"Okay, class 'wag niyong kakalimutan ang mga icocomply na paperworks sa ibang subject. Core man 'yan o applied, baka 'yan pa ang magpabagsak sa inyo. So, see you again next week class? Goodbye. Class dismissed."
Napuno ng bulungan ang classroom namin matapos ang sinabi ng adviser namin. Yung iba ay hindi maipinta ang mukha at ang iba ay tuwang tuwa dahil sa isang linggong bakasyon namin para sa undas.
"Never see you again ma'am," Tasha, who happened to be my seatmate today snorted. "Nakakainis sila ha! Nagpabakasyon pa tapos bibigyan din naman tayo ng icocomply sa kanila sa pagbalik."
Hindi ko mapigilang mapangisi sa reaksyon ni Tasha. Edi ano pa 'ko diba? Imbis na makakauwi ako sa Quezon para makasama ang pamilya ay hindi magagawa dahil sa mga lintek na gagawin. Okay lang sana kung individual, e kaso by partner. Hassle naman kung magpapabalik balik pa ako. Sayang pamasahe.
"Saan ka this break?" tanong ko kay Lexus na kasabay ko papunta sa sakayan.
"Uuwi kami ng Valenzuela," inayos niya ang pagkaka akbay sa'kin. Napapadalas na ang isang 'to. "Ikaw? Uuwi kang Quezon?"
Umiling ako. "Hindi eh. Madaming paperworks na gagawin."
"Hindi ba pwedeng iuwi sa inyo? Sayang naman kung hindi mo makakabonding family mo."
"Oo nga e, kaso hindi pwede dahil by pair yung pinapagawa sa'min. Ayoko namang akuin yung gagawin o sa kanya iasa," tumigil ako ng marating namin ang pila. "Buti na lang bumisita na nung intramurals sila Papa."
"Bumisita sila?" takang tanong niya. Hindi ko nga pala nabanggit sa kanya ang tungkol doon kaya tumango ako.
Mabagal ang usad ng pila. Pareho kaming tahimik lang at nakamasid sa kung saan. Nang binalingan ko siya ay nakita na malalim ang buntong hininga niya, parang namomroblema.
"May problema?"
Pilit siyang ngumiti sa'kin at umiling. "Sinong ka-partner mo?"
"Si Aeson."
Isa pa 'yon sa pinoproblema ko eh. Matalino si Aeson kaya sigurado namang may magagawa kami, kaso nga lang iniisip ko na matatagalan dahil sa mga kalokohan ng isang 'yon. Mangungulit pa 'yon bago makapagsimula. Sarap batukan.
Bumuntong hininga ulit siya na may kasama ng pagtalim ng mata niya. Pakiramdam ko talaga magkaaway silang dalawa. Pero ayokong makialam, kaya na nilang dalawa 'yan. Hindi din naman magkakatiisan ng matagal yang dalawa.
"Bye. Happy All Saint's day na lang!" Pagpapaalam ko nang pasakay na 'ko ng jeep.
"Bye. See you next week," he smiled timidly. "And I love you."
Dumagundong ang dibdib ko at nabalot ng lamig ang katawan. Buong biyahe ata ay tulala lang ako, iniisip ang pahabol niyang sinabi. Sobrang lakas pa din ng kabog ng dibdib ko habang pauwi sa apartment. Hindi pa ako handa sa gano'n.
Nahilot ko na lang ang noo ko sa sobrang pag-iisip. Ano ba 'tong pinasok mo Avon. Bakit ba ngayon lang nag-sink in sa'kin na dadating yung ganitong panahon. Alam ko naman na gusto niya nga ako, kaya nga niligawan diba, hindi ko lang in-expect na mas lalalim 'yon sa ganito.
Natatakot ako kasi hindi ko kayang suklian yung nararamdaman niya. Ayokong ma-disappoint siya at masaktan. At mas nakakatakot na lumayo yung loob niya sa'kin at magkasira, kasi kaibigan ko din naman siya. Ngayon nagsisisi ako na pinatagal ko pa. Nung una pa lang naman alam ko na ang priority ko at kung ano talaga ang nararamdaman ko. Bakit pa ba ako umasa na baka magbago? Dapat hindi ko na pinatagal.
Why do things doesn't turn out the way we want them.
Dapat pala umayaw na agad ako. Dapat hindi ko na pinilit. Dapat inisip ko muna kung anong mangyayari kung sakaling hindi mag-work. Dapat hindi na ako nagpaasa. Dapat inisip ko kung saan ko ba siya mas gusto sa buhay ko, kung kaibigan ba o hindi pa doon. Dapat... ang daming dapat na sana una pa lang ginawa ko na!
BINABASA MO ANG
Choose Me, Please (Completed)
Teen FictionFriggete Avon Mendoza is a family-centered, loving friend, goal-oriented and bold type of a woman that anyone could fall for, well except for her being foul mouthed. Her main goal is to fulfill the things that her cousin left and it's clear that bei...
