Chapter 29

8 1 0
                                    


Avon.

"Congratulations graduates!"

Napuno ang buong gymnasium ng palakpakan ng mga estyudyante at magulang. Ang iba ay maluha-luha pa, lalo na 'yong mga magulang.

"Sa wakas!" sigaw ng kung sino.

Nakangiti akong bumaling sa mga kaklase ko. May ibang busangot pa dahil banas na banas na raw sila.

"Uy punta kayo sa bahay? May konting handaan lang kami," giit ni Aya sa'min.

"Ako pupunta!"

"Kakain kami sa labas nila mama e," ani ko at tipid na ngumiti sa kanya.

Hahanapin na sana ng mata kung nasa'n ang mga magulang ko ay bigla namang may nag takip sa mata ko.

"Ay tangina bitaw!" angil ko dahil baka kumalat ang mascara sa pilik ko.

Ang malaki at magaspang na palad na tumatakip sa mata ko ay unti-unting lumuwang. Dinig ko ang tilian ng mga kaklase ko kaya nangunot ang noo ko at agad na hinarap ang kung sino man 'to.

Tumaas ang dalawang kilay ko ng makita kung sino ito at kung ano ang nasa kamay nito. Biglang uminit ang pisngi ko, kasabay ng pagwawala ng mga kaklase ko.

"Congratulations," bati niya at inilahad sa'kin ang bouquet ng bulaklak.

"Sana all!"

Pakiramdam ko ay nanginginig ang kalamnan ko, sa sobrang kaba at saya. Nilingon ko ang mga kaklase ko at nakitang malalaki ang ngiti sa labi, ang iba ay nag-vivideo pa, halatang kinikilig. Siyempre mayroon ding nanatiling busangot, si Shamy.

May iba na ring nakikiusyoso kaya mas tinamaan ako ng hiya. Tinanggap ko na ang bulaklak at nahihiyang ngumiti sa mga kaklase namin na nanonood sa bawat galaw namin ni Aeson.

"Gago ka, bakit may pa-ganito?" tanong ko kay habang pinandidilatan siya ng mata.

Pigil ang ngiting pinakawalan niya bago pasadahan ng dila ang labi.

"Congratulations," ulit niya.

Sumimangot ako sa kanya at umirap pa. Sapat na 'to para mabunyag kami sa mga kaklase ko. Nakaramdam ako ng matinding kaba. Paano kung umabot 'to kay Eiradelle? Hindi kasi siya um-attend ng graduation dahil masama raw ang pakiramdam niya. Nakakalungkot.

"Boys! Ano? Wala ba kayong paganon?" pabirong demand ni Tasha.

"Luh, sanaol talaga!"

"Nakaka bitter!"

Nahihiya na lang akong ngumiti sa kanila. Kasi, anong sasabihin ko 'di ba? Pero kahit papaano ay gumaan ang loob ko, hindi sila nang judge kahit pa ang alam nila ay si Lexus ang nanliligaw sa'kin. Hindi na rin pa sila ng nang-usisa ng tungkol sa'min. Masyado ba kaming halata?

"Basta kitakits tayo bukas sa Suki ha!" ani ng president namin bago isa-isang magpaalam ang mga kaklase namin.

Nilingon ko si Aeson habang bitbit sa isang kamay ang bulaklak. Mahina kong sinuntok ang tiyan niya na nakapagpatawa sa kanya.

"Gago ka talaga! Pero salamat," ngumito pa muna ako sa kanya bago hanapin ng tingin ang mga magulang ko.

Para akong binuhusan ng yelo ng mahagip ng tingin ko ang mommy ni Lexus na kakadaan lang sa gilid namin. Agad akong nilukob ng matinding kaba. Nakita niya ba kami? Malamang! At... dapat ba akong lumapit sa kanya?

"Hey, don't think too much. Malaki na tayo, maiintindihan nila 'yan," wala sa sarili akong napalingon kay Aeson na hinawakan ako sa siko. Marahil ay nakita niya ang kaba ko ng makita si Mrs. Arevalo.

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon