Bago pa man tuluyang magpambuno ang dalawa ay pumagitna na ako. Napaluhod na lang ako sa mamasa-masang damo habang pilit itinutulak sa dibdib si Lexus para matanggal sa pagkakakubabaw kay Aeson. Nangangatal pa ako sa sobrang kaba at takot.
"Tama na, please, Lexus," nanginginig ang boses na pakiusap ko.
Gusto kong maiyak dahil mahigpit pa rin ang pagkakakapit ni Lexus sa kuwelyo ni Aeson. Gamit ang isang kamay ay tinulungan ko si Aeson na pahiin ang dugo sa gilid ng labi. Amba na siyang babangon ng pagbitawan na naman siya ng suntok ni Lexus. Napasigaw na lang ako. Aawat pa sana muli ako ngunit naitulak niya ako pagilid.
"Putangina mo Aeson! Ahas ka!"
Nang malingon ako ni Aeson at makita ang kalagayan ko ay pabato niyang itinulak si Lexus. Lumagapak ito sa sahig. Patayo pa lang siya ay binawian na siya ng haklit sa kuwelyo ni Aeson. Nanlilisik ang mata niya habang mahigpit ang hawak sa kuwelyo ni Lexus. Nagsukatan pa sila ng tingin.
Inabot ko ang libreng nakakuyom na kamay para pakalmahin siya pero walang talab 'yon. He's furious.
"Sino sa'tin ang ahas Lexus, huh? Sa'ting dalawa alam mong ako ang nauna!" tiim bagang na aniya. Nanginginig na ang kamay niya sa sobrang galit.
Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamao niya at pilit silang dalawang pinaghihiwalay. Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag ng mailayo ko na sila sa isa't isa. Hinila ko ang kamay ni Aeson para mapunta sa'kin ang atensyon niya, hindi naman ako pumalpak do'n.
Nagtama ang paningin namin.
"Kumalma ka please," hinaplos kong muli ang gilid ng labi niya.
Hindi nawala ang pag-titiim bagang niya pero lumambot ang tingin niya sa'kin. Nagtataas baba pa ang dibdib niya. Suminghap siya at sinuri pa ang kabuuan ko, siguro ay tinitingnan kung nasugatan ba ako kanina.
"Kaya ba binasted mo 'ko Avon? Talaga? Ipinalit mo ko sa gagong 'yan?" mas nag-alab pa ang tensyon ng dinuro niya si Aeson. His body tensed up more. "Eh mo katawan lang ang habol niyan eh!"
"Anong sinabi mo?!" kahit na hinigpitan ko pa ang hawak sa kanya ay nakawala siya.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang mapasigaw ng magpalitan na sila ng suntok. Ayaw ko makapukaw ng atensyon ng iba ay ayaw ko rin naman na magpatayan silang dalawa!
"Pre awat na," mabilis na nakadalo ang mga pinsan ni Lexus.
Higit ni Ivo si Lexus at pumapagitna naman si Danshel. Nilapitan ko si Aeson at hinila siya palayo do'n. Mas hinigpitan ko ang hawak sa kanya ng makitang hindi niya inaalis ang matalim na titig sa kaibigan. O kung masasabi ko pa nga bang magkaibigan sila pagkatapos ng nangyari.
Nang makalayo na kami ay sinapo ko ang mukha niya para makita ang mukha niya. May maliit na cut at putok sa gilid ng labi niya, ang pisngi naman ay batid kong namamaga. Mabuti naman at hindi napuruhan. Sunod kong sinapo ang kamao niya at 'yon naman ang tiningnan, namumula 'yon pero wala namang sugat.
Nagtama ang tingin namin at hindi napapawi ang dilim sa mata niya.
"Aeson, puwede bang umuwi ka na muna? May pasok pa tayo bukas.." halos bulong kong usal.
Kunot-noo niya akong tiningnan bago nagtangis ang panga. Nakagat ko na lang ang pang-ibabang labi sa kaba dahil sa ekspresyon niya. Nilingon niya ang nasa likuran naming magpipinsan kaya napalingon na rin ako. Pilit pinapakalma ng dalawa ang pinsan.
"K-Kausapin ko lang muna siya," pilit kong sabi dahil sa bukol na bumabara sa lalamunan ko. "Please, Aeson.."
"Edi kausapin mo ng na'ndito ako. Bakit kailangang paalisin mo pa 'ko? Talagang ako, Avon?" puno ng pait na tanong niya. Mariin akong pumikit at umiling.
BINABASA MO ANG
Choose Me, Please (Completed)
JugendliteraturFriggete Avon Mendoza is a family-centered, loving friend, goal-oriented and bold type of a woman that anyone could fall for, well except for her being foul mouthed. Her main goal is to fulfill the things that her cousin left and it's clear that bei...
