Chapter 23

18 1 0
                                    

Ang malamig na hangin ay sumabog sa mukha ko. Agad kong inayos ang nagulong buhok at bumuntong-hininga. Kahit Pebrero na ay malamig pa rin. Nilingon ko si Aeson na abala sa pagbuhat ng weights.

"Aeson! Tingnan mo nga kung ayos na 'to," humihikab kong pakiusap. Ten na ng umaga pero inaantok pa rin ako.

Huminto siya sa ginagawa. Tinaasan ko siya ng kilay ng magsalubong ang titig namin. Matunog siyang ngumisi bago lumapit sa'kin bitbit ang puting towel niya.

Pawis na pawis ang hubad niyang katawan. Nagfe-flex pa ang muscles habang lumalakad. Yabang. Parang siya iyong mga nababasa ko sa libro na mula sa buhok ay tumutulo ang pawis papunta sa mukha.

Natatawa na lang ako sa iniisip.

Nandito kami ngayon sa rooftop ng bahay nila kung nasaan ang gym niya. Hindi naman mainit dahil may silong dito. May sliding door pang lalagpasan bago ka masinagan ng araw. Pero dahil nakabukas ang sliding door ay umiihip ang hangin papunta dito sa loob.

Hindi na nakakapagtaka kung bakit developed agad ang muscles niya kahit kaka-eighteen pa lang. Swimming at gym ang routine.

Nang umupo siya sa tabing upuan ko ay umatake sa aking ilong ang bango ng kanyang panlalaking pabango. Grabe kahit pawis na pawis na ay hindi nawawala ang amoy, samantalang kapag pabangong pambabae ay hindi nagtatagal.

"Okay na. Maganda," aniya matapos sumungaw sa laptop.

Pinaningkitan ko pa siya ng mata para masigurado kung totoo ba ang sinasabi niya. Nang nakipaglaban pa siya sa titigan ay naniwala na 'ko.

Nagle-layout kasi ako ng invitation cards para sa debut ko at sa kanya ako nagpapatulong since may eye for an art siya. Hindi naman ako nagkamali.

"Ako escort mo?" tanong niya.

"Hindi," natawa ako ng sumimangot siya, at the same time ay nakaramdam ng lungkot. "Si Fran."

"Tss," pabirong singhal niya pero ramdam kong sa loob loob niya ay medyo totoo 'yon.

"Sorry. Ayoko lang na iba ang isipin ng iba. Si Lexus ang nanliligaw sa'kin tapos ikaw ang escort ko."

"Say, we're close friends?"

"Sinong siraulo ang maniniwala do'n eh lagi nga tayong nagbabangayan. At isa pa, si Eiradelle baka maghinala na. Sorry," nanatiling sa laptop ang mata ko.

He lift up my chin para magtama ang paningin namin. "Okay lang. Escort lang naman 'yan para sa debut mo, baka para sa simbahan talaga ako."

Nang ma-gets ko ang sinabi niya ay napatawa ako saka siya hinampas. Ang gagong 'to ang layo ng naaabot ng isip. Hindi pa nga kami at sikreto pa lang pero naiisip na agad ang kasal.

Pero paano nga kaya kung hanggang doon kami? May pag-asa nga kaya? Hay, masyado pang maaga para diyan. Hindi pa nga kami nakakatapos ng pag-aaral.

Pagkatapos ng munting pag-uusap namin ay napagpasyahan niya munang maligo. Ako naman ay dumiretso sa kusina para magsaing ng pang-tanghalian namin. 'Yon lang ang ginawa ko dahil aniya'y siya raw ang magluluto ng ulam.

Kaming dalawa lang ni Aeson ang tao dito sa kanila dahil nasa trabaho ang tita niya. Habang inaantay ang pagkaluto ay pumwesto muna ako sa may counter at binuksan ang tv nila para malibang.

Halos mapalundag pa ako ng maramdaman ang brasong gumapang sa may bewang ko. Nilingon ko ang humshagalpak na si Aeson at sinamaan ng tingin. Hindi ko namalayan ang pagdating niya.

Basa at magulo pa ang kanyang buhok. Ngayon ay nakasuot na ng itim na shirt at jersey shorts, umaalingasaw din ang bango niya.

"Anong gusto mong ulam?" tanong niya bago bumitaw sa bewang ko at lumapit sa refrigerator.

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon