Chapter 11

12 2 0
                                    

Tamad na tamad ako ngayong pumasok dahil dalwang oras ang Gen Physics namin. Pakiramdam ko tutunganga lang ako buong klase.

Hindi nga ako nagkamali dahil pagkadating ko sa classroom ay tahimik lang akong dumiretso sa puwesto ko habang ang mga kaklase ko naman ay tuwang tuwa dahil nga may pakain at painom si Aeson mamaya, patuloy din ang pagbati sa kanya. Biyernes na pala agad. Syempre hindi ako nakikijoin sa kanila dahil unang una sa lahat badtrip ako kay Aeson at tsaka hindi naman ako inimbita ng gagong 'to. Edi 'wag may pagkain naman ako sa apartment.

Kung minamalas ka naman talaga, kagroup ko pa siya sa isang group activity. But he seems different today, hindi ko man siya tinatapunan ng tingin ay kita kong pangisi ngisi siya sa harap ko. Hindi ko nalang pinansin. Tahimik lang ako sa isang gilid at nakikibasa lang, wala akong kwentang ka-group ngayon dahil wala talaga 'ko sa mood, isama pa na nabibwisit ako sa kay Aeson. Siya pa ang leader namin ngayon. Kahit naman gago yan si Aeson matalino talaga.

Pagkatapos ng nakakasakal na klase namin do'n ay nagkaroon ng biglaang misa. Pagdating namin sa Sacred Heart chapel ay halos punuan na dahil naandon na agad ang mga lower grades. Section namin ang nauna sa mga senior high students kaya may dalwang haba pa ng upuan na natira.
Pumwesto ako sa isang dulo, talagang nagsiksikan kaming magkaklase.

Gusto kong lumipat ng upuan nang biglang nakisiksik sa tabi ko si Aeson. I tried hard to focus on the whole mass kahit pa sobrang gigil ako na tumabi pa siya sa'kin. Ang kapal ng mukha! Hindi din matahimik ang ibang nakapalibot sa kanya dahil binabati siya ng happy birthday.

"Peace be with you," sabay nakangising tumungo pa siya sa'kin. Bahala ka sa buhay mo. Habang wala ang mga kaklase namin ay siniko niya 'ko. Wala naman talaga akong balak pansinin siya pero bigla ulit siyang nagsalita. "Happy birthday to me e?"

I didn't respond and just remain my sight on the altar.

"Ikaw talaga galit? Ako dapat galit eh," bulong niya na hinarang pa talaga ang mukha sa tingin ko.

Walang galang. Mabilis kong itinulak ang mukha niya gamit ang palad ko na bigla niyang kinagat! Napakababoy! Mahina siyang humalakhak. Sa natitirang oras para sa misa ay pinigilan ko ang sariling sumabog. Baka mapatawag pa kami sa guidance pag pinatulan  ko 'to. Nagmamadali ako pabalik ng room at inilugmok ang sarili sa upuan.

"Hoy bati na tayo, birthday ko oh," bigla siyang humarang sa harap ko. Sa sobrang inis ko sa kanya ay sinuntok ko ang tiyan niyang kaharap ko. Napaigik siya pero kalaunan ay napaltan 'yon ng nakakainis na halakhak. "Ang sakit no'n. Galit na galit."

"Ano bang problema mo?! Lumayas ka nga sa harap ko!" malakas na sigaw ko sa kanya pero imbis na masindak ay tinawanan lang ako.

Dali dali kong kinuha at isinukbit ang bag ko sa balikat. Natigil siya sa pagtawa at pinigilan ako pero iwinisiwas ko ang braso ko dahilan para mapabitaw siya.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta makalayo lang sa gagong 'yon. Natagpuan ko na lang ang sarili kong  naglalakad palabas ng campus, walang nakabantay na guard kaya walang nangharang. Bahala na kung cutting.

Marahas kong pinawi ang namuong luha, nakakafrustrate kasi si Aeson! Nung isa galit na galit siya sa'kin at ayaw akong pansin tapos ngayon bigla siyang aakto na parang walang nangyari! Mapapa-tangina ka nalang sa asta niya e. Sarap kalbuhin. Ano bang pwede kong isampang kaso sa kanya.

Napatigil ako sa paglalakad ng may humablot sa braso ko na agad kong nilingon.

"Saan ka pupunta?" marahang tanong ni Aeson na may namumuong pawis pa sa makinis niyang noo. Inirapan ko siya af binawi ang kamay ko. Akmang tatalikuran kon na sana siya pero iniharap niya ko sa kanya. "Umiyak ka ba? Bakit ka umiiyak?"

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon