Prologue

47 3 0
                                    

Sa ikatlong pagkakataon ay humikab ako. Iginala ko ang paningin, tahimik na ang hallway at ang ilaw na lang ang nagbibigay buhay dito.

Umupo muna ako sa isang monoblock chair at isinubsob ang ulo sa mesa. Pwede naman siguro kahit ilang minuto lang, straight isang linggo na 'kong bangag dahil kulang kulang sa tulog. Hindi pa ako makauwi dahil may bibisitahin pang pasyente mamayang alas diez.

"Miss Mendoza may dumekwat ng records," humahagikgik na sabi ni Alane. "Umuwi ka na at doon sa apartment mo matulog."

"May rounds pa 'ko mamaya."

Ang balak kong pag idlip ay hindi ko na itinuloy dahil sa panggigising ng co-nurse ko, nandito pa pala 'to. Hindi naman siya pang night shift kaya nabigla akong nandito pa siya.

"Pauwi na 'ko, sayang isasabay sana kita," aniya at saka inilapag ang clipboard sa mesa. Pinasadahan niya ko ng tingin. "Gusto mong kape? Pagtimpla kita."

"Pwede? Salamat!" iiling iling siyang tumayo at lumapit sa dispenser na nakapwesto lang sa may gilid ng nurse desks. Kakatapos ko lang magkape pero mukhang kelangan ko pa uli ng isa para magising, hindi ako makatayo kanina dahil pagod na ang katawan at tinatamad.

"Hindi ka ba natutulog sa inyo at talagang lumuluwa na sa sobrang laki 'yang eye bags mo?"

"Hindi ako makatulog ng ayos, pagising gising ako dahil hindi sanay ang katawan sa oras," kwento ko pa. "Ayoko ng mag night shift."

"Bakit mo kasi tinanggap?" lumapit na ito sa'kin at iniabot ang mug ko na may laman ng kape.

"Alam mo na, bonus. Pambayad utang."

"Magpahinga ka naman Avon! Inaabuso mo na ang katawan mo, kumbaga wasak na.
Nangangayayat ka na oh! Kumakain ka pa ba?" asik niya. "Bar tayo sa sabado!"

Mabilis akong umiling. "Pass, itutulog ko nalang 'yon."

Day off ko kasi 'yon hanggang linggo. Parang gusto ko na lang magpahinga sa loob ng mga araw na 'yon.

"Halatang hindi ka nagbubukas ng messenger 'no? Pang ilang gathering na ng klase natin ang na-missed mo! Puro na lang pasyente ang kasama mo," Natigil ako sa pagsimsim sa kape at tinaasan siya ng kilay. "Oy pinag iisipan. Sama ka na! Isang gabi lang naman."

"Bahala na," tanging sagot ko nalang.

May parte kasi sa'kin na gustong sumama dahil syempre naandon ang dating kaklase ko at... nagbabaka sakaling naandon siya. Pero at some point, nahihiya ako, successful na sila at magaganda na ang buhay. Samantalang ako, eto, may trabaho nga pero puro pangbayad naman sa utang, ngi hindi ko maibili ng bagong damit o kung ano ko ang sweldo.

"'Wag mo ng pag isipan! Isang beses lang naman, kahit ngayon lang oh. At tsaka sabi naandon daw ex mo," mahina at mabagal niyang giit.

Matagal akong napatitig sa kawalan. Napa flashback ata ako dahil bigla ko na lang nakita ang mukha niya sa isip ko. Sa fb ko lang nakikita ang mukha niya and he really looks more handsome now, hindi ko lang alam sa personal. Gusto ko siyang makita, sobra, pero natatakot akong makita kung gaano siya kagalit dahil sa pagtataboy ko sa kanya.

Tumikhim ako saka muling humigop ng kape. "Hindi ko naman ex, hindi naging kami."

"Pero pinangarap mo," malisiyosang sabi niya at saka marahang tinapik ang braso ko. "Prepare for the worst kung sasama ka. Pero wag mo ng isipin 'yon! Hindi naman siya ang ipinunta mo."

Hindi nga ba?

Ang dami ko pang inisip na palusot para lang hindi makasama sa kanya pero heto at nakita ko na lang ang sarili na inaayusan na ni Alane para sa pag-alis namin mamaya. She's putting make ups on me. Ako naman ay pilit itinataas ang suot na maroon lacy bralette na binili niya para sa'kin, hinigit ko naman pababa ang suot na leather skirt kaya mabilis niyang tinampal ang malikot kong kamay.

I frowned at her. "Nalabas ang kaluluwa ko!"

"Wait ka lang 'day. Hayaan mong lumabas! Ang tagal niyan natago! Pahingahin mo naman," aniya at saka lumayo sa'kin para tingnan ang kabuuan. Tinaasan ko siya ng kilay. "Ayan ang ganda! Luluhod pabalik ang lalaking 'yon sa ganda mo!"

"Tumigil ka nga. Baka may girlfriend na 'yon at tsaka... hindi ako komportable sa suot ko!" asik ko na hindi niya pinagtuunan ng pansin. Nagspray pa siya ng kung ano sa mukha at katawan ko.

Pagkatapos ay iniharap niya ako sa human size niyang salamin. Napabuka ang bibig ko ng kaonti sa pagka mangha. Hindi naman sa nagmamaganda pero nakakapanibago kasi ang ayos ko. Nakasanayan kasi na scrubsuit ang ootd ko at ang sapatos ay rubber shoes pero ngayon bandage boots na na bumagay talaga sa suot ko. Lumalabas ang pagkaputi ng kulay ko dahil maayos na ipinusod ang kulot kong buhok, ang mukha ko naman ay nababalot ng make up, but it's not over done.

Mapait akong napangiti sa sarili. Masyado ata akong naging subsob sa trabaho na napabayaan ko na ang sarili, I should have been enjoying my life with my salary. Kung hindi lang sana kapos sa pera. Pero wala naman akong sinisisi don at isa pa, malapit naman na 'kong matapos bayaran 'yon. Ito naman talaga yung purpose kung bakit ako nagtrabaho, para maitaguyod ang pamilya ko.

"Ang ganda talaga Avon! No wonder ang daming pasyente, doctor at co-nurse natin ang nahuhumaling sa'yo!" pumapalakpak pa siya habang pinupuri ang ayos ko.

"Salamat," nakangiting usal ko.

Sakay sa kanyang vios kasama ang kanyang boyfriend ay tumungo na kami sa bar kung nasaan ang mga dating kaklase. Nanlalamig na ang kamay ko sa sobrang kaba. Kasi baka naandon siya. Hindi ko alam kung paano namin patutunguhan ang isa't isa.

Nagpaalam muna siya sa kasintahan bago kami tuluyan pumasok at sinalubong ng maingay na musika. Dumiretso kami sa ikalawang palapag at nasa hagdan pa lang kami ay natanaw na namin sa hindi kalayuang couch ang kumpulan ng mga kaklase. Kumaway agad siya doon at binilisan ang paghila sa'kin. Gaga baka madapa ako!

Wala pa man kami sa mismong couch ay sinalubong na kami. Panay ang puri nila sa'kin at alok ng alak. Nakakahiya wala pa akong ambag! Sabi kasi ni Alane siya na ang bahala, pero handa naman akong magbigay ng pera. Matapos makipag usap doon ay ipinwesto ako paupo ni Alane sa may dulong parte ng couch.

Nagsisi ako ng tumama ang paningin ko sa harapan ko. Parang nablanko ang isip ko at natutop ang bibig ko. Sana hindi na lang pala ako pumunta. Pinipiga ang puso ko habang mas nagtatagal ang titig ko. Parang sinuntok ako ng reyalidad.

In front of me is a man looking so ruthless and breathtakingly handsome. His jaw clenched for a moment then lips slightly parted and dark eyes were directed to me. Handsome as ever, kung may nabago man ay mas nagmature lang ang mukha at katawan.

Naglakbay ang paningin ko sa matipuno niyang braso na nakayakap sa bewang ng isang babae. The woman is very pretty, innocent looking to the point she looks like an angel, very different from his type. So I thought, maybe she's not one of his bitches, he must be serious on her. Narinig ko ang hindi makapaniwalang pagtawa niya kaya nag iwas ako ng tingin.

Parang may punyal na bumaon sa dibdib ko at agad nag init ang sulok ng mata. Ano pa bang inaasahan ko? Na magmamakaawa siya pabalik para tanggapin ko? When in the first place ipinagtabuyan ko na siya, ng paulit ulit. But I never thought seeing him with a woman will made me feel like hell.

This... This hurts.

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon