Parang bumabaliktad ang sikmura ko sa sobrang kabang nararamdaman. Ang dibdib ko ay naninikip na sa maaaring sabihin niya."Eiradelle... sorry," nanginginig ang boses na sabi ko.
Napapikit na lang ako ng mariin ng maramdaman ang pagpalatak ng kanyang palad sa aking pisngi. Kakaibang hapdi ang idinulot nito.
Kahit na nakapikit ay kumawala pa rin at naglandas sa aking pisngi ang mainit na mga luha. Natutop ko ang labi sa pagpipigil ng hikbi.
"Sorry? You're unbelievable, Avon. Napakalandi mo! Napaka-ahas mo!" sigaw niya habang marahas hinihila ang buhok ko.
Hindi ako nanlaban. Hindi ko yata kayang manlaban kahit pa napakahapdi na ng anit ko. Nanatili akong nagpapadala sa bawat hila niya habang hindi mapigil ang luha.
"Ang sabi ko ilakad mo 'ko sa kanya! Hindi agawan ako! Napaka-walanghiya mo Avon!"
Napaigik na lang ako ng dahil sa pagtulak tulak niya sa braso ko ay tumama ako sa may bintana. Ang likod ng ulo ko at braso ay napasalpak doon.
"I'm sorry Eira.."
"Wala kang pinagkaiba sa kanila Avon! Niloko mo rin ako! Magsama sama kayo! Mga tangina kayo!" galit na galit na sigaw niya. Nang magmulat ako ng mata ay nakita kong nagtataas-baba na ang kanyang dibdib habang lumuluha. "Sa lahat... ikaw talaga? Bakit? You're a bitch!"
"Mahal ko si Aeson..." nagsusumamong saad ko.
Lumapit ako sa kanya at hinagilap ang kamay niya. Lumuhod ako sa harap niya habang lumuluha. Kung kailangan kong lumuhod para lang matanggap niya kami ni Aeson ay talagang gagawin ko.
Mahal ko si Aeson. Mahal na mahal. Na umabot na sa puntong kahit pagkakaibigan namin ni Eiradelle ay kaya kong ipagpalit para sa kanya. Pero ngayon, gusto kong subukan man lang na ipaintindi ito kay Eira. Kasi kaibigan ko siya... matalik na kaibigan. Kaya mahalaga sa'kin ang opinyon niya.
"Mahal?" iwinasiwas niya ang kamay ko, dahilan para mapapalatak ako sa sahig. "Patago ka talagang manlandi 'no? Kunwari ka pa na ayaw mo si Aeson para sa'kin, 'yon naman pala gusto mo kasing landiin! Malandi ka! Mang-aagaw!"
Marahas niyang pinahid ang luha sa mukha niya at mabilis na pumasok sa apartment. Agad ko siyang sinundan at pinigilan sa pagtitilapon ng mga gamit ko. Ang mga display na nasa center table ko ay basag basag na. Mas naiyak lamang ako.
"Eiradelle tama na!" hinatak ko siya sa braso pero itinulak niya lang ulit ako.
"Gusto mong kinakalaban ako 'di ba?! Napaka walanghiya mo talaga! Lahat na lang ng meron ako gusto mo rin!"
"Hindi 'yan totoo Eira!" iyak ko.
Natigil siya sa pagwawala. Nanggaliiti sa galit niya akong tinititigan. Nanlalabo na ang mata ko dahil sa nagkukumawalang luha habang nakatingin sa kanya. Aninag ko ang pagyugyog ng balikat niya.
"May Lexus ka na 'di ba? Bakit naman pati si Aeson? Bakit pati siya?! Napaka-selfish mo Avon! Lahat na lang gusto mo meron ka!"
Habang nalulunod sa luha ay pilit akong umiling. Naninikip ng sobra ang dibdib ko, halos kapusin na ako sa hininga.
Lumuluhang sumunod na lang ang tingin ko ng pumunta siya sa kusina at padabog na ikinalat ang mga gamit doon. Para bang may hinahanap siya. Sana lang ay 'wag siyang magbabato ng kung ano-anong babasagin dahil ayaw ko na lang na may masaktan pa sa aming dalawa.
Nanlaki ang mata ko ng makita kung anong kinuha niya. Kahit pa nanghihina ang mga tuhod ko ay sinikap kong tumayo para makalapit sa kanya, ito na ata sinasabing adrenaline rush. Bago ko pa man makuha sa kanya ang matalim na bagay ay itinutok niya 'yon sa tiyan niya. Mas nag-unahan sa paglabas ang mga luha ko habang umiiling ako. Napakapit na lang ako sa railings ng hagdan dahil sa sobrang pangangatog, para akong tinakasan ng lakas.
BINABASA MO ANG
Choose Me, Please (Completed)
JugendliteraturFriggete Avon Mendoza is a family-centered, loving friend, goal-oriented and bold type of a woman that anyone could fall for, well except for her being foul mouthed. Her main goal is to fulfill the things that her cousin left and it's clear that bei...