CHAPTER 33

24 3 0
                                    

Hindi masamang maging tanga basta't alam mo sa sarili mong nagmahal ka lang naman diba?

Cara's POV

Nakasakay na kaming jeep patungong Review Center nang biglang magring ang phone ni Dion.

"Hello Dad?"

"Ano 'tong tinext ni Raphael na hindi na sya titira sa condo nyo?" tanong ni Tito Luisetto.

"Not now Dad may pre-boards kami. Papunta na kami roon."

"Okay call me later Dion."

Maya-maya pa lang ay nakarating na kami sa Review Center.

"No phones are allowed so please make sure to turn off your phones. This pre-board examination serves as your guide or something that would measure your progress in this 6 months review. After this exam you will realize a lot of things, so take this seriously." saad ng Proctor namin.

Nakita kong pumasok si Kha-el.

"Mr. David why are you late?" at tinaasan nya ng isang kilay si Kha-el.

"I'm sorry Sir."

Dire-diretso lang sya sa extrang upoan sa likod.

"Guys, you shouldn't be late on the day of your board exam. That's the very important day in you Engineering journey so please avoid being late. Understand?"

"Yes Sir." kaming lahat.

Nahirapan ako sa pre-boards namin. Hindi ako makapagfocus. Wala akong gana mag-analyze at magshade.

Lunch break na at may 1 hour lang kami bago magsimula uli.

"Langga pwede ba tayo mag-usap?" sinundan ko si Kha-el.

Hindi nya ako kinibo.

"Cara happy birthday. Way pakal diha?" sabi no'ng isa naming kaklase.

Habang nagtatawanan sila ngumiti lang ako kasi hinahabol ko pa si Kha-el pero nawala na sya. Ewan ko kung saan papunta.

Bumalik nalang ako sa loob.

"Sorry ha I was chasing Kha-el. Ahm ano nga yung sinabi mo?" sabi ko.

"Ay sorry. Sabi ko wala bang handaan dyan?"

"Nah we will have another set of exam pa. Lunch? Gusto nyo maglunch. Libre ko na." at agad naman silang nag-apir sa isa't-isa.

Tatlo lang sila, si Viell, Rogie at Josh. Hindi kami gaanong nakakahang out with these people kasi focus lang kami sa review. Lima lang kami kasi wala si Kha-el.

"Cara nganong wala ninyo gikuyog si Kha-el?" tanong ni Viell.

Nagtinginan kami ni Dion hindi dahil nadawit ang pangalan ni Kha-el, kundi dahil hindi namin naintindihan ang sinabi nya.

"Ay sorry sorry. Sabi ko bakit hindi nyo isinama si Kha-el?" pagpapaliwanag nya.

"Ah hihi kunting misunderstanding lang."

Bumalik na kami para e-take ang natitirang exam. Pagkatapos no'n balak ko pa sanang kausapin si Kha-el pero wala e. Galit pa rin.

"Dion punta tayong Mango Avenue, roon tayo kakain ng dinner." masayang sabi ko nang makarating kaming condo.

"Why Mango Avenue?" tanong nya habang busy sya sa paghahanap ng kung ano.

"Tatagay tayo after."

Napahinto sya sa ginagawa nya.

"Cassandra?" sinamaan nya ako ng tingin.

"Bakit ayaw mo ba? Libre ko naman ah."

"Kailan ka pa natutong uminom?"

The Last Lie He PromisedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon