CHAPTER 18

31 5 0
                                    

If you are destined to a certain person, kahit ilang beses pa kayong ipaglayo ng mundo, gagawa at gagawa ng paraan ang tadhana para pagtagpuin kayo. Kaya hindi dapat minamadali ang pagmamahal, darating at darating din yan, sa tamang panahon. Okay?

Cara's POV

Pupunta kaming Basilica Church bago puntanhan ang isang ginang na tyahin daw ng bestfriend ng Mommy ko sa Plaza Independencia, sasakay kami ng jeep kasi hindi kami nagdala ng van.

"Ahm excuse me Miss, can I ask if anong jeep ang sasakyan patungong Basilica Church?" tanong ni Mommy sa isang dalagang naglalakad na may dalang envelope, mag-aapply ata ng trabaho.

"Pwede po kayong sumakay ng 13C, tapos 'pag makadaan na kayo sa Parian may makikita kayong mga statue nila Lapu-lapu. Bumaba kayo dyan bago pa lumiko ang jeep sa may Colon street. Pagkatapos dumiritso kayo at may makikita kayong Museum na katabi ng Cathedral, at pagkatapos pumasok kayo sa gate ng Cathedral at mag-exit kayo sa may dulo, left side po may makikita kayong gate na nakaharap din sa gate ng Basilica Church, at yun na po." pagpapaliwanag ng babae at pumara na sya ng jeep.

"Sakay na po kayo, 13C po ito." tumingala ako at nakita ko ang karatola sa itaas ng jeep "13C".

Pumunta ang babae sa harapan para kausapin ang driver. "Kuya muadto sila'g Basilica Church, ihunong lang sila sa may Parian, nya tudloe kung asa padong, palihog." at tumango si kuya driver.

Kuya pupunta silang Basilica Church, ihinto mo nalang sila sa may Parian, at turoan mo kung saan patungo, please.

Hindi ko man naintindihan ang sinabi ng babae, pero alam ko naman na tinuturoan nya ang driver kung saan kami papunta.

At yun na nga ang nangyari, ihininto kami ni kuya driver at nag-abot na ng bayad si Dad. Ta's may sinabi si kuya driver kay Dad. Nandito ako ngayon sa harapan ng isang malaking Statue na kung saan nagmimistulang nakikipagdigmaan. Si Lapu-lapu siguro tong may bandana sa ulo na naka topless at may dalang itak? Grabi ang husay ng pagkahulma nito. Sobrang ganda. Kaya I took a picture.

Naglakad na kami patungong Cathedral ba yon? Buti nalang nakaflatshoes ako at okay lang maglakad. Nang makarating kami sa Cathedral sobang ganda ng loob nito. Hindi man kami pumasok sa mismong Cathedral Church kitang-kita naman mula sa malayoan ang ganda ng altar nito. Sobrang liwanag, na halos kulay dilaw at kahil nalang ang bumabalot sa loob ng Cathedral. Pagkatapos no'n, naglakad na kami patungo sa kabilang gate. At dumaan kami sa may mga nagtitinda ng mga pasalubong, mga bulaklak, mga pagkain at mga damit ng santo.

Pagkapasok namin sa Basilica del Sto. Niño Church, agad akong namangha sa sobrang lawak ng lugar, may altar sila sa labas, at may altar din sa loob ng church. Nagtanong si Mom kung saan pwedeng magsindi ng kandila at magdasal. Pagdating naming sa may side na yon kumuha na kami ng kandila at sinindihan ito. Ang daming nakalahirang mga kandila na kulay pula, sobrang ganda pagmasdan ang mga nakasinding kandila. Pumunta ako sa may grotto para roon ako magturok ng kandila, at nagdasal. Sobrang ganda at tahimik ng paligid ng Church. Nagtanong si Dad kung saan patungong Plaza Independencia.

Lumabas kami sa kabilang side at pagkalabas namin ang tumambad sa amin ang Magellan's Cross. Agad akong tumakbo papunta roon, matagal ko na 'tong gustong makita. Namangha ako sa ceiling nito, ang ganda, tilay mga kaganapan ito sa past. Pumasok ako at inutosan si Mom na picturan ako. Pagkatapos no'n ay naglakad ulit kami at nakarating sa sa Plaza Independencia.

Umupo muna kami saglit ni Mommy at Dad. Ang daming upoan, ang lawak pa ng lugar, sobrang berde ng mga damo, at may napansin akong isang Museum ata yon.

"Mom anong oras ba darating yong Tyahin ng bestfriend mo?" tanong ko kay Mom.

"Mamayang mga alas nwebe pa." sagot ni Mom.

The Last Lie He PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon