Chapter 21

14 1 0
                                        

Isang araw bago magsimula ang klase ay bumalik na kami ng Laguna ni tita. Si kuya Ian naman ay noong isang araw pang nakaalis dahil may aasikasuhin pa sa Maynila.

Kahit pa nung isang araw pa iyong notification na natanggap ko ay paulit ulit pa rin 'yong nagfaflashback sa utak ko. Hindi ko ba alam kung anong espesyal do'n. Minsan natetemp ako na magrequest follow pero kalaunan ay pinipigilan ko ang sarili. Bakit pa 'di ba? At bakit ba finollow niya pa 'ko gayong binabaan niya ako ng tawag noong pasko! Para ba ipamukha sa'kin na hindi siya apektado sa pagtanggi ko sa kanya dahil may bago na siya? Ang malala, kaibigan ko pa.

Bakit ba masyado kong binibig-deal.

Mariin ang pagkakahawak ko sa dulo ng kurtina bago ito malakas na ipinagpag. Iniisip na si Aeson 'yon at ganoon ko siya ibabalibag. Nag-iinit lang ang ulo ko.

Sa buong maghapon ay nag-imis lang ako ng apartment at mga gamit ko. Nakakapagod sa dami ng gawain ko. Pero hindi mawaglit sa'kin ang tungkol sa date na sinasabi ni Eiradelle.

Bakit parang ang bilis naman? Bakit kaibigan ko pa? Akala ko ba wala siyang gusto kay Eira?! O baka naman pinagseselos niya ako? Kung gano'n ay isa siyang malaking gago.

Habang nagtitiklop ng damit ay saktong nahagip ng mga mata ko ang kulay pink na hoodie niya. Kailangan kong ibalik 'to sa kanya. Pero paano? At kailan? Sabagay, pwede namang iabot ko na lang kay tita Mae. Kung hindi lang talaga 'to mamahalin ay hindi ko na ibabalik sa kaniya at susunugin na lang.

Muli ko itong napakatitigan. Pambabae talaga ang hoodie na ito, akala ko noon ay nagkataon lang. Mapait akong napangiti sa sarili. Pang-ilan na kaya ako sa nagsuot nito? Ang sarap isakal nito kay Aeson. Gago siya. Gago.

Alas-sais na ng gabi at hindi man lang ako kumikilos para magluto. Wala akong ganang kumain, lalo na ang magluto. Kaya naman nanood na lang ako ng movie sa tv. Nakayukyok akong maigi sa sofa.

Halos makatulugan ko na ang pinapanood nang marinig ko ang pagbatok ni Pitchi dahil sa tumatawag sa labas. Napabalikwas ako ng bangon at dumiretso sa banyo para kumuha ng towel. Isinabit ko iyon sa leeg, sapat lang para matakpan ang dibdib. Wala akong suot na bra! Hindi na ako nag-abalang magsuot pa dahil matatagalan lang.

Wala naman kasi akong ibang inaasahang pupunta dito bukod kay tita. Syempre imposible na na mapadpad dito si Lexus. Parang pinipiga ang puso ko sa katotohanang 'yon. Kung si Eira naman ay diretso ng pasok 'yon at si tita.

Nangunot ang noo ko ng makita kung sino 'yon.

"Anong ginagawa mo rito?" Mataray kong tanong. Dinig pa rin sa tono ko ang hinanakit.

Hinanakit ba para saan? Dahil nakahanap agad siya ng bago? O hinanakit para sa sarili ko dahil sinayang ko ang pagkakataon? Nakakatanga naman.

He smirked like he cannot believe the anger I have towards him.

"Bakit ka galit?" Tanong niya bago muling bumalik sa seryosong mukha. "Pinapapunta ka nila mama sa bahay, dinner daw. Bilisan mo."

Kahit may kadiliman ay kitang kita ko pa rin ang kagwapuhan niya. His eyes were cold. Walang emosyon. Ang bibig ay nanatiling tikom habang ang panga ay umiigting. Parang bored na bored siya dahil ang parehong kamay ay nakapasok sa bulsa.

Sumisikip ang dibdib ko sa tanawin. Hindi kasi ganito yung Aeson na kilala ko. 'Yon kasi makita lang ako nakangiti na, kahit pa galit na galit na ako. Ngayon kita ko na ang kaibahan. Wala na iyong pagmamahal na sinabi niya. Agad agad? Ang bilis naman. O baka wala naman talaga. Nakagat ko na lang labi ng maramdaman ang pag-iinit ng sulok ng mata.

"Ayoko." ani ko at tinalikuran na siya.

"They're leaving tomorrow. Just show up, atleast."

Napatigil ako doon. Noong isang taon pa ako gustong makita nila tita pero hindi pinapayagan ng pagkakataon. At ngayong pwede na, saka naman parang ayaw ko? Pero dapat siguro magpakita man lang ako. Mabait sila sa'kin at tinuring akong parang kanilang anak, siguro pagkakataon na rin 'to para makapagpasalamat ng personal. Isa pa, kung ano mang meron sa'min ni Aeson ay sa amin na lang 'yon at hindi sila kadamay. Napabuntong hininga na lang ako.

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon