Chapter 8

9 3 0
                                    

"Madam, madam gising na po. Breakfast is ready," dinig kong boses ng lalaki na pinipilit paliitin.

Agad akong nagmulat, para lang makita ang nakangising mukha ni Aeson na sobrang lapit sa mukha ko! Naknang! Mabilis kong inabot ang unan sa tabi ko at hinampas 'yon sa mukha niya.

"Tanginang mukha naman 'yan Aeson,"  pagmumura ko saka tinakluban ang mukha ko ng panibagong unan at dumapa. Inaantok pa 'ko.

Humalakhak siya. "Ang sarap naman ng bati mo. Damang dama ko. Wala ka na nga talagang lagnat."

Tinanggal ko ang taklob at bumangon sa kama. Maayos na ang pakiramdam ko, parang hindi nilagnat kagabi. Kinusot ko ang mata tsaka tiningnan ang oras sa wall clock, alas nuebe na ng umaga!

Nilingon ko si Aeson na nakatayo sa gilid ko. Mukhang nakauwi na siya dahil bago na ang suot niya, yellow shirt and black sweat pants. Nauntog ang ulo ko sa pader sa gulat ng bigla na lang lumapit si Aeson at akmang kakapain ang leeg. Mabilis kong sinapo ang ulo. Gago ang sakit.

"Hoy ano okay ka lang? Anong ginagawa mo?" tanong niya sa pagitan ng tumatakas na tawa. Pinukol ko siya ng masamang tingin at hinampas ang braso. "Gutom lang yan."

Malakas ang tawa niya hanggang sa paglabas niya ng kwarto ko. Bwisit na 'to. Inayos ko muna ang higaan ko bago bumaba at dumiretso sa banyo. Naabutan ko si Aeson na prenteng nakaupo sa sofa habang nasa kandungan niya ang aso ko at nanonood sa tv. Feel at home talaga, kapal ng mukha.

Hindi ko na lang pinansin at dumiretso na sa banyo para mag-ayos. Ginawa ko ang morning routine ko bago lumabas sa banyo. Naabutan ko si Aeson na naglalagay ng kanin sa pinggan.

"Lakas maka-yaya ah," biro ko dito habang papalapit sa mesa. Tinapunan niya lang ako ng tingin at ipinagpatuloy lang ang ginagawa. "Ano yan?"

"Alin?" itinuro ko ang mga supplement bottles na nakahain din sa mesa. Nangunot ang noo ko don. "Vitamins. Inumin mo 'yan. Masyado kang sakitin."

My eyes turn into slits. "Hoy asa ka naman! Nilagnat ako dahil sa kagagawan mo! Dinamay damay mo pa 'ko bwisit."

"You should start living a healthy lifestyle, dapat kasi nag eexercise ka. Inumin mo 'yan ha."

Inirapan ko na lang siya at kumain na lang. Masisira lang ang araw ko kapag pinatulan ko pa ang gagong 'to.

"Nga pala kasama ko si Baste. Pwedeng papasukin?" aniya ng tumayo siya mula sa kinauupuan. Naglakad siya palabas at may kinalas ng kung ano hanggang sa sumilip sa pinto ang husky niya.

"Sige lang."

Tahimik lang akong kumakain habang siya naman ay nanonood lang sa tv katabi ang mga aso. Pagkatapos kong kumain ay ako na mismo ang naghimpil ng pinagkainan ko, pipigilan pa sana ako ni Aeson pero sinamaan ko siya ng tingin. Wala na 'kong lagnat at isa pa hindi baldado!

Naiisip ko kung bakit nandito pa din ang isang 'to. Pwede namang umuwi na agad siya kanina. Hindi ba 'to hinahanap sa kanila? Sabagay, tita niya lang naman ang kasama niya sa malaking bahay nila.

"Bakit di ka pa umuuwi Aeson? Hindi ka ba hinahanap sa inyo?"

Mula sa tv ay nakataas ang kilay niyang bumaling sa'kin. "Pinapaalis mo na 'ko?"

"Oo." ngisi kong sagot. Agad siyang sumimangot.

"Ayoko. Baka mamiss mo 'ko."

"Ang kapal naman ng mukha mo. Umuwi ka na nga!" taboy ko sa kanya. "Pero salamat sa pagpunta Aeson. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung hindi ka dumating."

The side of his lips rose, mukhang nagulat sa pahayag ko. Ilang minuto pa siyang napatitig sa'kin at ngumuso para pigilan ang ngiti.

"Potcha kinikilig ako. Mukhang may lagnat ka pa ah," nakangiting sabi niya na lumapit pa sa'kin para kapain ang noo. I frown. "Wala naman na. Sana araw araw Sunday!"

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon