Chapter 19

13 2 0
                                        

"Eira hindi na nga kailangan niyan," Ani ko saka inilayo ang mukha sa brush na hawak niya.

Humaba kaagad ang nguso niya at pinagkrusan ako ng braso.

"This is necessary! Kailangan presentable ka sa harap ng future family in-law mo para hindi ka nila aapihin!"

My forehead creased. Umiling-iling ako sa kanya.

"Hindi naman gano'n ang pamilya ni Lexus," at hindi ko din naman sila magiging family in-law. Hindi ko din sigurado. I don't know what the future holds.

"Eh kahit pa! This is for you naman, Avon," inilapat niya na naman sa mukha ko ang brush na sinalag ko. "Para mas bagay sa suot mo, oh!"

Nasusuko na lang akong bumuntong hinginga. Hindi titigil 'to hangga't hindi nakukuha ang gusto niya.

Nandito siya ngayon sa apartment para daw makipag-bonding sa'kin bago ako umuwi sa probinsya. Dito kasi sila sa Laguna magcecelebrate ng pasko at new year kaya matagal din kaming hindi magkakasama. Hindi niya na ulit nabanggit sa'kin ang tungkol sa magulang niya kaya pumayag na din ako. Baka kasi mabaliw na sa lungkot ang isang 'to, hindi lang sinasabi sa'kin. Hindi ko naman siya mapipilit na sabihin sa'kin kung ayaw niya, kaya ang mabigyan ng atensyon nalang siya ang magagawa ko para pagaanin ang loob niya.

"'Wag mong kakapalan ha!" Napapalakpak na lang siya bago simulan ang paglalagay ng kung ano anong kolorete sa mukha ko.

Ang kulot kong buhok ay naka-messy bun na si Eiradelle rin ang nag-ayos. Pilit kong isinisingit ang lawit na tira-tirang hibla ng buhok ko na sinadya niya. Nakakairita kasi dahil nakaharang sa mukha ko.

Tiningnan ko gamit ang peripheral vision ko ang sarili ko sa salamin. Suot ko ngayong gabi ay isang green long sleeved lacey dress na umaabot hanggang sa itaas ng tuhod ko. Hindi ko kasi alam ang dapat kong isuot. Sabi ni Lexus ay kahit ano na daw pero pwede ba namang gano'n? Mamaya ay magmukha pa akong tanga doon.

"Pikit ka dali," utos niya na sinunod ko. Sinimulan niya na namang lapatan ng brush ang talukap ng mata ko. "You know what? Nakakainis! Hindi na ulit kami nagkausap ni Aeson after ng birthday niya. He's not reading my messages."

Naging mariin ang pagkakapikit ko ng dahil sa sinabi niya kaya sinuway niya ako at pinahi ang kung ano sa talukap ko. Bigla akong na-guilty. Pakiramdam ko ay may kasalanan ako.

"Tapos nung gabing pumunta ka sa bahay, nakita ko sa ig story niya nasa tagaytay siya! And know what? May kasama siyang babae!" Inis niyang sabi kaya napamulat ako at nakita ang pag-irap niya. "The girl was facing the ferries wheel kaya hindi ko nakita ang mukha!"

Napakabilis ng tibok ng puso ko ngayon. Hiyang hiya ako para sa sarili ko kaya pinili ko na lang na hindi na magsalita. Wala rin namang salita ang gustong lumabas sa bibig ko.

"Who could that be?" She asked, curiously. Nagkibit balikat na lang ako sa kanya.

Nasa gitna ako ng pag-iisip sa magiging reaksyon niya once na makilala niya kung sino 'yon nang biglang tumunog ang cellphone ko. Nanatili akong nakapikit dahil hindi pa daw tapos si Eira sa ginagawa. Dinig ko ang pagbungisngis niya habang iniaabot sa'kin ang phone ko.

"Hello?" Boses ni Lexus.

"Oh, Lexus."

"Kakaunin na kita?"

"Ha? 'Wag na! Kaya ko naman tsaka kasama ko si Eiradelle," umiiling iling pa ako kaya sinuway ako ni Eira. "Papunta na din ako Lexus. 'Wag ka ng mag-abala."

"Sigurado ka ba? Ako naman ang nag-aya kaya ayos lang sa'kin na kaunin ka."

Tumikhim ako. "Hindi na. Magdodoble pasahe ka pa. Okay lang talaga. See you na lang mamaya!"

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon