Chapter 16

10 2 0
                                    

"Ano ba? Tawag ka ng tawag!" Asar na sagot ko kay Aeson na kanina pa tawag ng tawag sa cellphone.

"Okay ka na ba? On the way na 'ko."

Umirap nalang ako sa hangin at binabaan na siya ng tawag. Nakakainis! Atat na naman ang gagong 'to. Kung maka on-the-way siya akala mo naman napakalayo ng panggagalingan niya.

Hindi ko ba alam kung bakit ako napapayag ni Aeson. Basta pinilit niya ako ng pinilit hanggang sa maasar na 'ko sa kanya. Siguro dahil na din gusto ko talagang makapagrelax muna, gusto kong makalanghap ng sariwang hangin. At isa pa magagamit ko din sa project na gagawin. Pero clueless pa din ako sa pupuntahan namin.

Tinitigan ko ang sarili sa salamin. Ang kulot kong buhok ay bumagay sa hugis pusong mukha. My brows are perfectly defined, hindi na kailangang lagyan ng kung ano dahil tama na ang kapal. Ang pisngi ko naman ay nilagyan ko ng kaunting pampapula para hindi magmukhang maputla dahil sa maputi kong balat. I also put some tint on my thin lips to make it defined. Sa huling pagkakataon ay hinaplos ko ang kulot na buhok. Isinukbit ko sa braso ang sling bag ko at saka chineck muna kung may nalimutan bang naiwan na nakasaksak.

Tahimik ang apartment dahil ako na lang ang mag-isa dito. Kagabi kasi ay inihatid ko na kay tita si Pitchi, nagpaalam na din ako na aalis ako ngayon kasama si Aeson. Payag naman siya dahil malaki ang tiwala kay Eg.

"Avon?"

Lumabas na ako sa apartment ng madinig ang tawag niya. Isinara ko ng maigi ang pinto. Paglabas ko ng gate ay nangunot ang noo ko dahil sa isang kotse na nakaparada sa harap. Umiilaw pa ang headlights nito. Iginala ko ang tingin para hanapin si Aeson pero wala naman. Nasagot ang pagtataka ko ng tumunog ang pagbukas ng kotse at sumilay mula sa driver's seat si Aeson na may malaking ngiti.

"Good morning," he greeted, smile is plastered on his face. Pinasadahan niya ako ng tingin bago nagusot ang mukha. "Bakit ganyan ang suot mo?"

Tinuro niya pa ang suot kong black sleeveless top na ipinares ko sa ripped jeans at white sneakers. Anong problema sa suot ko? Umaga pa lang pero ramdam ko ng mainit mamaya.

"Bakit? Ikaw nga ang banas banas ng suot mo!"

Pinakatitigan ko ang suot niyang gray hoodie na ngayon ko lang napansin na may maliit na nakaburdang CD. Sa pang-ibaba niya naman ay ripped jeans na gaya ng akin na ipinares sa kanyang purong puting low Air Jordan 1. Alam na alam ko 'yon dahil matagal ng hinihiling ni Fran 'yon. Para akong nanliit sa harap niya.

"Tss. Tara na nga. Baka abutin pa tayo ng traffic," lumapit siya sa'kin pagkatapos pagbuksan ng pinto.

Hindi pa man nakakabawi sa pagkakamangha ay papakitaan na naman niya ako ng bagay na halatang mamahalin! Wow lang!

"Iyo 'to?" Hindi makapaniwalang tanong ko na sinagot niya ng tipid na tango.

Natameme ako. Nanatiling gulat sa katotohanang sa kanya ang magarang kotse na 'to. May kaunting liwanag na mula sa kalangitan, idagdag pa ang ilaw ng lamp post kaya kita ko ang bawat detalye ng kotse niya. Naipit ko na lang ang labi ko habang pinagmamasdan ang sasakyan niya. Kulay itim ito at talagang napakagara, sinilip ko pa ang likudan ng kotse para malaman ang model. 4runner nga! At kung hindi ako nagkakamali ay bagong version na ng 4runner 'to.

Napabaling ulit ako kay Aeson na tuluyan na akong iginiya papasok ng kotse. Nahihiya pa akong tumapak dahil sobrang linis at ganda ng interior!

"Iyo talaga 'to?" Ulit kong tanong nang makapasok na siya at pumwesto sa driver's seat.

Napahalakhak siya habang sinusuot ang seatbelt. "Oo nga. Regalo nila mama at papa."

Regalo? Grabe! Kaka-eighteen niya pa lang tapos may ganto na agad. Hindi ko talaga maiwasang mamangha. Iba din siguro talaga kapag solong anak lang, sunod sa luho. Sabagay, para din naman talaga sa kanya kaya nagtatrabaho ang mga magulang niya.

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon