"Av bilisan mo male late na tayo!" Sigaw ni Eg mula sa labas.
"Naknang! Mauna ka na! Wala naman nagsasabing antayin mo 'ko," inis kong sabi saka ipinagpatuloy ang pagsusuklay ng buhok ko.
Parang tanga 'tong si Aeson nanggigigil ako. Ang aga aga pa naman at hindi pa male late sa klase! Ilang araw na 'yang ganyan na laging dumadaan dito sa bahay at sumasabay sa'kin, or should I say pinagmamadali akong sumabay sa kanya.
Pinulot ko na ang backpack ko at tsaka si Pitchi na nakaipit ang nasa unahang balahibo. Bago ako tuluyang lumabas ng apartment ay sinigurado kong wala ng nakasaksak, sarado ang ilaw at gasul. Paglabas ko naman ng pinto ay bumungad sa'kin si Aeson na nasa harap ng gate at nag-aantay pa din, tinaasan ko siya ng kilay.
Matapos i-lock ng maigi ang pinto ay nilagpasan ko nalang siya. Narinig ko naman ang paghabol at paghalakhak niya kaya mas binilisan ko ang lakad.
"Ikaw na inantay ikaw pa galit, ang lakas mo din," pang aasar niya havang sinasabayan ako sa lakad.
"Antay ba 'yon ha?! Napaka atat mo!"
Mas binilisan ko ang lakad para makapunta agad kila tita at madala doon si Pitchi. Buti nalang at nasa labas si tita, nagwawalis ng bakuran.
"Avon aga mo ngayon ah? Uy Aeson ikaw pala," bati niya pa ng makita kami.
"Ako nga 'to tita," humahalakhak niyang sabi. "Ang bagal ng pamangkin mo tita, late na kami oh," tumingin pa siya sa mamahalin niyang relo.
Maka tita, feeling close!
"Tita aalis na po 'ko, daanan ko nalang po si Pitchi mamaya," paalam ko saka bumeso sa kanya.
"Ingat ka. Wag magpapagabi sa daan ha," aniya saka kinuha sa'kin ang aso. Mabilis na akong naglakad paalis pero bigla akong tinawag uli ni tita kaya napatigil. "Ayusin mo ang vest mo, Avon."
Sinamaan ko ng tingin si Aeson na napabungisngis ng makita ang pagkakaayos ng gray vest ko. Kasalanan mo 'to! Inayos ko ang pagkakabutones noon, nagsala sala kasi dahil sa pagmamadali kanina.
"Ang taray mo na naman, wala na 'kong napkin dito."
Gago talaga to. Ang sama tuloy ng timpla ko habang naglalakad papunta sa gate, pero nawala 'yon ng makita ko ang isang pamilyar na bulto. Kumaway pa muna siya sakin bago patakbo akong nilapitan.
"Hi, good morning. Nagbreakfast ka na?" Nakangiting tanong sa'kin ni Lexus na napatingin sa bandang likod ko.
"Aw touched ako! Sinundo mo pa talaga ako Lexus my loves!" Nakakalokong biro nito at amba pang yayakap kay Lexus. Epal.
"Siraulo. Sabay kayo palagi?" Taka niyang tanong na muling bumaling sa'kin, agad akong umiling.
"Hindi ah! Nakasalubong ko lang 'yan," pagsisinungaling ko. Baka iba isipin nito eh! Wala sa lahi namin ang two timer no! Buti na lang din at nasa likuran ko si Aeson ng makita niya kami. "Kumain na'ko kanina, ikaw? Tara late na."
Inakay ko na siya palabas. Patago akong bumaling kay Aeson na nasa likuran namin, nang magtama ang mata namin ay nag gesture ako na parang lumayo siya sa'min. Kinunutan niya ako ng noo na parang hindi naintindihan ang sinasabi ko kaya gamit ang kamay ay itinaboy ko 'to. Tsismoso pa naman 'tong gagong 'to. Kadalasan medyo natatagal ako sa pagsakay dahil jeep ang inaantayo ko pero ngayon ay nag tricycle kami dahil kasama si Lexus. Kaming dalwa sa loob at si Aeson naman angkas ng driver.
"Sabay tayong maglunch mamaya?" aya niya habang nasa biyahe kami.
"May kasabay ako mamaya, bestfriend ko, transferee. Okay lang ba?"
BINABASA MO ANG
Choose Me, Please (Completed)
Teen FictionFriggete Avon Mendoza is a family-centered, loving friend, goal-oriented and bold type of a woman that anyone could fall for, well except for her being foul mouthed. Her main goal is to fulfill the things that her cousin left and it's clear that bei...