Chapter 33

13 1 1
                                    


Ngayong nasa harap ko na siya, parang gusto ko na lang tumakbo paalis dito.

Hindi yata kakayanin ng pinipiga kong puso ang mag tagal sa iisang lugar na kasama siya. Noon siguro ay gustong gusto ko ang makasama siya, pero ngayon... madami ng nagbago. Isa na siguro doon ang nararamdaman niya.

Luluhod pabalik... Imposible na 'yon.

Ang mata ko ay nanatili lang sa magkasiklop kong kamay na nakapatong sa aking hita. Sa ganitong puwesto ay narinig ko ang mga kwentuhan nila tungkol sa mga narating. Nanliit lalo ako.

Hindi ako makasabay sa mga pinag-uusapan nila, lalo naman sa mga narating nila. Wala rin akong makausap man lang dahil abala si Alane sa pakikipag-usap sa iba. Nahihiya naman ako sa mga kaklase ko dahil matagal ko ng pinutol ang koneksyon ko sa kanila.

"Kain ka muna, Avon," nabigla ako ng nilahadan ako ng pinggan na puno ng pagkain ni Arnold.

Ang laki rin ng pinagbago niya. Halatang marangya na ang buhay sa pagiging marine engineer. Nagkakausap pa kaya sila ni Tasha?

Nakakalungkot dahil wala dito ngayon si Tasha. Sa pagkakaalam ko ay nasa ibang bansa pa siya.

Matipid akong ngumiti sa kanya at tinanggap 'yon.

"Salamat." Tanging usal ko.

Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat sabihin. Napipi na ata ako. Sa trabaho ko ay magaling akong makipagkapwa, makipag-usap, pero pagdating sa kanila ay parang hiyang hiya ako.

Naging malikot ang mata ko at nahagip no'n ang nasa unahan ko. Ang kaninang brasong nakapulupot sa bewang ng babae ay napunta na sa hantad na braso niya. Kahit noong hindi pa ako nakatingin ay dinig ko ang hagikhikan nila at ngayon hindi na ako nakapagpigil pa. Namuo ang kung ano sa aking lalamunan, hindi man lang 'yon kayang pawiin ng paglunok ko. Pati ang nangingirot kong puso.

Matapos ang halos anim na taon ay madami rin ang nagbago sa kanya. Hindi maipagkakailang mas gumwapo siya. Mas binigyan niya ngayon ng hustisya ang pangalan niya, parang naging natural na ang grim expression niya, kahit pa ngumingiti. Mas naging maganda ang pangangatawan. Sa braso niya pa lang na nakapulupot sa kasama niya ay halata ko na.

At ang mga mata niya... Kung noon ay nagsusumigaw ito ng pagmamakaawa, ngayon ay poot at galit na.

Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit hindi ko magawang magalit ng tuluyan sa kaniya. Kahit pa niloko niya ako. Kahit pa umaakto siya na samin ay ako lang ang may kasalanan. Puro hinanakit at pangunguwetiyon lang ang nararamdaman ko.l

Napabaling ako kay Arnold ng maglapag siya ng inumin sa harap ko. Matipid lang akong yumuko bilang pasasalamat. Hindi naman nagtagal ay ininom ko 'yon. Kailangang kailangan ko 'yon dahil sa nanunuyong lalamunan.

"Kamusta ang buhay?"

It was hard. It was hard wanting my body to survive, when my mind wants to die and heart's already dead.

"Ayos naman... siguro," ang pagdadalawang isip ko sa sinabi ay dinaan ko na lang sa mahinang tawa.

Maayos na rin na kahit papaano ay sinusubukan akong kausapin ni Arnold. Ang mga kasama kasi namin ay abala sa kani-kanilang mundo. Parang grupo grupo ang kuwentuhan.

Hindi ko alam kung para saan ang pagdako ng mata niya kila Aeson at saka muling bumaling sa'kin. Matipid siyang ngumiti. Umangat ang kamay niya at tinapik tapik ng mahina ang braso ko.

"Kung ano man ang pinagdadaanan mo, malalagpasan mo rin 'yan," mapait na lang akong ngumiti sa kanya. "Sa SPC medical center ka pa rin ba?"

Mabuti na lang at binago niya ang topic. Ayaw ko kasing pag-usapan 'yon. Hindi ako komportable. Hindi ako sigurado kung sa alin doon. Masyado akong madaming problema na pati ako ay nalilito na kung alin ba doon ang mas uunahin ko.

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon