Pagkadating namin sa mall ay pinagtalunan agad namin kung ano ang uunahing gawin. Gusto niya na kumain muna dahil daw hindi pa 'ko kumakain pero sabi ko bumili na muna ng ticket.
"Oorder na muna ako ng pagkain natin tapos ikaw bili ka na ng ticket?" suhestyon ko para matigil na. Mas magtatagal kami neto eh. "Huy."
Pinakatitigan niya muna ako bago bumuntong hininga at tumango.
"Chowking tayo? Ano iyo?"
"Gerry's grill tayo, alam kong nagsasawa ka na sa Chowking," marahan siyang ngumiti. "Eto pambayad. Mabilis lang ako."
Sinamaan ko ng tingin ang isang libong inaabot niya sa'kin.
"Ako magbabayad, ako nag aya eh," aniya ng mapansin na hindi ko tatanggapin ang pera niya.
Sa huli wala akong nagawa kundi tanggapin 'yon at maghiwalay kami ng daan. Nasa may dulo ang grill samantalang sa second floor ang cinema. Sa totoo lang nahihiya ako na manlilibre pa siya, pero at some point okay din kasi wala na talaga 'kong pera. Sakto lang para sa allowance ko this week at pang grocery ang meron ako. Ayaw ko namang mamulubi dahil lang sa pride ko.
Bago pa ako makapasok ay may kumuha na agad ng order ko. Syempre yung hindi kamahalan ang inorder ko, ayoko namang itake advantage at para sa kanya ay yung sinabi niyang order. Pumwesto ako sa pang dalawahang upuan na nasa sulok. Habang nag aanatay pa sa order ay nakita kong pumasok si Lexus habang iginagala ang paningin. Bago pa siya mahilo kakahanap ay kumaway na 'ko.
Sa simpleng gesture kong 'yon ay ngiting ngiti na agad siya. Akala mo naman nanalo sa lotto.
"Alas tres pa tayo, naubusan kasi ng ticket. Okay lang ba?"
"Okay lang naman. San naman tayo pupunta after kumain?"
"Ikaw bahala," aniya at nagkibit balikat pa.
Wala naman akong ibang gustong puntahan kundi NBS kaso matetemp lang akong bumili, sasaktan ko lang ang sarili. Pero mag gogrocery nga pala ako. Wala ng pagkain sa apartment.
"Mag grocery nga pala ako. Pero mamaya na bago tayo manood ng sine? Okay lang ba 'yon?"
"Okay lang mag grocery din ako," nakangiting aniya at mabilis na inayos ang mga dumating na pagkain.
"Pakigaya ka."
Napatawa siya. "Hindi ba pwedeng wala na ding pagkain sa bahay? Tatawagan ko si mommy para sa ipapabili niya."
Nakangusong tinanguan ko na lang siya. Biro lang naman talaga yung kanina. Kahit hanggang pagkain namin ay hindi kami natigil sa pagkekwentuhan. Hindi naman talaga siya yung palabirong tao pero hindi ko ba alam kung anong nakain neto ngayon. Sinabayan ko na lang.
Pagkatapos naming kumain ay inaya niya muna ako sa mga clothing stores. Habang namimili siya ay nagtitingin tingin lang ako. Gusto ko sanang bumili kaso... Pero okay lang din naman, madami pa naman akong damit.
"Eto o eto?" tanong niya patungkol sa dalwang damit na hawak. Nasa harap siya ng salamin at pilit tinitingnan kung alin ang mas bagay. "What do you think?"
"Maganda 'yang army green."
Tumango lang siya at pinakatitigan pa kung bagay talaga. Sa huli ay 'yon na ang pinili niya. Ang bilis lang talagang mamili ng mga lalaki, ilang ikot at tingin lang 'yon na agad talaga.
"Ikaw ba hindi bibili? Libre ko," nakakaengganyo ang aya niya pero ayaw ko naman ng ganon. "Bagay sayo 'to Avon. Sukat mo!"
Sinundan ko siya ng tingin. Lumapit siya sa hoodie section at may kinuha doon. Nakangiting ipinakita niya sa'kin ang isang mint green hoodie na may linya sa sleeves. Hindi ko alam kung napansin niya ba kanina na 'yon ang tinititigan ko. Gustong gusto ko talaga ang hoodie na 'to dahil bukod sa maganda ang kulay at design ay maganda din ang tela. Maganda rin presyo, nakakabutas bulsa.
BINABASA MO ANG
Choose Me, Please (Completed)
Подростковая литератураFriggete Avon Mendoza is a family-centered, loving friend, goal-oriented and bold type of a woman that anyone could fall for, well except for her being foul mouthed. Her main goal is to fulfill the things that her cousin left and it's clear that bei...