Chapter 40

11 0 0
                                    


Hello! Thank you for reaching this far. This is the last chapter of the story and the next part would be the epilogue. I always had a great time writing this story. It's fulfilling to know that the story is about to end but at the same time saddening. I just hope that this story taught you many things. Thank you so much for reading!
__________________________________

"Avon!"

Napatakbo ako dahil sa tawag na iyon ni Mama. Dali-dali akong bumaba para pumunta sa kuwarto nila Mama. Nakasalubong ko pa si Mama sa hakbang na humahangos, para ng maiiyak.

"Bakit Ma?" kabado kong tanong.

Mabibigat ang hininga niya ng magsalita.

"A-Ang Pa... ang Papa, Avon."

Imbis na manigas sa kinatatayuan ay mabilis akong pumasok sa kuwarto nila . Hinanap ng mata ko si Papa at nakita itong nakahiga sa kama niya.

"Kanina ay tinatabig ako ng Papa mo a-akala ko kung ano tapos bigla na lang siyang tumigil kaya natakot ako."

Lumapit ako kay Papa at tinapik siya.

"Papa..." tawag ko habang tinatapik siya. Pero ayaw niyang magmulat.

Mas dumagundong ang dibdib ko ng mahawakan ang nanlalamig niyang kamay. Itinapat ko ang palad ko sa kanyang bibig at ilong, halos maiyak na ako.

"Ate anong nangyayari?" nag-aalalang tanong ni Fran na hindi ko namalayang nandito na pala.

Imbis na sagutin siya ay magkapatong kong pinagsiklop ang kamay sa tapat ng dibdib ni Papa at sinimulang iyong i-pump habang may tamang bilang.

Nanginginig na ang kamay ko sa ginagawa at mabibigat na ang hininga ko. Para na akong nanlalambot sa sobrang kirot ng puso ko.

"Tumawag ka ng ambulansya Fran!" sigaw ko.

Naiiyak na ako. Ramdam ko na. Parang hinahalukay ang tiyan ko sa kadahilanang ayaw gumising ni Papa. Muli kong itinapat ang palad sa ilong niya pero wala pa rin.

"Papa! Pa gising naman diyan!" frustrated kong sabi.

Sinubukan ko ulit ang CPR. Pinanghihinaan na ako ng loob dahil sa hagulhol ni Mama. Nakikisabay pa si Fran na pasinghot singhot na habang may kausap sa cellphone niya.

Hindi. Alam kong may himala. Gigising si Papa.

Mabilis na rumesponde ang ambulansya. Sumama kami ni Mama at naiwan naman si Fran dahil walang magbabantay sa bahay at kay Hope.

Iyak ng iyak si Mama habang ako naman ay tahimik lang sa sulok. Ayaw mag proseso ng ayos sa'kin. At gustuhin ko mang umiyak dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ay hindi ko kaya, walang luha ang gustong kumawala.

"Condolence sa pamilya mo Avon."

Tanging tango at pilit na ngiti lang ang isinagot ko sa isa sa kapitbahay namin.

Kaninang umaga lang naiuwi ang bangkay ni Papa. Sinubukan pa siyang i-revive pero dead on arrival na sa ospital si Papa. Brain stroke ang ikinamatay.

Kaawa-awa ang sinapit ni Papa. Ni hindi man lang siya nakasigaw para humingi ng tulong sa'min. Ni hindi niya man lang naisatinig kung ano ang nararamdaman niya.

Sinabi na sa amin ng doktor na maaaring ma-trigger ang ganoon kay Papa dahil sa ginawa sa kanya pero hindi ko pa rin matanggap. Sa isang iglap ay binawi ang buhay ni Papa. Hindi ko naman magawang magalit sa Panginoon dahil alam kong hiram lang naman talaga ang buhay natin.

Hindi ko alam kung ano ba ang sakto kong nararamdaman ngayon. Parang blangko. Parang bumalik na naman ako doon sa mga araw na sobrang dilim ng buhay ko. Na kahit nandiyan pa rin naman ang pamilya at ilang kaibigan ay hindi magawang punan ang espasyo sa puso ko. Hindi kayang takluban ang pagdadalamhati ko.

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon