Chapter 26

9 0 1
                                    

Sa araw na ito ay maaga akong nagising. Hindi ko alam kung saan ako magsisimula. Hindi ko alam kung paano pa ako mag-uumpisa.

Paano ako makaka move-on kung sa bawat sa sulok ng bahay ay imahe niya ang nakikita ko.

Namalayan ko na lang ang sarili kong lumuluha habang nakatitig sa kawalan. Parang pinipiga ang puso ko habang naaalala kung paano niya kami nilisan. Ang sakit sakit. Nagpaulit-ulit sa tainga ko ang huli niyang iyak bago malagutan ng hininga.

Sa panlalambot ko ay napabalik ako sa pagkakahiga sa kama, napatanaw na lang sa bintana. Madilim pa ang kalangitan at puno pa ito ng bituin. Sabado ngayon kaya paano ko lilibangin ang sarili ko? Baka magpalaboy laboy lang ako sa lansangan.

I feel empty.

Hindi makatarungan ang pagkuha mo sa kanya. Napakaduga mo. Sa dinami-rami ng masamang tao, bakit isang inosente ang pinarusahan mo. Walang ginawang masama si Pitchi, napaka-lambing niya at siya ang nagpapasaya sa'kin. Kaya... bakit?

Gusto kong magalit sa kanya, pero para saan pa? Wala na. Hindi naman na maibabalik ang buhay ni Pitchi. Wala na akong ibang magagawa kundi ang tanggapin ang masaklap na nangyari at magtiwala sa nakalaan niyang plano. Naniniwala akong may plano ang Diyos kung bakit nangyari 'to. 

I just hope that whatever His plan is, it's worth the pain.

"Hey, shh."

Namalayan ko na lang na nabalot na ako ng yakap ni Aeson habang lumuluha ako. Hindi ko na alam kung paano ba ako napadpad dito sa sofa sa baba kung saan ako natagpuan ni Aeson.

"Aeson, wala na si Pitchi. Miss na miss ko na si Pitchi," I cried. Marahan niyang hinaplos ang likod ko. "Malakas pa siya nung isang araw. Bakit ganito?"

Dama ko ang marahan niyang pag tango bago sakupin ng dalawang palad ang mukha ko at iharap sa kanya. Isinipit ang nakasabog kong mukha sa likod ng tainga ko. Pinahid niya rin ang kalat na luha sa mukha ko. Kahit na nakakapangpa-kalma ang ginawa niya ay hindi no'n napigilan ang hikbi ko.

"He has plans, okay? Everything happens for a reason. We'll get this through." He assured before placing a light kiss in my temple.

Tumilapon siya sa sahig ng sipain ko siya. Gulat na nakatingin sa'kin. Ang lagkit lagkit ko e!

"Wow. Realquick." Iiling-iling na komento niya. Napatawa na lang ako dahil sa ayos niya bago siya tulungang tumayo.

Oo gano'n dapat. Tawanan mo muna bago mo tulungan.

Sa pagkain namin ay para akong prinsesa na pinagsilbihan niya. Siya halos lahat ang kumilos. Ayos lang naman, tinatamad din akong kumilos e. Kahit papaano ay nakapag pagaan ng loob ko ang luto niyang pansit, adobong pusit at order na manok, comfort foods ko, idagdag pa ang leche flan.

Pagkatapos naming kumain ay siya na ang nag-prisintang mag himpil ng nga pinagkainan namin. Ayos din.

Habang ginagawa niya 'yon ay tinawagan ko muna ang numero ni mama. Pagkatapos kasi kahapon ilibing sa bakuran nila tita ang labi ni Pitchi ay dumiretsong uwi na ako dito sa apartment at nakatulog. Hindi ko na natawagan man lang sila mama.

"Ma," pilit kong binigyang buhay ang boses ng sagutin niya ang tawag ko.

"Ate."

"Fran. Nasa'n si Mama? Bakit ikaw ang sumagot?"

"May kausap si mama, ate e. May problema ata sa niyogan," may bahid ng pag-aalala ang boses niya. "Bakit ka pala tumawag ate? Okay ka lang?"

Huminga muna ako ng malalim. Pilit doon kinukuha ang lakas ng loob para sabihin sa kanila ang malungkot na balita. Malapit si Pitchi sa pamilya ko, lalo na kay Fran kaya tiyak na masasaktan siya. Pero ayaw ko namang itago sa kanila.

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon