"Niloloko mo ba ako Avon?!"
Halos mapapitlag ako sa lakas ng boses niya. Gulat pa rin sa pagsulpot niya dito. Naninikip ang dibdib ko sa sobrang takot, kaba at pagkaawa para sa luhaan kong kaibigan.
May isang buwan na nung huli kaming nagkita dahil busy. Madalas ay sa chat na lang kami nagkakausap, minsan ay hindi pa ako nagrereply. Kinakain kasi ako ng guilt.
"Eira..."
Maghahanap pa sana ako ng appropriate na salita para humingi ng tawad sa kanya pero bigla niya akong inatake ng yakap. Na akala ko ay sabunot na. Sa balikat ko ay humagulhol siya.
"S-Si daddy, Avon. Niloko niya kami ni mommy!"
Para akong nakahinga ng maluwag ng madinig ang dahilan ng pag-iyak niya. Akala ko ay nabuking na kami.
Gano'n pa man ay nakaramdam agad ako ng awa. Hinaplos ko ang likod niya para patahanin siya. Basang basa na ang balikat ko.
"Nambababae si daddy. Hindi siya nagbago," basag ang boses na aniya. "Kaya nga kami lumipat dito... para mailayo siya sa babae niya.. pero Avon.."
Kahit ako at nadudurog sa pag hagulhol niya. Bakas na bakas doon ang hinagpis, lungkot at panghihinayang.
"Nakahanap naman siya ng bago dito! Avon.. I hate daddy! I hate him!"
"Shh," alo ko sa kanya at iginiya papunta sa sofa.
Umabot ako ng bote ng tubig sa ref bago umupo sa harap niya at iniabot 'yon sa kanya. Hihikbi hikbi niya iyong tinanggap.
Pulang pula ang mukha niya at paga ang mata. Gamit ang palad ko ay tinuyo ko ang luha sa kanyang mukha. Inayos ko na rin ang buhok niya.
Nang matapos siyang uminom ay binalot kami ng katahimikan. Pigil ang hikbi niya habang nakatanaw sa kawalan, ako naman ay nakatitig sa kanya. Nang lumingon siya ay nag-iwas ako ng tingin. Hindi ko kaya.
"Avon, what do I do? Na-Nadatnan ko si daddy at ang kabit niya sa bahay then o-ofcourse I harrassed the woman. At si daddy! Sa'kin pa nagalit," muli na namang nag tubig ang mata niya. "I-I can't believe daddy... tapos nasa Manila pa si mommy. And it's been a month! Hindi ko alam kung babalikan pa ba ako ni mommy. Avon.. help me." nakakapanghina na marinig ang nagsusumamo niyang tinig.
Hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa ganitong sitwasyon. Wala rin ako sa posisyon niya para sabihan siya sa dapat niyang gawin. Payo lang ang maibibigay ko.
Muli ko siyang niyakap. Bukod sa hindj ko maatim na titigan siya sa mata ay ito lang ang magagawa ko para iparating sa kanya na hindi siya nag-iisa. Ramdam na ramdam ko ang panginginig niya.
"M-Magdasal tayo, okay?" ako na sinimulan ng ipikit ang mata.
"Magdasal? Avon! Magdasal talaga?! Fuck him! Damn him! He ruined my family! For fucking sake... he's making me suffer."
Kahit na nagwawala na siya sa pagitan ng mga braso ko ay hindi ko siya pinakawalan. Inalo ko lang siya at hinaplos ang likod.
"'Wag mong sabihin yan Eira."
"I don't know anymore... Avon I don't know anymore..." she broke down.
Malalim ang buntong hininga ko habang tinatapik ng marahan ang balikat niya. Patuloy pa rin siya sa paghikbi. Hindi ko na alam kung gaano na katagal ang ganoon naming ayos. Hanggang sa maramdaman ko na ang pag relax ng katawan niya at pagdinig ng mahinang hilik.
Maingat akong kumawala sa kanya at iniwan muna siya para kumuha ng unan at kumot na maaring ipagamit sa kanya. Hindi ko naman kasi siya kayang buhatin at ayaw ko namang gisingin pa siya. Pagkababa ko ay agad kong inilagay sa likod niya ang unan at kinumutan siya, idinugtong ko rin ang isa pang sofa para sa paa niya.
BINABASA MO ANG
Choose Me, Please (Completed)
Novela JuvenilFriggete Avon Mendoza is a family-centered, loving friend, goal-oriented and bold type of a woman that anyone could fall for, well except for her being foul mouthed. Her main goal is to fulfill the things that her cousin left and it's clear that bei...