Chapter 14

11 2 0
                                    

Avon.

"Ate gising na!"

Agad sumama ang timpla ko dahil sa panggigising na 'yon. Ikalwang araw ng intramurals namin ngayon at wala akong balak pumasok kaya ang plano ko ay matulog buong maghapon para mabawi ang mga puyat na gabi ko.

"Ate!"

"Parang tanga naman. Aga-aga nang-iistorbo. Layas!" Inis kong sabi saka umiba ng pwesto.

"Mama si ate minumura ako!"

"Ano ba 'yan Fran, gisingin mo na ang ate mo at bumaba na dito," giit ng isang ginang.

Napabalikwas ako ng bangon ng mapagtantong kay mama ang boses na 'yon. Bumungad sa'kin ang masamang titig ng kapatid ko. Kinusot ko pa ang mata ko para masiguradong hindi ako nag-iilusyon.

"Fran, anong ginagawa niyo dito?" Tanong ko ng masigurong totoo nga.

"Edi binibisita ka ate. Tara na, gutom na 'ko."

Hindi man lang ako inantay ng kapatid ko, siraulo talaga. Ilang minuto pa akong tumulala muna bago bumangon at pinuntahan sila sa baba.

Nang makababa ako ng hagdan ay nakita ko si mama na abalang naglalagay ng sinangag sa bandehado, katulong niya si Fran na naglalagay ng mga pinggan sa lamesa. Paglingon ko naman sa salas ay nandoon si papa sa sofa at nanonood ng balita. Pumunta muna ako sa banyo bago bumati sa kanila.

Paglabas ko ay nasa lamesa na sila, inaantay ako.

"Mama, papa," ani ko saka nagmano. Ginulo ko naman ang buhok ni Fran na agad nabugnot sa'kin. Tingnan mo ang isang 'to, napaka-init ng ulo.

Nagdasal muna kaming buong pamilya bago magsimulang kumain. Pinagsandok pa 'ko ni mama ng pagkain.

Nakangiti ko silang pinagmasdan. Nawi weirduhan naman si Fran ng mapatingin sa'kin. Hindi ko tuloy napigilan ang tawa. Ang saya lang na makitang buong pamilya kaming kumakain ngayon. Tuwing bakasyon lang kasi ako nakakauwi sa Quezon, madalang naman silang makabisita dito dahil may pasok si Fran at busy sa trabaho.

"Tanghali na ang gising mo Avon ah. Hindi ka pa ba late sa klase?"

"Intramurals po namin ngayon pa, wala naman po akong sinalihan kaya okay lang kahit hindi po pumasok," lumapit sa lamesa para kumuha ng tubig. "Buti nakapunta po kayo dito. Wala kang klase Fran?"

"May seminar ngayon ang mga guro niyan kaya nakasama sa'min. Bukas ng hapon ay babalik na din kami," ani ni mama.

"Hindi namin maantay undas break niyo, miss ka na namin 'nak."

"Si papa talaga," tumawa pa ako para hindi maluha.

Ayos na din na bumisita sila dahil hindi ko pa sigurado kung makakauwi ako sa undas. Nagpaparamdam na kasi ang mga guro namin na may ipapagawang project sa'min. Naknang, ayaw kaming pagbakasyunin.

Sa natirang oras nung umaga ay tinulungan ako na mag-ayos ni mama ng apartment. Hindi naman makalat, gusto niya lang talagang  baguhin ang pwesto ng mga gamit ko. Ang lakas ng trip. Nang maghapon naman na ay naiwan kami ni Fran sa bahay dahil namalengke sila mama at papa.

"Fran sama ka? Igagala ko si Pitchi." Aya ko sa kapatid. Hindi ko kasi naigala si Pitchi kaninang umaga kaya ngayon na lang, tutal ay hindi naman na sikat ang araw.

"Sige ate. Sa labas tayo ng village?"

"Dito dito lang. Baka hanapin tayo nila mama eh."

Siya ang may hawak sa tali ni Pitchi habang iginagala namin. Kung ano ano pa ang itinuturo.

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon