Chapter 25

13 0 0
                                    

"You tainted my name too well, huh?" bungad ni Aeson ng makabalik na galing sa bahay nila.

Talagang dinamdam niya ata ang sinabi ni Eira kanina. At pati ako nadamay pa!

Kaka-alis lang ni Eiradelle, si Aeson naman ay kanina pa pagkatapos kumain umalis ng apartment pero bumalik ulit dito nang malamang wala na ang kaibigan ko. Halos mag gagabi na rin ng umuwi ang isang 'yon.

Nangunguso akong nag-iwas ng tingin sa kanya at inabala ang sarili sa paghuhugas ng mga ginamit na plato. Ipinagsawalang bahala ko ang paglapit niya sa'kin galing sa kinauupuang sofa. Natigil ako sa ginagawa ng maramdaman ang pagpulupot ng maskulado niyang braso sa bewang ko. Ang kanyang ulo ay isiniksik sa pagitan ng aking leeg at balikat. He sniffed my hair.

"What's your other opinion about me, hm? Ano pa Avon?" mapaglaro niyang bulong sa aking balikat.

Kahit na nanghihina na ako sa lambing ng boses at yakap niya ay sinikap kong sikuhin siya.

"Mamaya ka, may ginagawa pa ako," pinataray ko pa ang boses ko.

Rinig ko pa ang mahina niyang tawa bago ako tuluyang pakawalan. Sinikop niya muna ang buhok ko papunta sa likod ko bago ko narandaman ang prisensiya niya sa may bandang gilid. Marahil ay tumukod sa counter kung nasaan nakapwesto ang single stove ko.

Sinadya kong bagalan ang kilos para hindi niya muna ako guluhin. Ginamit ko rin ang pagkakataon na 'yon para makaisip ng paliwanag at mga sagot sa posibleng tanong niya. Hay. Bakit ba kasi sinabi ni Eiradelle 'yon? Pero kung iisipin, totoo naman talaga, kaya bakit ako matatakot?

Kahit sa pagpupunas ng kamay ko pagkatapos mag-hugas ng plato ay binagalan ko sa hindi malamang dahilan. Siguro dahil sa nakaka-intimidate na prisensiya niya? Ewan ko.

Pero hindi ko pa man tuluyang natutuyo ang kamay ay iniharap niya na ako sa kanya. Ang kanyang braso ay mabilis na pumulupot sa aking baywang habang pinanliliitan ako ng mata. Napatukod na lang ako sa lababo ng maramdaman ang sobrang panlalambot, sa tiyan ko ay may kung anong naglalaro na nakakapanghina. Para hindi niya mapansin ay sinikap kong ikunot ang noo.

"Ano?" masungit kong tanong.

Sa isip ko ay binabagabag ako ng mainit at magaspang niyang palad sa manipis kong baywang.  Libo-libong boltaheng kuryente ang ibinibigay no'n sa'kin. Idagdag pa ang maskulado niyang katawan at gwapong mukha na nakahain sa harap ko.

He licked his lower lips before answering me. "Threatened ka ba kay Eiradelle kaya siniraan mo 'ko ng gano'n?" mapanuyang tanong niya.

Sinimangutan ko siya at sinubukang kumawala, pero masyado siyang malakas.

"Ang kapal ng mukha mo," bulong-bulong ko. "At anong siniraan? Totoo naman 'yon!"

"Nuh-uh. I never had a girlfriend since we met," malambing niyang bulong bago ako pinupog ng mabababaw na halik sa pisngi papunta sa tenga at panga.

Sa namumungay na mata at nanlalambot na katawan ay itinulak ko siya. Kailangan kong gawin 'yon dahil alam kong kaunti pang gano'n ay bibigay na ako. Ang mabababaw na halik na 'yon ay sapat na para baliwin ako at tuluyang mawalan ng ulirat.

"Gago ka ba? Ako pa niloko mo!"

Hindi ako sigurado kung tunog nagmamataray pa ba 'yon o malamyos na. Isa lang ang alam ko, talagang mababaliw ako sa bawat haplos niya at lalo na sa labi niya! Mahina siyang tumawa sa aking balikat at pinanatili doon ang kanyang labi. Putangina lang.

"Tss, lagi ka na lang hindi naniniwala sa'kin," pagmamaktol niya sa isang malambing na boses. "Swear, I never had a girlfriend since then. But uh, I had lots of fling."

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon