Chapter 22

10 1 1
                                    

"You okay now?" Malambing niyang tanong habang pilit akong pinapahiga sa kama ko. Tipid akong tumango at hindi inaalis sa mga naglalarong kamay ang tingin. "Hey."

Hinawakan niya gamit ng isang palad ang mga kamay ko at itinaas ang naman ang baba ko gamit ang isa. Iniiwas ko ang tingin sa kanya. Pero hindi matigil ang kaluluwa niya at pilit hinanap ang mga tingin ko. Para akong nahiptosimo ng magwagi siya sa balak.

"Wala ng bawian, ha? You are mine as I am yours. Get that?" Hinaplos niya ang pisngi ko.

Bumuntong hininga ako. Kahit na masaya ako ngayon ay hindi pa rin mawala sa isipan ko ang pangamba.

"Pero si Eira. Ano na lang ang iisipin niya? Ayokong magkagalit kami. Ayokong mawalan pa ulit ng isang kaibigan. At ikaw, paano si Lexus?"

"You two, broke up already. Tapos na ang kayo. Ano pang problema do'n? And as for Eiradelle, if she's really your friend, she'll understand and accept us."

"Magagalit siya. Ayokong magkaaway kami. Hindi ko kaya."

"Let's just cross that bridge when we get there. For now, let's enjoy the moment. We both waited for this. Right? I'll fight for us."

Kahit binigyan niya na ako ng assurance ay hindi ko magawang mapanatag. Nanatili akong tulala sa kawalan matapos ang sinabi niya.

Nang haplusin niyang muli ang palad ko ay saka pa lang ulit ako natauhan. Nagtama ang paningin namin. He smiled sweetly. May kung anong humahaplos sa puso ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari ngayong gabi. This is so overwhelming. Hindi ko alam na ganito pala kasarap sa pakiramdam ang mahaplos niya. Sa wakas. Maaari ko ng mahaplos at masuklay ang may kahabaan niyang buhok, hindi gaya noon na hinahawakan ko lang para masabunutan. Masasakat ko na ang bawat detalye ng gwapo niyang mukha.  Mapapasadahan ko na ng haplos ang makapal na kilay, matangos na ilong, makinis na pisngi at magaspang na panga.

Parang noon lang ay inis na inis ako kapag napupuri ang kagwapuhan niya. Pero ngayon ay halos gusto ko ng ipagsigawan sa mundo na maaangkin ko na 'yon. Gaga ka, Avon.

"Sabihin mo sa'kin kapag mag-uusap na kayo ni Eira. Sasamahan kita," alok niya.

Umiling ako. "Hindi ko pa kaya. Hindi ko yata kaya."

Hindi ko pa kaya at hindi ata ako kailanman magiging handang harapin ang consequences ng mga pinaggagawa ko. Magagalit siya, sigurado. 'Yon ngang mapagsabihan ko ng masama si Aeson ay nagalit na siya. Iyon pa kayang malaman na..

"Antayin na lang natin na malaman niya?"

"Lalong hindi!"

"What do we do, then? Pushing me away again will never be a choice," aniya sa matigas na tono.

"Aeson, hindi ka ba natatakot? Sa sasabihin at iisipin nila sayo, sa 'tin. Kasi ako, natatakot ako. Lalo na sa magiging reaksyon ni Eira, ni Lexus. Kaibigan natin sila!"

"Yeah. And friends do support each other," nagkibit balikat pa siya. Saan ba siya kumukuha ng lakas para maging kalmado!

"Hindi mo ba naiintindihan? Para na natin silang inahas!"

"Walang nang-ahas dito, Avon. You're done with Lexus as I have no thing for Eira."

"Pero hindi gano'n ang iisipin ng ibang tao. Ang alam nila nanliligaw pa sa'kin si Lexus at ikaw.. gusto ka ng kaibigan ko," naiiwas ko na lang ang tingin ko ng makita ang pagtalim ng mata niya.

"Damn it! Bakit ba lagi mo na lang iniisip ang iisipin ng ibang tao? Let them think what they want to think!" His tone rise a bit, frustration is very evident now.

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon