Chapter 39

10 0 0
                                    


Ayaw mag proseso ng ayos lahat ng sinabi ni Eiradelle at Aeson. Hanggang pagpasok ko kinabukasan ay hindi 'yon mawala sa utak ko. Para tuloy akong lutang buong shift ko.

Paanong si Lexus? Paanong nangyari siya? Hindi ko rin maiwasang mapaisip kung kailan at saan.

Paano kung nagsisinungaling lang ulit si Eira?

At si Aeson... Sinabi niyang hindi siya ang ama. Ngayon ay parang unti-unting nagsi-sink in sa'kin ang mga sinabi niya. Kilala ko si Aeson, totoo siya sa mga sinasabi niya. May parte sa'kin na naniniwala ngunit may parte pa ring pinipigilan ako. Gusto kong maiyak. At iyong tungkol sa bakit siya umalis... gusto kong malaman kung paano niya nalaman ang dapat na pakikipagkita ko kay Lexus.

Unti-unting natitibag ang katigasan ng puso ko para sa kaniya.

Naaalala ko kung paano siya lumuhod sa harap ko. Kung paanong handa na siyang halikan ang paa ko para lang balikan ko siya. Kung paano niya sinabing mahal na mahal niya pa rin ako...

Is there a chance for us now?

Napahagulhol ako. Sinapo ko ang bibig ko, pinipilit na huwag gumawa ng ingay. Nilingon ko si Hope na mahimbing ng natutulog sa tabi ko. Pinkatitigan ko siya at hindi ko maiwasang makita sa kanya si Lexus. Hindi ko alam kung dahil ba sa iyon ang sinabi ni Eira o sadyang yun talaga ang nakikita ko.

Ipinilig ko na lang ang ulo at tinuyo ang luha. Sumasakit na ang ulo ko sa kakaisip kaya naman sinubukan ko na lang na iwakli muna 'yon sa isip ko.

Dumating ang weekend at napagpasyahan kong umuwi na muna sa Quezon. Gusto kong makatakas muna sa mga alalahanin ko rito at siyempre makasama ko ang pamilya ko.

Habang nag-aayos ng mga gamit namin ni Hope ay nasilayan ko siya na nasa harap ng salamin at pilit inaayos ang buhok. Napangiti ako. Lumapit ako sa drawer para kuhanin ang mga ipit niya. Aksidente ko namang nadanggil ang jewelry box na nakapatong sa ibabaw kaya tumilapon iyon. Nagkalat ang mga hikaw, necklace at singsing.

Napatitig ako doon sa pamilyar na singsing. Lumakas ang kabog ng dibdib ko para sa hindi malamang dahilan. Parang bigla ay nagbalik sa'kin ang mga alaala naming dalawa.

Matagal ko ng hindi isinusuot ang singsing na ibinigay niya. Gusto ko sanang itapon noon pero nanghihinayang ako. Naging mahalaga sa'kin ang mga gamit na galing sa kanya.

Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba 'yon o ano pero nung huling nagkita kami ni Aeson, noong hinawakan ko siya sa dibdib ay nakapa ko ang necklace niya na may pendant. Ewan ko pero malakas ang pakiramdam ko na iyon yung binigay ko. Pero hindi ako sigurado.

Pinilit ko na lang na alisin 'yon sa isip ko. 'Wag muna. Kailangan ko ng peace of mind.

Hinatid kami ni Tita hanggang sa bahay pero hindi rin siya tumuloy pa sa loob dahil didiretso pa siya sa Infanta.

"Mama Lola!" bati ni Hope kay Mama.

Umakma si Hope ng pagpapabuhat kaya natawa si Mama. Siyempre dahil may katandaan na ay hindi na niya kaya ang bigat ni Hope. Kaya naman nagpa-bless na lang ito at saka inakay kami sa loob.

"Nag-agahan ka na ba apo?"

"Opo! Madaming madaming hotdog."

"Nasaan si Fran Ma?" tanong ko.

"Nasa eskwela na. Maaga kasi ang klase niya ngayon."

Tumango ako at nagpatuloy sa paglalakad. Bitbit ko ang backpack na naglalaman ng gamit namin ni Hope.

Pagpasok namin sa salas ay naabutan ko si Papa na nasa harap ng telebisyon. Nakaupo sa kanyang wheelchair. Lumingon ito sa amin at ngumiti.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi, nagpipigil na maiyak. Parang pinipiga ang puso ko sa tanawin ni Papa na ganito. Ibang iba siya sa nakagisnan ko. Ang dating matipunong katawan ay bagsak na, lumpo at maputi na ang buhok.

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon