Chapter 13

10 2 0
                                    


Maaga akong nagising nang sumapit ang Lunes. Gusto ko pa sanang ipagpatuloy ang tulog kaso nawala na ang antok ko dahil sa pangungulit ni Pitchi.

"Pitchi aray! Ouch. 'Wag mong kagatin ang paa ko!" natatawang hiyaw ko. Malakas kasi ang kiliti ko sa paa tapos kinakagat at dinidilaan niya pa.

Nang subukan kong ilayo ang paa ay bumatok siya, hinabol pang muli ang paa ko. Wala tuloy akong nagawa kundi manatili sa kama at makipagkulitan sa kanya hanggang sa makaramdam na siya ng antok. Isang oras bago ang klase ay nakahanda na 'ko. Saktong tapos naman kumain ni Pitchi kaya dinala ko na siya kila tita.

Hindi talaga ako early bird dahil naboboring kaya laging on time lang ako, pag minamalas late. Pero wala na kasing magawa kaya maaga ako.

Pagdating ko sa labasan ng village ay bumungad sa'kin ang likod ng isang lalaki na may kulay abong vest, kapareho ng sa uniform ng school na pinapasukan ko. Sukbit sa isang braso ang handle ng backpack, para bang tamad na tamad siyang dalhin 'yon e parang halos wala ngang laman 'yon. Ang kanyang mamasa masang buhok ay hinagod.

Kilala ko na.

Kung hindi siguro dahil sa sinabi ni Eira ay babatuhin ko na agad si Aeson ng bato pagkakita. Hindi na lang ako makikialam. At isa pa may kasalanan ako sa kanya, siniraan ko siya sa kaibigan ko. Pero hindi naman talaga totally paninira, sinabi ko lang naman talaga yung totoo.

Malalim ang buntong hininga ko ng naglakad papalapit sa kanya. Ngayon na lang ulit kami nagkasabay papasok. Simula naman kasi nung nagalit siya hindi na ulit siya dumadaan sa apartment. Edi 'wag. Gaya nga ng sabi niya hindi naman siya obligado, siguro nasanay lang ako. Pero okay lang din dahil peaceful kapag pumapasok ako, walang maingay na nanggugulo. Kaso boring sa biyahe.

"Hoy hindi ka mukhang studyante," bati ko dito ng makalapit sa gilid niya. Nakita ko kasing hindi nakabutones ang vest niya.

Tamad na tamad niya akong nilingon. Umawang labi niya bago napatingin sa vest niya at inayos 'yon.

"Aga mo ngayon ah," puna niya. Oo, sinanay mo eh.

Nagkibit balikat nalang ako sa kanya. Katahimikan ang bumalot sa'min habang nag-aantay ng jeep. Bakit ba wala pang dumadaan? Bigla akong tinamaan ng hiya sa mga pinagsasabi ko sa kanya. Hindi ko na ata kayang tagalan ang ganito, nakakapanibago pa din. Hanggang sa bigla kong naalala ang dapat ibibigay sa kanya. Kinuha ko 'yon mula sa bulsa ng bag.

Siniko ko siya at inilahad ang maliit na velvet box.

"Sorry."

"Ano 'yan?" Tanong niya, nakatingin lang at hindi pa din tinatanggap ang kahon. "At bakit sorry?" Dahil sinabihan kita ng masama, hindi ko na lang isinatinig 'yon.

"Tingnan mo, oh."

Kinuha niya ang kahon na pilit pinipigilan ang ngiti. Itinutusok ang dila sa loob ng pisngi. "Nagpopropose ka na?"

Sinamaan ko siya ng tingin.

"Asa ka pa. Akin na nga!" Biro ko ng babawiin 'yon pero inilayo niya sa'kin at binuksan na 'yon.

Nakita ko kung paano umawang ang bibig niya, nilingon ako bago muling ibalik ang tingin sa laman no'n. Ngiting ngiti na. Akala mo naman ginto ang ibinigay ko dito!

"Holy sh..."

Iniwan ko na siya do'n dahil may jeep ng tumigil sa harap namin. Patago akong napangiti. Habol habol niya ako ng makasampa na ng jeep. Umupo siya sa tapat ko, halata ang saya sa mata.

"Para saan 'to? Ang ganda, salamat." Kagat kagat niya ang ibabang labi matapos sabihin 'yon, pilit pinipigilan ang ngiti. Inirapan ko siya para maitago ang tuwa ko na nagustuhan niya ang ibinigay ko.

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon