Chapter 3

18 3 0
                                    

Nang nasa may gate na kami ni Lexus ay biglang humabol sa'min si Eira. Sinasabing may date daw kami. Totoo pala 'yon?

"Hindi ka pa ba uuwi?" biglang tanong sa'kin ni Lexus na katabi ko, sa unahan namin ay si Eiradelle na masayang naglalakad. "Basa ka na ng pawis."

"Mabaho na ba 'ko?" takang tanong ko at inamoy pa ang sarili, agad siyang umiling at tumawa. "Si Eira kasi kung saan pa nag-aaya."

Maaga din kasi ang dismissal namin ngayon, kaya eto at papunta kaming lake para doon tumambay. Masarap din kasing tumambay don dahil ang lamig ng simoy ng hangin at maganda din ang tanawin.

"The lake looks good!" hiyaw nitong babaeng 'to ng tanaw na namin ang lawa. Tumakbo pa siya papunta doon sa railing.

Mabilis namin siyang sinundan ni Lexus. Mamaya mahulog pa 'to! Gaga pa naman 'to. Napatigil ako sa paglakad ng tumunog ang phone niya, nagpaalam muna siya na sasagutin 'yon. Ipinagpatuloy ko naman ang lakad papunta sa kaibigan ko.

"I really love San Pablo na! It's so ganda!" Gusto ko nalang mapa face palm dahil sa pagiging slang nito. Ang arte!

"Avon," biglang tawag ni Lexus ng makalapit. He looks worried. Tinaasan ko siya ng kilay, tinatanong kung anong problema. "Wala."

Ngumiti na siya sa'kin para i assure na okay lang kaya nagkwentuhan na lang kami ni Eiradelle habang nakatanaw sa lake, kumakain ng kwekwek na bili niya sa isang dumaang vendor. Napahaba na ang kwentuhan namin pero alam kong madami pa siyang gustong sabihin. Nilingon ko si Lexus at nakitang patingin tingin ito sa relo.

"May problema?"

"Ah..." itinagilid ko ang ulo at tinaasan ng kilay. Nahihiya naman siyang napakamot ng batok. "Tumawag kasi si mommy, pinapauwi na ako. Nasa bahay mga pinsan ko."

"Oh? Edi umuwi ka na, minsan lang 'yon," pag udyok ko sakanya pero parang bothered pa din siya. "Okay lang!"

"Hindi pa ba kayo uuwi?" Tanong niya at lumapit sa'kin. Umiling ako at tinuro ng patago si Eira na walang alam sa pinag uusapan namin. "Baka mapahamak ka."

"Hindi! Kasama ko naman pati si Eira at hindi kami magpapagabi."

Nanatili siyang nakatitig sa'kin. Tinatantya ako, kaya naman nginitian ko siya at nag approve sign pa. Napa buntong hininga na lang siya.

"Ang cute mo," agad namang uminit ang pisngi ko, tapos kinurot niya pa 'yon! "Magiging okay lang ba kayo?"

"Ay so harot! Wait aalis ako. Nahiya naman ako," singit ng gaga ng malingunan kami at talagang lumayo pa. Sabay naman kaming napatawa.

"Oo naman!" sagot ko.

"Sorry hindi kita maiihatid. Ingat kayo ha," aniya na marahang hinaplos ang kamay ko bago umalis. Nakatanaw lang ako sakanya hanggang sa mawala siya sa paningin ko.

"Sanaol bestfriend! Pakilala mo 'ko sa classmate mo!" Parang bata niyang sabi. Ang landi. "I feel like I'm inlove!"

"Ayoko." nag pout pa ang gaga.

"'Wag kang ngumuso, para kang bibe."

"You're so mean sa'kin Avon!" tinawanan ko lang siya at kinain ang natitirang kwekwek. "Kung alam ko lang na may ganon pala kagwapo sainyo edi sana nag STEM nalang ako."

"Kaya mo?" pananakot ko sakanya.

Alam ko kasi kung gaano ang takot niyan sa math. Kaya nga HE ang kinuha e, para less chance of meeting math. Nang mapagtanto na madaming aralin sa strand ko ay umirap na lang siya.

"Ang pogi niya talaga!" umirit pa siya. Ang sakit sakit sa tenga ng boses e! "Perfect na siya! Handsome face, tapos braso na ma-veins, tapos shit! yung dibdib! Then biceps niya tapos bakat sa shirt yung abs! Ack I'm really inlove."

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon