Chapter 6

13 3 0
                                    

I'm barely 15 noong una nagsimula akong humiwalay sa pamilya ko, very determined to have my own life in San Pablo. Hindi para magliwaliw kundi para mag aral, katulad ng pinsan ko.

Pagpasok pa lang sa bagong klase ay naninibago na ako. Alam kong hindi magiging madali 'to. Dahil transferee ay inilagay ako sa regular section, karamihan sa mga kaklase ko doon ay lalaki, kung may babae man ay parang matataray. Sayang wala ang bestfriend ko. Wala pa ang guro at ayoko namang tumunganga lang sa labas ng room kaya napagdesisyunan kong umupo sa isang bakanteng upuan sa ikalawang row, sa tabi ng isang lalaking nakasubsob sa desk.

Mukhang hindi niya naman napansin dahil hindi man lang siya gumalaw sa pwesto. Nanatili na lang akong tahimik na nakaupo at sa unahan lang ang titig. Ramdam ko ang paninitig nila pero nahihiya akong lumingon, baka imbis na magkaroon ng kaibigan ay kaaway agad. Mabait naman ako, medyo iba lang akong magsalita, sabi nila offending daw. Hindi ko naman masisisi dahil palamura ako, pero hindi naman ibig sabihin na masamang tao na agad ako.

"Psst," biglang tawag pansin sa'kin ng isang lalaki mula sa gilid ko, bagong dating ata. Mabilis ko siyang nilingon at tinuro ang sarili para tanungin kung ako ba. "Hindi. Yung katabi mo."

Sa paraan ng paghalakhak niya ay nairita agad ako. Unang tingin ko pa lang sa kanya alam ko ng may pagka gago ang isang 'to. Paanong hindi?! Eh paglingon ko sa kanya nakakalokong ngisi agad ang ibinati niya, tapos marahas ang pagkakaupo sa katabing upuan ko at mabilis na itinaas ang dalwang paa sa desk.

Masasabi kong maitsura siya, hindi lang basta ganon kundi gwapo. Parang nakakatunaw kung tititigan ang kulay tsokolate at hugis almond niyang mata, may maayos na hugis at kapal ang kikibot kibot niyang kilay, ang ilong na nasobrahan sa tangos dahil pwedeng pwedeng mag slide ang mga langgam don! Hindi din nakaligtas sa paninitig ko ang mapula at hugis bow niyang labi na miya't miya niyang pinapasadahan ng dila. Ang paghagod niya sa may kahabaang buhok ay kapansin pansin din.

Natigil ako sa pagsusuri ng bigla niyang batuhin ng binilog na papel ang katabi ko. Dahilan ng pagkagising nito at pag angat ng tingin sa kung sinong bumato. Sabay ata naming tinapunan ng tingin ang lalaki sa kabilang gilid ko. Kumunot ang noo ko. Hinayupak ang isang 'to! Bully pa ata.

"Ano na namang problema mo?" walang kagana ganang tanong ng katabi ko.

"Bago na katabi mo. Inagawan ako ng pwesto," ungot nito habang nginunguso ako.

Noon lang ata ako napansin ng katabi ko dahil nang magkalingunan kami ay bumalatay sa kanya ang gulat. Matipid akong ngumiti sa kanya. Sa loob ng room ay parang siya lang ang mukhang matino. He have this hooded eyes na para bang nagpapamukhang inosente sa kanya. Compared sa isang katabi ko ay mas soft siyang tingnan, lalo na dahil maputi siya at payat. Hindi katulad nitong isa na may tamang kulay lang at mas magandang pangangatawan. Parang mukhang mayabang. Pero parang baliktad sila dahil seryoso lang ang mukha niya kahit mukhang anghel, hindi katulad nitong isa na palangiti.

Marahan akong pinasadahan ng tingin ng katabi ko saka walang emosyong tumango. "Transferee?"

"Ah oo," sagot ko.

"Saan ka galing?" biglang tanong nitong mukhang mayabang.

Tinikom ko ang bibig. Hindi naman siya ang kausap ko pero nakikisali. Tsismoso. Ganon pa man ay sinagot ko din ang tanong niya, ayoko namang makahakot agad ng kaaway. Hindi ko pa gamay ang mga tao dito.

"Quezon."

Tumango tango pa siya ng marinig ang sagot ko. Pagkatapos naman noon ay hindi na din sila nagsalita, buti naman.

Dahil katabi ko si Lexus, ang sinabi niyang pangalan niya, ay sa kanya ako madalas nagtatanong sa mga hindi ko maintindihan sa klase. Lalo pa at matalino pala siya. Iniisip ko nga kung bakit wala siya sa star section. Hindi naman siya mahirap pakisamahan dahil maayos naman siyang makipag usap kahit pa laging mukhang seryoso. Ang cute niya nga tuwing kumukunot ang noo sa sobrang pag-iisip, hindi niya namamalayang lagi akong nakatitig. At nakakairita itong isang nasa gilid ko na napag alaman kong Aeson ang pangalan, na matalik na kaibigan ni Lexus, masyado siyang madaldal. Pero doon nagsimula kung paano kaming tatlo naging close sa isa't isa, dahil na rin madalas sila ang kasama ko.

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon