Chapter 4

15 3 0
                                    

Halos mabingi ako sa sigawan ng mga kaklase kong lasing ng bigla nalang tumayo si Aeson. Gago, gagawin nga? Pero agad napalitan ng pagkadismaya ang boses nila ng nilagok niya ang nakahandang shot at sinabing magbabanyo.

"Iyo muna oh, binabanas ako," gago 'to? Ano ako sabitan? Inilagay niya kasi sa braso ko ang polong suot niya kaya tshirt na lang ang suot niya ngayon.

"Anduga naman ni Aeson!"

Bakit di niya nalang ginawa?!"

"Oo nga!"

Napapailing na lang ako sa mga angil ng kaklase ko. Gustong gustong mapagtripan si Aeson.

Kahit dismayado ay ipinagpatuloy nila ang paglalaro hanggang sa makabalik na din si Aeson. Miya miya ay biglang sa'kin 'yon tumapat.

"Ayun! Kanina ka pa nananahimik Avon ha, ngayon ka sa'kin," parang demonyong sabi ni Aya. "Truth or dare?"

"Truth."

"Kailan mo sasagutin si Lexus?" Naghiyawan agad sila at tuwang tuwa sa tanong na ibinigay sa'kin.

Nakagat ko ng marahan ang pang ibabang labi. Nilingon ko si Aeson at nakitang mataman itong nakatingin sa'kin. Mamaya sabihin pa nito kay Lexus eh! Pero... ano naman? Di naman siguro?

"Wala pa sa isip ko," totoong sabi ko at ininom ang natitirang alak sa baso. Gulat at di sila makapaniwala sa sagot ko.

"S-So pinapaasa mo lang siya? Ganon ba?" Tanong ni Tasha na nanlalaki ang mata sa'kin.

"Nasagot ko na tanong niyo, next na."

Kamot ulo sila dahil sa sagot kong 'yon at nagsasabing anduga ko daw. Tinawanan ko lang naman sila. Akala niyo mauuto niyo 'ko ha? Naintriga ata silang maigi kaya pilit nilang sa'kin na mapatapat.

"Pinapaasa mo lang si Lexus?" tanong agad nila. Hindi na sila nagtanong ng truth or dare.

"Hindi."

"Bakit?"

"Isang tanong lang, next na," nakakalokong sagot ko at gigil na sila sa'kin, tawang tawa tuloy  ako.

Tuwing napapatapat sa iba ang bote ay mabilis lang nilang tinatanong at pilit pinapatapat sa'kin. Katulad na lang ngayon, si Tasha ang magtatanong at kita ko ang ngisi niya.

"Maduga ka Avon ha! Pag di mo sinagot ng ayos dalwang shot iinumin mo," saka siya naglapag ng dalwang shot glass sa harap ko, tinitingnan ko pa lang ay parang bumabaliktad na at nag iinit ang sikmura ko. Medyo madami na din kasi ang nainom ko. "May gusto ka kay Lexus?"

"Ang pangit ng tanong mo Tasha! Malamang! Papaligaw ba yan kung hindi?" angil ng kaklase ko.

"Oo nga! Dapat kung nahalikan na siya ni Lexus!" Ngising demonyong suggest ni Aya.

"Bakit mas marunong pa kayo sa'kin?Inggrata! Mga boba kaya nga nanliligaw para magustuhan 'diba?" Saka siya muling bumaling sa'kin at muling ngumisi. "Gusto mo nga?"

Imbis na sagutin ay ininom ko nalang ang dalwang shot at ramdam ko ang init non sa lalamunan hanggang tiyan, mabilis akong uminom ng coke. Kanya kanya na naman silang angil dahil sa pagkadismaya. Hindi naman nila kailangan malaman. Kung ano man ang nararamdaman ko akin nalang 'yon.

Hindi na nila itinuloy ang laro at nagkwentuhan na lang ulit. Ako naman ay pumunta sa malayo para sagutin ang tawag ni Eira.

"Oh?" pungay at nagdadalwa na ang paningin ko habang nakatingin sa kawalan.

"Where are you?"

"Birthday ng kaklase. Bakit? May problema?"

Minasahe ko ang ulo at tuluyang isinuot ang polo. Tangina ramdam ko na ang pagkahilo.

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon