CHAPTER 12

27 2 0
                                    

When life challenge you. Accept it. God never put you in that situation without a reason. He is just putting you in the right place. So be thankful because He believes in you. Hindi ka nya bibigyan ng problema kung hindi mo kayang solusyonan. Trust yourself and trust Him. Okay?

Mico's POV

Umalis si Rai at ang ex boyfriend ni Patricia. Nakatulala kaming lahat sa mga rebelasyong nalaman namin. Gusto kong sumabog sa galit.

Lumabas si Pat sa bar, at sinundan ko sya.

Hinila ko ang braso nya "Patricia mag-usap tayo." pinilit kong pakalmahin ang sarili ko nang di ko sya masigawan.

"Ano pa bang pag-uusapan natin Mico? Susumbatan mo din ako?" at hinigit ang braso nya sabay walk out uli.

"Ano ba Pat? Bakit ikaw pa ang may ganang magalit ngayon samantalang kami 'tong pinalaroan mo?" hindi ko na napigilan ang sarili ko.

Lumabas ang isang matangkad na lalaking may nakakatakot na awra at sa likod nya ang isang binatilyo na halos kaedad ko lang. Patungo sila sa gawi namin.

"I'm so disappointed with you Hija. Minahal ka namin kagaya ng pagmamahal ni Kha-el sa'yo. Tinuring kitang parte ng pamilya namin. Pero anong ginawa mo sinaktan mo lang sya." dismayadong sabi ng matangkad na lalaki.

Yumuko lang si Patricia. "Tara na Dad." sabi no'ng binatilyo at tumingin kay Patricia "What a waste of time!" at naglakad na sila.

"Bakit Philip? Ako lang ba ang naglihim sa kanya? Diba ikaw rin?" sigaw ni Patricia.

Lumingon ang matangkad na lalaki at ang binatilyo. Ngumisi lang si Patricia. Hindi ako makapaniwalang kaya nyang sumagot ng ganoon.

"Diba matagal mo nang alam na may iba ako? Bakit hindi ka nagsalita sa kuya mo?" sabi ni Patricia.

"Hindi ako nagsalita kasi ayaw ko syang saktan!" sagot no'ng binatilyo.

"Edi parehas lang tayo!" sambit ni Pat at nagsmirk.

"Dyan ka nagkakamali Arha! Hindi tayo magkapareho! Ginawa ko yon kasi mahal ko si kuya. Eh ikaw? Minahal mo ba talaga si Kuya? Ba't ka naghanap ng iba?" matapang na sagot ng binatilyo.

Galit na tumingin si Patricia sa kanila. "At ikaw Tito?" turo nya sa matangkad na lalaki. "Ako lang ba ang nanakit ng damdamin ni Kha-el? Diba ikaw rin?" dagdag pa nya.

Nahihibang ka na ba Patricia?

"Pat?" tawag ko sa kanya dahil hindi na tama ang pinaggagagawa nya, pero "Wag kng makialam dito Mico!"

Nagcross-arms sya at "Tito! Diba sinaktan mo rin sya no'ng sinabi mong hindi mo sya totoong anak? Wag kang magkunwaring malinis Tito!" sabay angat sa isang kilay nya.

Hindi sya ang Patriciang minahal ko, hindi sya ang Patriciang ipinaglaban ko sa parents ko, at hindi na sya ang Patriciang gugustohin kong makasama habang buhay!

Napakunot ng noo ang binatilyo. "Sinabi ko sa kanya ang lahat-lahat, lahat ng totoo sa pagkatao nya! At least hindi ko sya niloko, eh ikaw?" sagot no'ng tinatawag nyang Tito.

Napatigil sila nang biglang nagring ang cellphone ng binatilyo.

"Hello kuya? Asan na kayo?" tanong nang binatilyo sa kabilang linya.

"Ah hello Sir. Pwede ko bang makausap si Philip?" tanong no'ng nasa kabilang linya.

"Ah sino to? Oo si Philip po 'tong kausap mo? Asan si kuya? Bakit nasa iyo ang cellphone nya?" sunod-sunod na tanong no'ng binatilyo.

"Isa po ako sa nagresponde sa Kuya mo at sa girlfriend nya. Naaksidente po sila. Nandito po sila ngayon sa Pangasinan Provincial Hospital. Ikinalulungkot ko pong ibalita na kritikal po ang Kuya nyo." agad nyang pinatay ang tawag at nagmadaling ibalita sa loob ang nangyari.

The Last Lie He PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon