CHAPTER 43

24 3 0
                                    

Minsan kung sino pa ang akala mong masama sila pa ang totoong nagmamalasakit sa'yo.

Cara's POV

It's been 5 months since nagpropose si Dion sa akin no'ng oath taking namin. Nagleave muna kami sa trabaho since nabusy kami preparing for our wedding.

Right after the oath taking kinuha kaming tatlo ni Dion at Kha-el ng asawa ni Prof. Yun kasi may Real Estate sila sa Manila. Kha-el declined the offer kasi plano nyang magbase sa Cebu. Nagsasama na sila ni Arha doon. They were happy at kami rin.

Nagpatayo kami ng bahay dito sa Laguna, sa parehong subdivision pa rin, at may condo rin kami ni Dion sa Manila.

Planong naming magpakasal sa favorite church ng mga mommies namin, sa St. John the Baptist Church sa Liliw, Laguna.

3 days nalang bago ang kasal namin.

"Dion what are your plans for tomorrow?" tanong ko kay Dion.

"I'm going to visit the place kung saan natin gaganapin ang reception. Would you like to come with me?"

"Hmm hindi na. I trust you my man. I will go to the pastry tomorrow to follow up our cake, and magsasalon din ako, magpapamanicure at pedicure ako." sabay tawa.

"Okay madam." sabi nya.

"By the way what time ka matatapos doon? Baka kasi matagalan ako sa salon, sunduin mo nalang ako, at sa labas nalang tayo magdinner" suggest ko.

"Your last dinner with me as my girlfriend Cassy." bahagya syang natawa sa sinabi nya.

"Corny mo naman."

"Diba hindi tayo magkikita or magsasama a day before our wedding? Yan yung sabi nila e." he confusedly asked.

"Yes. I don't know bawal daw kasi."

"Let's follow nalang babe, we will have our time together sa Japan naman e." at hinawakan nya ang bewang ko. "Honeymoon right?" sabay tawa.

"Honeymoon ka dyan! Kadiri ka." singhal ko sa kanya.

Tumawa sya at pinatay ang ilaw.

"Dion! I will do my skincare routine pa, ano ba?"

"I'll sleep na po kasi." sabi nya tyaka tinurn on ulit ang ilaw.

"Mamaya na. Ang dilim-dilim kaya."

"You scared? Wawa ka naman." pang-iinis nya sa akin.

Padabog kong isinara ang pinto ng banyo.

Pagkatapos kong maghilamos at maglagay ng mga skincare ko lumabas na ako ng banyo.

"Dionnnnn!" sigaw ko sa kanya kasi patay na lahat ng ilaw. "Bakit mo kasi pin--"

Hindi na ako nakatapos pa kasi hinila na nya ako.

"I can't sleep nga kasi." reklamo nya habang hawak ang malapulsohan ko.

"Takot nga kasi ako sa dilim e!" binawi ko ang kamay ko. "Pwede mo namang ilawan yang lampshade dyan ah? Nangtitrip ka ba?" pinagtaasan ko sya ng boses sa sobrang inis ko.

"Sorry."

Binuksan nya ang ilaw.

"Argh ang sakit sa mata Dion! Ano ba?!" sigaw ko ulit, nainis ulit ako kasi wala syang pasabi na bubuksan nya ang ilaw.

"What I'm gonna do?" mahinahong tanong nya. "Ayaw mo ng walang ilaw, then now you're mad kasi binuksan ko yung ilaw." dagdag nya.

Pumunta sya sa may side ng kama sya humiga sa pwesto nya. "Dion ka pa nang Dion."

The Last Lie He PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon