Chapter 1

44 3 0
                                    

"Ahhh Aeson! Parang tanga naman!"

First day of school, oo as in first day na first day nanggagago agad ang siraulo na to. Dahil wala naman gaanong ginagawa sa first day ay hinayaan kami ng subject teacher namin na magliwaliw sa bagong room namin.

Ngayon ay nasa grade 12 na kami kaya ilang buwang pagsusunog nalang ng kilay ay makakaraos din. As a STEM student, hindi biro ang kahaharapin mo. Naiistress na'ko, pero laban lang. Ginusto ko naman 'to.

"Naknang!" Angil ko at saka pinulot ang mga gamit at dali-daling nagplanong tumungo sa library. Maybe there, I would have the peace I want.

"Anong problema nan?" Rinig kong tanong ni Aeson.

"Idunno, baka meron,"

Hindi 'ko nalang sila pinansin at dumiretso nalang sa library. I still have an hour para tumambay don at magbasa ng pocketbook ko. Ayaw ko talaga ng magulo 'pag nagbabasa ako. Bago ko pa man matapos ang isang pahina ay umilaw na ang phone ko, may tumatawag na gaga.

"Friggete Avonnnn!" Sigaw nito mula sa kabilang linya kaya nailayo ko ang phone mula sa tenga ko.

"Wag kang maingay Eira! Ang sakit sa tenga ng matinis mong boses," Mahina kong saad pero may diin.

"You're so mean bestfriend!" Now I can picture her face pouting her lips. "Anyways how's school? You think it's no more boring if I attend class tomorrow?"

"Ewan ko sayo Eira, pero pumasok ka na bukas ha? I heard medyo terror ang teacher nyo sa PHILO."

"Oh no, you just gave me a reason why I should not attend class tomorrow. I'll hung up now!"

"Gaga ka! Basta pumasok ka na bukas," Napalakas ang boses ko kaya naman nasuway ako ng Librarian na naggagala pala, nag peace sign lang naman ako dito.

Syempre suki na ako ng library kaya hindi na ako gaano pagtatarayan nyan, close na kami no. Nagsimula nalang ako sa pagbabasa at nang malapit na ang sumunod na subject ay bumalik na uli ako sa room. As usual dumiretso ako sa likod na parte, kung saan tahimik at walang nanggugulo.

"Oh," Mali pala ako, never magiging peaceful ang isang lugar lalo na kung nasa paligid lang 'tong si Aeson.

Tiningnan ko ang inilapag niya sa mesa ko at kinunutan sya ng noo.

"At anong gagawin ko dyan?" Mataray kong tanong.

"Langhapin mo, baka sakaling mahalin mo na ako," Litanya nito kaya naman nabatukan ko, pero tatawa tawa lang ito. "Syempre malamang isuot mo! Baka tagusan ka sa sobrang katarayan mo!"

"Ewan ko sayo Eg, kagaguhan mo na naman."

"Grabe. Nagmamabuting loob lang ako Av," Saka ito umupo sa tabing upuan ko. Hindi ko nalang sya pinansin at dinukot nalang ang cellphone at nag facebook.

Ka-chat ko rin si Eira na send ng send ng picture, loka lokang to. Bakit kasi hindi nalang pumasok.

"Ganda niyan ah. Pakilala mo 'ko. Baka dyan may pag-asa ako," Bulong nito habang nakasungaw din sa cellphone ko.

Gagong 'to, tsismoso. Itinago ko nalang ang phone ko.

"Asa ka naman dito, iiyak ka lang."

"Sayo lang ako iiyak, baby. Dali na! Pakilala mo na 'ko," Pilit niya pero ngingisi ngising inilingan ko lang. "Ang damot. Selos ka ba? Sige na nga, ikaw lang crush ko."

Nakahalukipkip ko siyang binalingan, tinaasan naman niya 'ko ng kilay. "May ibibigay ako sayo," agad nagliwanag ang mukha niya. Ako naman ay umaktong may kukunin sa bag at saka nakangising bumaling sa kanya. Ipinakita ang finger heart ko. "Okay crushback ka na,"  ang gago bigla na lang sinapo ang dibdib habang nakapikit. "Ginagawa mo? Hoy!"

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon