Chapter 37

9 0 0
                                    


"Alane hindi muna ako makakapasok ngayong gabi, nilalagnat kasi si Hope, walang bantay," giit ko sa phone kung saan ko katawagan ang kaibigan.

Hapon na at ngayon ko pa lang naisipang tawagan si Alane dahil baka mag-alala na wala pa ako. Tumawag naman na ako sa office at nagpaalam ng ayos, pero kulang kasi kami sa empleyado ngayon. Kaya makikisuyo rin ako na siya muna ang sumalo ng mga gagawin ko.

Pangalwang araw ng nilalagnat ni Hope. Kahit pa pinainom ko na ng gamot ay hindi ko maiwasang mag-aalala. Baka mamaya ay dengue na pala ito. Mahina pa naman ang resistensiya niya.

"Ha? Naku kawawa naman ang inaanak ko. 'Di mo agad sinabi, edi sana nakadalaw ako," ungot nito. "E, nasaan ba si Tita Ema?"

"May mahalagang pinuntahan e."

"Gano'n ba? Siya sige ako na ang bahala sayo."

Malaking kaginhawaan para sa akin ang sagot niya. Siyempre dahil para sa mga pasyente namin. Kung walang sasalo ng gawain ko ay paano na sila?

Hindi lang naman basta pinagkakakitaan ng pera ang tingin ko sa trabaho ko, mahal ko ito at may malasakit ako sa mga pasyenteng inaalagaan namin.

"Salamat talaga, Alane. Pasensiya na sa abala." Paumanhin ko na nakaani ng singhal galing sa kaniya.

"Sus, wala 'yon. 'Tsaka kahit naman hindi mo sabihin ay gagawin ko."

Kahit na hindi niya kita ay ngumiti ako.

"Oo nga pala! May binigay saking number daw ng putrages na Eiradelle. Eto babanggitin ko isulat mo ha..."

Buti at hinahanap niya pa ang number kaya nagkaroon ako ng pagkakataon na humanap muna ng ballpen at masusulatan. Sobrang bilis pa naman nitong mag banggit.

Nakahagilap ako ng papel sa ibabaw ng refrigerator at saktong may kasama na ring panulat, listagan ata 'to ni Tita kapag namamalengke.

"Lakihan mo load mo, ha. Nasa hapan lang pala ang bruha, living the life with her hapon na asawa. Kagigil yun, ah. Siya ito na..."

Hindi ko alam kung bakit manginig nginig pa ang kamay ko habang isinusulat ang numero niya.

Matapos ang limang taon, simula ng abandunahin niya sa'kin si Hope ay ngayon pa lang ulit kami magkakausap. Kinakabahan ako sa hindi malamang dahilan. Hindi niya naman siguro babawiin sa'kin si Hope kung sakali 'di ba? Ngayong pagkakataon na 'to ay hinihiling ko na sana ay makitid pa rin ang utak niya para hindi bawiin sa akin ang bata. Pero sana ay maging totoo na siya sa bawat sinasabi niya.

Nagpasalamat muna ako kay Alane bago tuluyang ibaba ang tawag.

Isiningit ko ang papel na may numero at pangalan niya sa wallet ko. Puwede ko naman i-type na lang iyon sa cellphone ko pero mas pinili kong huwag na. Isang beses ko lang naman gagawin ang kausapin siya.

Masama pa rin ang loob ko sa pang-iiwan niya kay Hope. Parang hindi ko kakayanin ang makita ang reaksiyon ng bata kapag nalaman niyang ginanon siya ng tunay niyang ina.

Iniiling ko na lang ang mga iniisip at pinatay na ang apoy ng nilulutong sopas. Nagsalin ako sa sulyaw ni Hope at iniakyat 'yon.

Pagdating ko sa kuwarto ay nadatnan ko siyang nakahiga sa kama, balot na balot ng kumot. Inilapag ko ang dalang mangkok sa side table.

"Hope, gising na muna. Kakain na tayo para makainom ka na ng gamot at gumaling na."

"Mama ang sakit... Ayaw ko kain," iling nito habang naluluha ang mata.

Umupo ako sa gilid niya. Hinaplos ko ang mainit niyang noo at inalalayan na umupo.

"Paano ka gagaling niyan? 'Di ba bibisitahin pa natin si Lolo Papa at makikipaglaro ka kay Tito Pogi mo. Kaya kailangan mong magpagaling."

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon