"Eiradelle... sinong ama?" ulit kong tanong sa kanya.
Hindi ako makapaniwala. Ayaw kong paniwalaan.
"Si Aeson nga!"
"Eira naman..." ani ko sa pagitan ng hikbi. Nagsusumamo na ang boses ko. "Wala na kami ni Aeson, o. Tama na ang sakit sakit na."
"Anong gusto mong palabasin? Na nagsisinungaling ako?!"
Hindi man lang ako natinag sa nanlilisik niyang mata. Pero kahit na ganoon ay pinipigang mabuti ang puso ko.
"Ayaw mong maniwala? Avon, we did it once, twice thrice! Eto nga at nakabuo na, o! Gusto mong malaman kung saan? Dito sa apartment! The days where I was staying here! Pasko, bagong taon, bakasyon!" sigaw niya sa kabila ng lumuluhang mata.
Umiling ako. Ayaw kong marinig ang mga sinasabi niya. Ayaw kong isipin. Ayaw kong paniwalaan.
"Hindi ganon si Aeson!"
"At anong tingin mo sa'kin, Avon? Basta basta nagpapagalaw? Fuck you! Hindi ako ganon!"
Muling bumuhos ang mga luha ko. Halos namamanhid na ang buong katawan ko sa sakit.
"B-Bakit ngayon mo lang... sinabi? Alam b-ba ni Aeson?"
"Oo. Gusto kong siya mismo ang magsabi sayo. But you know what he did? He left! Tinakbuhan niya ang resposibilidad niya!"
Bigla ay niyakap niya ako. Sa totoo lang ay gusto kong kumawala. Ayaw kong mahawakan niya. Pakiramdam ko ay ako ang pinagtaksilan sa aming dalawa. Hindi ko lubos maisip na kaya akong gaguhin ng gano'n ni Aeson.
Kaya ba pilit niya akong tinatanong no'n kung anong sinabi sa'kin ni Eira?
Tuwing naaalala ko ang mga ginawa namin na dala ng kapusukan at naiisip ko na nagawa rin nila 'yon ni Eira ay gusto kong masuka. Nasusuklam ako. Galit na galit ako... pero wala akong magawa.
"I don't know what to do anymore, Avon. I just want to abort the baby..."
Natigil ako sa malalim na pag-iisip.
"Eira ano ba?! 'Wag mong gagawin yan!"
"What do you want me to do?! Gusto mo kong pag tsismisan? Masabihan ng disgrasyada?!"
"K-Kausapin mo si Aeson. Sabihin mong..." may kung anong nakabara sa lalamunan ko. "Panagutan ka."
Kumawala siya sa yakap. Hinarap ako sa nanlilisik na mata.
"No! Tinakbuhan na nga ako 'di ba? Hindi ko na ipipilit pa ang sarili ko. Kung ayaw niya edi ipapalaglag ko!"
"Alam mong mali 'yan!"
"What do you want me to do? Keep it? No!"
"Kasalanan sa Diyos ang binabalak mo Eira. At maawa ka naman do'n sa bata, anak mo rin 'yan."
"No! No! Wala akong anak! This... this is just a mistake. I don't want this. Marami pa 'kong pangarap Avon!"
Natahimik ako. Pansamantalang natigil ang nagluluha kong mata sa sahig hanggang sa mapagpasyahan kong tingnan siya.
"Sana naisip mo 'yan bago niyo ginawa 'y-yon Eira." Panunumbat ko.
Hindi ko na nakayanan at tinalikuran na siya. Tuloy tuloy ang pagtulo ng luha ko. Kahit gaano ko pa kagustong patahanin ang sarili ay hindi ko magawa. Ang nakayukom na kamao ko ay ipinupukpok ko sa dibdib, umaasang mababawasan no'n ang sakit na nararamdaman ko. Halos mabuwal pa ako ng subuking maglakad.
"Kaya nga ipapalaglag ko na 'di ba?!"
Muli ko siyang hinarap at hindi na napigilan ang sariling ipalatak ang palad sa pisngi niya. Galit na galit ako. Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Ayaw kong maging bayolente sa kanya lalo pa't buntis siya pero hindi ko na talaga mapigilan.
BINABASA MO ANG
Choose Me, Please (Completed)
Teen FictionFriggete Avon Mendoza is a family-centered, loving friend, goal-oriented and bold type of a woman that anyone could fall for, well except for her being foul mouthed. Her main goal is to fulfill the things that her cousin left and it's clear that bei...
