayo na pala no'n. Gusto kong awatin kayo ni Arha kasi alam kong sasaktan ka nya sa akala kong katotohanan. Gusto kitang ilayo kay Dion kasi nakikitang kong sobrang saya mo na sa kanya. Ako naman yon dati diba? Ako sana yon Joy. Ang dami kong gustong gawin pero hindi ko ginawa. Wala e, mas pinanindigan ko yung pag-iwan sayo at pagpili kay Arha."

"Minahal mo ba sya?" wala sa sariling tanong nya.

"Natutunan ko syang mahalin, pero.."

"Pero?" tanong nya.

The Last Lie He PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon