CHAPTER 9

31 2 0
                                    

Learn to let go kung masakit na,
Learn to let go kung ayaw na nya.
Kasi di naman sa lahat ng oras kailangan mong magpakatanga,
Imulat mo ang mga mata mo sa katutohanan, hindi na ikaw ang laman ng puso nya! Okay?

Philip's POV

I want to take pictures of Cara sa pupuntahan namin. Well, bagay naman talaga sa kanya ang maging subject sa isang photoshoot kasi aside of having a very pretty face, kahit anong susuotin nya mababagay talaga sa kanya.

"Sige Cara 1, 2, 3." sabi ko.

Biglang nagsalita si kuya mula sa likod ko "Ganda"

For sure hindi na namamalayan ni kuya ang mga pinagsasabi nya hahahahaha. Hay naku Kha-el pano ba yan mukhang natamaan kana kay Cara ah.

Nakarating na kami sa Children's Island, pupuntahan namin later yung ibang dalawang Islands na inopen para sa mga turista. Ang Governor at Quezon. Gustong-gusto kong kunan ng litrato ang dalawa, TOGETHER! Para naman sa patarp sa birthday nila. But I think this is a no for kuya. Ganyan naman sya, sobrang Kj.

Maglilibot na kami ng Isla. Ang ganda. Napakasarap ng hangin. Napakalinaw ng tubig. Napakaperfect para sa photoshoot.

"Hey Philip. Kunan mo ako rito." tawag sa akin ni Cara.

Lumingon ako sa gawi nya. Umupo sya sa buhanginan. Napakaganda ng pagkaupo nya. Perfect for my desire picture. Agad akong pumaroon at, "Sige wait. Okay 1, 2, 3 pose."

Nakaliang shots ako. Halos perfect lahat. Pinatignan ko sa kanya at para syang bata na tuwang-tuwa makunan ng litrato.

Lumingon ako kay kuya at tinawag sya. "Kuya come here."

"Why should I?" wow arte ha.

"Diba you told me earlier na pagkarating na natin sa Isla ka kako magpapapicture? Oh nandito na tayo." tignan lang natin Kha-el kung makakalusot ka pa ba.

Ayos tong naisip ko.

Halata namang iniiwasan nya si Cara eh, bumusangot ang mukha nya at, "Okay fine."

"Oh dyan ka pumwesto. Halika dito Cara." it's time to capture the two. Haha

"What kasama sya?" arteng tanong nya ulit! Agad ko naman syang tinignan, "Bakit naman hindi?"

"Okay basta one shot lang at tapos na." one shot lang nga ba? Hahaha

Itinuro ko sa kanila ang gagawin. Hindi naman masyadong sweet yung parang models lang talaga. Bagay naman sila. Parehong maputi, matangkad, pogi't maganda. At bagay na bagay ang kanilsng outfit today. Si Cara na naka one-piece at maong shorts plus the see-through na white long-sleeve, at si kuya na naka white polo ang white shirt. Perfect!

I click the camera many times nang biglang sumigaw si Cara at napakarga kay kuya kasi nga may alimango. Nakuha ko na ang perfect shot ko. Bumalik sila sa ulirat at binitawan ang isa't-isa. Tumingin sila sa akin. At...

Takbo Philip takboooo before pa madelete ito ng kumag mong kuya.

"Fudge! Edelete mo yon Philip." sigaw nya mula sa malayo.

"Eh kung ayoko?" pang-iinis ko naman sa kanya

"Fvck bahala ka sa buhay mo." sabay alis, pumunta kina Dad

Tumakbo si Cara patungo sa gawi ko "Philip diba ededelete mo yun?"

"NO!" sigaw ko sabay halakhak

"Bakit naman? Nakakahiya yun." nasa harap ko na sya ngayon.

"Halika nga. Gayahin mo to at pumunta ka ron." Ipapakita ko sa kanya ang shot ko kay Arha (ex-girlfriend ni kuya) noon. Ipapagaya ko sa kanya pero mas maganda ang anggulo today, ang ganda kasi ng surroundings.

The Last Lie He PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon