Chapter 34

12 1 0
                                    


Nang pakiramdam ko ay medyo gumaan na ang kalooban ko ay kusa na akong humiwalay ng yakap sa kanya. Gamit ang likod ng palad ay tinuyo ang luha sa mata ko.

"Si Alane pala?" tanong ko kay Drexel na nanatili sa harap ko.

Hinubad niya ang leather jacket na hindi ko napansing suot niya pala. Isinuot niya sa'kin iyon. Ngayon ay tanging puting shirt at maong ang natira sa kanya.

"Nakita ko ang hilaw niyang boyfriend kanina. Baka kasama niya."

Napatawa na lang ako dahil sa pait ng pagkakasabi niya doon. Pabiro ko siyang sinapak sa braso. Siya naman ay sinimangutan ako. Akala mo naman bagay sa kanya.

"Bitter mo Drexel."

Ewan ko ba dito kay Drexel, napakagandang lalaki naman pero hindi maka move on kay Alane. Yung mga ganitong mukha yung tipong babaero, e. Yung mga mahilig sa one night stand. He have this cool aura that make him interesting and easy to approach. Kaso 'di ko siya type.

"Heh," asik niya at ipinagbukas na ako ng pinto ng sasakyan niya.

Ngingisi ngisi naman akong sumakay sa passenger seat.

Iyong mabigat kong nararamdaman kahit papaano'y gumaan. Ganito ata talaga siguro kapag alam mong may matatakbuhan ka. O baka dahil immune na ako.

Mabilis din naman siyang pumunta sa puwesto niya, sa driver's seat. Nag-seatbelt at ang kamay ay nanatili sa manibela. Wala pang balak magmaneho. Parang malalim pa ang iniisip habang nakatitig sa kawalan.

Isinandal ko na lang ang katawan ko sa backrest. Ipinagkrus ang braso sa tapat ng dibdib ko. Malamig kasi dahil sa akin nakatapat ang aircon ng sasakyan niya. Ipinikit ko na rin ang mata para mas namnamin pa ang katahimikan.

Hindi ko na alintana ang kaonting kirot sa ulo at dibdib ko. Pero isa lang talaga ang sigurado, hindi na ulit ako pupunta sa mga gano'n. Tangina lang nila. Lalo na si Shamy. Ang gagang 'yon ay updated pa rin sa buhay ko. Hindi pa nakontento at binroadcast pa sa iba, sa harap ni Aeson at maging sa girlfriend niya.

"Okay ka lang?" tanong ni Drexel, dahilan para magmulat ako at lingunin siya. Hindi ko namalayan na nagtatas baba na naman pala ang dibdib ko. "Gusto mo bang bugbugin ko 'yong ex mo?"

Kinunutan ko siya ng noo. "Ulol."

Umawang ng kaonti ang labi niya hanggang sa mas bumuka pa iyon at napunta sa ngisi bago sa halakhak. Ginulo niya ang nakapusod kong buhok.

"Ayos ka na nga. 'Yan ang gustong gusto ko sayo Avon. Kaya nabuo natin si Hopia, e."

"Siraulo."

Kasunod no'n ay ang pag pingot ko sa tenga niya.

Tingnan mo nga naman, parang bata pa rin kami kung umakto.

"Ano ba kasing ginagawa mo dito? Akala ko ba nasa Cebu ka?"

"Hindi mo 'ko na-miss? Grabe ka naman, Avon. Apat na buwan din kaya akong nawala!"

Ang sarap batukan nitong si Drexel. Parang batang nagmamaktol.

"Bakit kita mami-miss? Jowa ba kita, ha?"

Bigla ay mapang-asar na ngisi ang iginawad niya sa'kin. "E bakit si Aeson? Hindi mo naman naging jowa pero nami-miss mo?"

Sa pagkakataong 'to ay ako naman ang sumimangot. Nag-iwas na lang ako ng tingin habang naasar sa nakakaloko niyang halakhak.

"Miss ko na si Aeson. Gusto ko na siyang makita pero bawal. Hindi ko magawang magalit sa kanya kahit tinarantado niya ako," pilit niya pang ginagaya ang garalgal ko boses.

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon