"Hoy tanginamo gago bwisit ka Aeson! Sasampalin talaga kitang hinayupak ka!" mabilis kong sigaw habang nakatalikod pa din sa kanya. Sapo ko ang dibdib na hindi magkandamayaw sa pagtibok at mariin kong ipinipikit ang mata.
Naiiyak na ako sa sobrang kaba. Gusto kong tumakbo palayo pero tinakasan ako ng lakas! Sa ilang taon naming magkakilala ni Aeson hindi ko naman inakalang may gantong side siya! Rapist ang tangina! Nagpupumadyak na lang ako ng maramdaman ang paglapit niya habang humahalakhak. Gago!
"'Wag ka talagang lalapit tatamaan ka sa'king gago ka! Ipapakulong kita!"
Mas lumakas ang tawa niya at napapitlag ako ng hawakan niya ang braso ko mula sa unahan ko.
"Ano bang problema mo? Huwag kang malikot baka mahulog ka sa pool," aniya habang nagpupumiglas ako sa hawak niya. Hinding hindi ako mumulat! "Hoy!"
"Bwisit mag bihis ka!"
Hindi siya sumagot pero ramdam ko na umalis siya sa unahan ko at lumayo. Nakahinga ako ng maluwag at saka iminulat ang mata, ipinanatili ko 'yon na nakatingin sa aking paa. Tangina ka talaga Aeson!
"Okay na!" biglang sigaw niya kaya lumingon na 'ko.
Nangunot ang noo ko ng makita siyang nakasampa doon sa pinagtatalunan pag lalangoy, tanging swimming trunks lang ang suot kaya kita ang pagtulo ng butil butil na tubig sa magandang katawan, mukhang nag shower dahil basa din ang buhok. Proud pa siyang nakatayo doon at nakangisi sa'kin. Gustuhin ko mang mainis sa mukha niya ay nalipat ang atensyon ko sa kanyang katawan, hindi maputi, hindi maitim, sakto lang. Maganda talaga ang hubog non, banat sa dalwang direksyon mula sa dibdib pababa, at may bitak bitak pa! Napaka sexy ding tingnan ng malapad na braso niya at malaman na braso! Halatang nag gygym. Bakit ba pinapansin ko pa 'yon?! Nagbaba na lang ako ng tingin dahil sa paghalakhak niya. Gago may umbok!
"Mamaya mo na 'ko pagnasaan. Panoorin mo kung ano ang mga pinalagpas mo," aniya saka bumagsak sa pool at mabilis na lumamgoy patungo sa kabilang parte ng pool.
Napanguso na lang ako. Mabilis pala talaga siya. Ngayon ko lang kasi siya nakitang lumangoy, hindi naman kasi ako nanonood ng mga laban niya noon. Madalas sa basketball ako nanonood. Mabilis siyang lumangoy pabalik balik at talagang concentrated lang siya, ngi hindi niya ako nililingon. Aangat lang ang ulo tuwing kumukuha ng hangin.
"Pasikat," bulong bulong ko. Pero magaling talaga siya, masyadong mabilis. Nahahati ang tubig sa sobrang lakas ng pwersa niya.
Miya miya ay tumigil na siya at hinihingal na tumuwid ng tayo mula sa pool. Pagkalingon niya sa'kin ay nginisian agad ako.
"Ayos ba?"
"Malay ko. Hindi naman ako nanonood ng ganyan."
"Next month intrams, manood ka," makapag utos 'to! "Want to swim?"
"Ha! 'Wag na lang. Magpalit ka na, gutom na 'ko!" angil ko sa kanya.
"Baka gusto mo pang titigan?" saka itinuro pa ang basang basang katawan ng makaahon sa pool. He's wriggling his brows, the temerity of this guy!
"Ang kapal naman talaga ng mukha mo?! Pasampal dali!" gigil kong sabi saka nagmartsa papunta sa kanya.
He chortled like there's no tomorrow. Hinagod ang basang buhok at saka nanakbo papunta sa shower room bago pa ako makalapit. Bwisit! Pawis na pawis na ko at sumasakit ang ulo sa sobrang init dahil tumitirik na din ang araw at dahil wala akong dalang towel ay ang damit ko na lang ang ginamit, napaka dugyot.
Akala ko ay magtatagal siya kaya balak ko ng umuwi pero hindi pa ako nakakaalis sa pwesto ay lumabas na agad siya, suot ang isang bagong puting shirt at black running shorts.
BINABASA MO ANG
Choose Me, Please (Completed)
Dla nastolatkówFriggete Avon Mendoza is a family-centered, loving friend, goal-oriented and bold type of a woman that anyone could fall for, well except for her being foul mouthed. Her main goal is to fulfill the things that her cousin left and it's clear that bei...