Chapter 12

2 0 0
                                    

"Happy birthday Aeson. Sorry ngayon lang ako, oh here's my gift," she said shyly as she handed him a paper bag.

Anong ginagawa niya dito? Tiningnan ko si Aeson na ngayon ay nasa harap niya na at may maliit na ngiti. Ang kaibigan ko naman ay parang kamatis sa sobrang pula! Para silang may sariling mundo na hindi matanggal ang tingin sa isa't isa. Ano 'to?

Dinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko.

"'Di ka na dapat nag-abala, pero salamat. Kain ka," inilahad pa ni Aeson ang lamesa at hindi man lang kami nililingon.

Manghang iginala ni Eiradelle ang paningin hanggang sa magtama ang paningin namin. Lumawak ang ngiti niya habang ako ay 'di alam kung ano ang mararamdaman. Sinabihan ko na si Aeson a?!

"'Yan ba yung kaibigan mo Avon?" kuhit ni Ely kaya napabaling ako sa kanya. Marahan akong tumango.

"Talaga naman si Aeson tsk. Wala daw chicks," bulong ng kung sino.

Kumunot ang noo ko. Ito na nga ang sinasabi ko eh! Ano na naman ba 'tong pinaggagagawa ni Aeson! Umiinit ang ulo ko.

Tinapik ako ni Lexus kaya nilingon ko siya. "Puntahan mo na muna si Eira."

Tama at pepektusan ko lang ng isa. Nilapitan ko ang kinaroroonan niya. Pabebeng kumaway sa'kin si Eira at pinanlakihan pa 'ko ng mata. Nakatalikod sa gawi ko si Aeson kaya napalingon siya. Nang magtama ang tingin namin ay sinamaan ko siya ng tingin at siniko ng madaanan ko. Blanko lang ang ekspresyon niyang umalis sa pwesto.

"Oh my God Avon!" She squeak in a low volume. Her eyes were glistening and smiling widely. "I can't believe it! He invited me here! In his birthday! Hindi mo man lang sinabing birthday niya ngayon, I was freaking restive when he chatted me."

I eyed her. Pero hindi ko na ata matitibag ang kasiyahan ng kaibigan ko. Her eyes shine with a gleam, like his prince charming finally came. Kung alam mo lang Eira! Gusto ko siyang kutusan sa pinaggagagawa niya. I already told her that Aeson is dangerous when it comes to women but she wouldn't take it seriously.

I am really pissed with Aeson. I badly want to nag at him. Pero birthday niya ngayon at nasa teritoryo niya ako. I don't want to ruin his day, not atleast his birthday party. Ipagpapabukas ko na lang siguro or the next day. Talagang umaga pa lang ay mumurahin ko na siya.

Ugh naiinis ako! Hindi naman ako nag-o-overreact diba? I'm just concern with my bestfriend. She's the least person I wanted to be hurt. Masyado na siyang madaming problema, ayoko ng madagdagan pa. She'll break down for sure. And I don't like that. But the back part of my head is screaming someting. That she's already old enough to handle herself, that it's her problem anymore and not mine. Pero anong magagawa ko? Hindi naman siya basta kung sino lang. Parang kapatid na ang turing ko sa kanya. At ayokong makita na naman siyang nasasaktan.

Sa pagbalik ko sa pwesto ay isinama ko si Eira. Ayoko naman siyang hayaan sa kamay ni Aeson, baka kung ano pa ang gawin no'n. She sat with us, pinaggigitnaan nila ako ni Lexus. At kung minamalas ka naman talaga, katapat niya pa talaga ang gago. Kaya ayon at hindi matanggal ang tingin. Eiradelle is very sociable kaya hindi siya nahirapang pakisamahan ang mga kaklase ko. Tuwang tuwa pa nga ang mga lalaki kong kaklase.

"Ganda mo talaga miss Eira. Shk. Inunahan mo kasi agad kami Aeshon!" ani ni Benj na halatang lasing na mula sa pag-inom.

Kahit ng dumating kasi si Eira ay nagpatuloy pa din sila sa inuman. Tinatagayan nga din nila si Eira eh. Sinubukan ko naman siyang pigilan pero sabi'y okay lang na malasing siya dahil sa apartment ko daw makikitulog. Ang bruhang 'to.

"Hindi naman! Mas maganda nga si Avon," then she gave me a side glance then grin. "Kaso may Lexus na."

Mabilis kong kinurot ang tagiliran niya kaya napaigik siya. Namumula na siya kaya nasisiguro kong tinatamaan na din ng alak. Mahina pa naman ang alcohol tolerance nito.

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon