"'Te ang usapan sa Quezon ang bakasyon niyong mag-ina," sarkastikong sambit ni Alane.
Inirapan ko siya. Inayos ko na lang ang natirang rasyon ni Hope, mamaya ay pipick-up-in na 'to. Nakabili naman na ako kanina sa baba ng hapunan ko.
"Nakakainis ka naman kasi, e. Hindi ka man lang nag-text o tumawag. Hindi tuloy ako nakapagdala miski prutas para sa bata."
Napalingon ako sa table na tanging mineral water at ilang pack ng biscuit lang ang laman.
"Aligaga nga ako. 'Tsaka alam kong tulog ka pa at may inaasikaso."
"Ay alam ko na!"
Napaisip ako kung sino nanh hugutin niya ang phone niya at nag-dial ng kung sino para tawagan.
"Alane, pumunta ka na nga doon sa desk. Duty ka ngayon, ah?"
"Hayaan mo. Nandoon naman si Cherry," sagot niya habang inaantay ang pagsagot sa tawag niya ng nasa kabilang linya. "Hoy! Nasaan ka?"
"Hinaan mo ang boses mo. Baka magising si Hope."
Nag peace sign siya bago tuluyang hininaan ang boses.
"Kailan day-off mo?" tanong nito sa nasa kabilang linya. "Tangek. Anong kahit kailan ka diyan. Siya punta ka dito! Nasa ospital si Avon."
Siya rin naman nasa ospital? Sino bang kausap niya? Ah, baka si Tedz.
"Tanga. May kasama siya, inaanak mo. Dalian mo! Magdala kang prutas at madaming pagkain. Damay mo 'ko."
Tatawa tawa pa siya ng ibaba ang tawag, sinamahan pa iyon ng pag-irap.
"Sinong kausap mo?" singit ko.
"Si Drexel."
"Ha? Nasa Cebu 'yon a? Bakit naman sinabi mo pa?"
"Hayaan mo siya. Pauwi na 'yon dito."
Kung makapagsabi 'to ay akala mo'y isang sakay lang ng jeep ang layo ni Drexel.
Sumandal ako sa malamig pader at napatitig kay Hope. Parang biglang lumipad ang isip ko. Hindi naman ako sobrang nag-aalala sa mga babayaran ko sa ospital dahil may health insurance ako at nakalistang beneficiary doon si Hope. Kung maglalabas man ng pera ay may naitago naman ako kahit papaano at kung hindi sumapat ay mangungutang na lang muna ako kay Tita.
Hay, utang na naman.
Nakakapagod yung ganitong pagkakatapos kong magbayad ng utang ay mangungutang na naman. Parang hindi natatapos.
"Oo nga pala, may tsismisan doon sa nurse desks kanina. May bumisita kaninang umaga na lalaki? Sino 'yon ha?"
Nalipat ang tingin ko sa kaniya. Nangingilatis ang nanliliit niyang mata sa akin. Bumuntong hininga ako.
"Aeson," tanging sagot ko.
Nanlaki ang mata niya at dali-daling lumapit sa tabi 'ko. Doon kasi siya nakapuwesto kanina sa may paanan ni Hope.
"Ano? Kayo na ulit? Anong ganap?!"
Umiling ako.
"Dahil kay Hope kaya siya pumunta."
"Ha? Paanong..."
Para masagot ang mga katanungan niya ay ikinwento ko na lang ang mga nangyari, simula doon sa nangyari nung hinatid ko si Hope hanggang sa kanina. Maliban doon sa gusto niyang mag-usap kami.
Ramdam na ramdam ko ang kahihiyan ko dahil sa tawa niya. Kinukurot ko na ay hindi pa rin natitigil sa pagtawa. Pinanood ko na lang siyang tumatawa hanggang sa matigil siya.
BINABASA MO ANG
Choose Me, Please (Completed)
Ficção AdolescenteFriggete Avon Mendoza is a family-centered, loving friend, goal-oriented and bold type of a woman that anyone could fall for, well except for her being foul mouthed. Her main goal is to fulfill the things that her cousin left and it's clear that bei...
