Chapter 5

18 3 0
                                    

Dalwang linggo. Dalwang linggong cold treatment na ang natatanggap sa'kin ni Aeson. Talagang kahit gaano siya kakulit at nakakairita ay hindi ko tinatapunan ng tingin, o kaya kapag tinatanong naman ako ay puro tango lang ang isinasagot ko. Bahala siya sa buhay niya, naiinis pa din ako.

Itong gagang Shamy naman hindi din makatingin sa'kin. Nakapag sorry naman na siya at tinanggap ko naman, siguro dahil lang talaga sa kalasingan at syempre dahil kay Aeson! Hindi naman talaga kami close kaya hindi ko na din pinoproblema kung ilag siya sa'kin. Guilty siya ghorl.

"Okay ka lang?" napabaling ako kay Lexus na nagtanong. "'Yang nguso mo nahaba na."

Inirapan ko na lang siya at tinikom ang labi. Bumaling ako sa bintana at nakitang malakas pa ang ulan. Naandito kami ngayon sa isang coffee shop at well, nagmimiryenda, dito kasi kami inabot ng ulan. Nakakainis nalimutan ko pang magdala ng payong.

"Ang amos mo," biglang puna niya at halos maiiwas ko ang mukha ko ng dumukwang siya papalapit at pahidin iyon gamit ang tissue. Napahalakhak siya ng mapansin ang reaksyon ko. Gago mga galawan niya! "Ano bang akala mong gagawin ko ha?"

"Galawan mo Lexus ha, tsk."

"Lutang ka lang talaga. Natulog ka ba kagabi ha? Nagbasa ka lang ata ng mga pocketbooks mo eh."

"Hindi naman. Ang tagal namang tumila, may gagawin pa 'kong assignment eh. Ikaw ba wala?" Humigop muna ako ng kape bago siya mataman na tiningnan, nakita ko ang pagpula ng tenga niya.

"Wala. More on actual outputs kami eh," naibaling niya ang paningin sa labas at biglang may kinawayan don kaya napalingon din ako. Nagtama ang mata namin ni Aeson, handa siyang makipagtitigan at walang bakas na ngiti sa labi kaya ako na mismo ang nag-iwas ng tingin. "Iintrigahin ko si Aeson."

Bigla ay nasa gilid na namin sa Aeson at humila ng upuan para doon maupo, sa labas na lang ako tumingin at di siya pinansin. Bahala ka sa buhay mo. Nagsimula silang magkwentuhan habang ako naman ay tahimik na nakikinig sa kanila, himala madaldal ngayon si Lexus at puro tipid ang sagot ni Aeson. Magugunaw na ata ang mundo at sana unang lamunin non ang mga gago.

"Magkaaway ba kayong dalwa?" biglang tanong ni Lexus ng mapansin na di ako nagsasalita mula noong dumating ang kaibigan. "Anong ginawa mo pare?"

Nilingon niya muna ako at saka bumaling kay Lexus. "Inaway ni Shamy."

"Yung ex mo? Bakit?" tanong niya dito at saka ako sinuri ng mata. "Okay ka lang?" tinanguan ko lang naman siya.

"Ex fling," akala mo naman may mababago, ex pa din naman 'yon. Ang landi landi kasi.

"Sure kang walang masakit sayo? Pagsabihan mo Aeson baka mamaya biglang sugudin ulit si Avon," wala sa sariling tinanguan lang naman siya ni Aeson. "Sino bang chicks mo ngayon? At bakit naman si Avon napagtripan non?"

"Hindi ko alam."

Patago na lang akong umirap.

"Hinay hinay na muna sa babae Aeson, nagiging war freak pag iniiwan," muli pa siyang humalakhak. "Ngiti ka na Avon, Aeson ayusin mo 'yan ha! Pati sa'kin nababadtrip si Avon baka hindi ako sagutin."

"Tila na Lexus, uwi na 'ko," paalam ko at nagsimula ng tumayo.

Tumayo na rin si Lexus at isinukbit ang kanyang bag. "Hahatid na kita sa sakayan. Ikaw ba Aeson?"

"May...dadaanan pa 'ko."

Nagsimula na akong lumakad palabas habang nag uusap pa ang dalawa. Hindi naman nagtagal ay sinundan na ako ni Lexus at iginiya papunta sa gutter at siya ang sa tabi ng kalsada na para bang natural na gawain niya na 'yon. Well totoo naman, lagi namang pag lumalakad kami ay sinisigurado niyang siya ang nasa tabi ng mga sasakyan.

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon