Nahila ako pabalik sa kasalukuyan ng maramdaman ang mahigpit na hawak sa palapulsuhan ko.Kumunot ang noo ko at hinarap si Aeson. Sinubukan kong bumitaw sa kanya pero masyadong mahigpit ang hawak niya.
"Anong sinabi mo? Sinong binuntis ko?" tanong niya habang nananangis ang panga at madilim ang titig sa'kin.
"Ano ba nasasaktan ako Aeson!" angil ko bago muling bawiin ang kamay.
His grip loosened a bit. Pero hindi pa rin 'yon sapat para makawala ako.
Gusto kong sampalin ang sarili ko. Nangako ako no'n na hindi ko kailanman sasabihin sa kaniya. Na hindi ko ipipilit na panagutan niya si Hope. Dahil ayaw kong maramdaman nung bata na inaayawan siya. Kaya nga hindi ko kailanman sinubok na contact-in si Eira.
"Gano'n talaga ka-baba ang tingin mo sa'kin?"
Sa sobrang diin ng pagbanggit niya sa bawat salita ay ramdam na ramdam ko ang galit niya. Nag-iwas ako ng tingin, at napunta iyon sa palapulsuhan ko. Namumula na iyon dahil sa higpit ng hawak niya.
Gusto kong maluha. Pagkatapos ng maraming taon ay ganito ang naging pagkikita namin. Ang mga kinimkim kong emosyon ay parang gustong magkumawala.
"B-Bitaw. May trabaho pa ako."
"'Yan ang sinabi ni Eiradelle sayo? Kaya iniwan mo 'ko?"
"Kailangan ko ng umalis..."
Binawi ko ang kamay ko. Dumulas ito hanggang sa naglandas ang aming mga kamay. Para akong nakuryente sa hawak niya. Nagsi-taasan ang mga balahibo ko ng pinagsiklop niya 'yon at hindi magkandamayaw sa pagkabog ang puso ko. Para akong kakapusin sa hininga.
"Yun ang sinabi niya? At talagang naniwala ka?"
Hindi ko na alam ang dapat pang maramdaman at paniwalaan. Lito na ako sa mga ipinapakita at sinasabi niya.
"God, Avon! Simula nung sinabi kong mahal kita I mean it! I never touch nor look at other girls the way I look at you!" nagta taas baba na ang dibdib niya. Ang ilang litid sa kaniyang leeg ay halos mapigtas na rin.
Dapat ba akong maniwala?
"But you know what? Lots of things changed. But one thing didn't, and that's how you never failed to make me feel worthless, Avon. You never failed to hurt me."
Nang tuluyan niyang binitawan ang hawak sa'kin ay agad ko na siyang tinalikuran at naglakad palayo.
Pinahid ko ang mainit na likidong tumulas sa pisngi ko. Hindi ko na namalayan ang pag-iyak ko. Sumisikip ng todo ang dibdib ko.
Ano ba 'yan Avon. Ilang taon na o. Hindi na puwedeng ganito. Ilang beses kong pinangaralan ang sarili ko kung paano ba dapat ako aakto. Na huwag akong magpapadala sa anumang maaaring sabihin niya. Pero hindi ko kaya e, hindi ko magawa. Kasi may puwang sa puso ko na nag-aasam pa rin sa kaniya.
Pag-uwi ko sa bahay pilit kong inalis sa isip ko ang mga sinabi niya at inabala na lang ang sarili sa mga gawaing bahay. Naglaba at naglinis ako ng kuwarto namin, na dating kuwarto ni Kuya Ian. Simula kasi nung nakapangasawa siya ay nalipat na doon lahat ng gamit niya. Kaya nagkaroon ng space para sa'min ni Hope.
Habang naglilinis ay natabig ko ang photo album ni Hopian. Bumulagta ang mga litrato niya mula noong sanggol pa siya. Nangingiti ko iyong dinampot at tiningnan isa-isa.
Mamula mula si Hope nung sanggol pa siya, kaya hindi nakakapagtaka na mestiza siyang lumaki. Bukod pa roon ay maganda talagang bata. Kamukhang kamukha siya ni Eira.
'Di ba ang sabi kung sino ang kamukha ng bata ay siyang nasarapan noong ginawa? So si Eira? Sabagay... Pero si ba talaga ang ama? Bakit naman magsisinungaling si Eira? Para lang saktan ako, ganoon?
BINABASA MO ANG
Choose Me, Please (Completed)
Teen FictionFriggete Avon Mendoza is a family-centered, loving friend, goal-oriented and bold type of a woman that anyone could fall for, well except for her being foul mouthed. Her main goal is to fulfill the things that her cousin left and it's clear that bei...