Chapter 31

7 1 0
                                    

"Wait. I think I heard you wrong," aniya at balak sanang kumawala sa yakap ko pero mas humigpit ako ng yakap sa kanya.

Umiling-iling ako habang lumuluha. Pigang-piga na ang puso ko. Ayaw ko pang bumitaw, hindi ko siya gustong bitawan. Hindi ko na napigilan pa ang paghikbi.

Binalot kami ng matinding katahimikan, kahit kuliglig ay nahiyang mag-ingay. Ngayon ay ako na lang ang nakayakap sa aming dalawa. Ang kanyang kamay ay nasa gilid niya na habang ramdam ko ang mabilis na tibok ng puso niya. Nagtataas-baba na ang dibdib.

Isa pa muling mahigpit na yakap habang pinapahid ko ang luha bago ako tuluyang kumawala na at tiningala siya. Na agad kong pinagsisihan. His eyes were bloodshot habang pilit pang pinoproseso ang mga sinabi ko.

"I'm sorry. Hindi ko na kaya, itigil na natin 'to Aeson," pagak ang boses na ani ko.

Muling bumabalik ang pagluluha ko dahil sa nakitang ekspresyon kay Aeson. Nakatitig lang siya sa'kin. Hindi man lang natitinag sa sinabi ko.

"Aeson ayaw ko na!" sigaw ko para matauhan siya.

Parang napipigsi ang litid na suminghap siya at iginala pa muna ang paningin, para bang pinapakalma ang sarili. Nang hinarap niya kong muli ay lumamlam ang kanyang ekspresyon at agad hinagilap ang siko ko. Iniiwas ko 'yon at lumayo sa kanya. Mas nasaktan ako ng makita kung paano siya nasaktan sa ginawa kong 'yon. Nagsimula na namang mamumo ang luha sa gilid ng mga mata ko. Unti-unti na naman siyang nagiging blurred sa paningin ko.

"What's the problem? Is it Eira? Kakausapin ko siya," nanunuyong sambit niya. "Please don't say that again. Aatakihin ako sa'yo."

Tuluyan ng kumawalang muli ang mga luha ko. Dinidikdik na naman ang puso ko sa sobrang sakit nito. Nanunuyo na rin ang lalamunan ko.

Sinubukan niya pa muling lumapit pero maagap akong nakalayo.

"I'm not gonna leave you, Avon. Anong sinabi ni Eira? Kakausapin ko siya," ngayon ay may halong galit na ang boses niya.

"Hindi siya ang problema dito. Ayaw ko na lang talaga, Aeson. Please."

"Don't bullshit me, Avon! Hindi ako bobo!" napapitlag na ako sa sobrang lakas ng boses niya. He seems frustrated now. "I thought we're good? I thought we'll take time until she accepts us? Avon walang maghihiwalay."

Wala akong ibang nagawa kundi ang umiyak. Hindi ko na kayang magsalita dahil sobra na ang nakabara sa aking lalamunan. Nangangatal na rin ang bawat kalamnan ko. Parang anumang sandali ay tutumba ako sa panghihina.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Walang gustong lumabas sa bibig ko dahil alam kong mas makakasakit lang 'yon. Kailangan kong tatagan ang sarili ko para hindi bumigay sa kanya.

"Avon," tawag niya, hindi ko na naiwasan ang paghagilap niya sa aking kamay. Mas napahikbi ako. "I'll take you home. Magpahinga ka na muna. We'll resolve this once you're okay. This is just spur of the moment."

Humugot muna ako ng malalim na hininga para magkaroon kahit papaano ng lakas na magsalita. Sa nanlalabong mata ay tiningnan ko ang mukha niya. Kahit pa blurred iyon ay parang na-iimagine ko kung gaano nagsusumamo ang mukha niya, sa boses pa lang.

"'W-Wag na nating pilitin Aeson. Una pa lang d-dapat.." hindi ko na naituloy dahil sa paghikbi ko.

Sa labis na panghihina ng tuhod ko ay halos mabuwal na ako, babagsak na sana ako pero sinalo ako ni Aeson. Ang malapad niyang palad ay ngayon nasa bewang ko na. Kinabig niya ako papalapit at gamit ang libreng kamay ay pinahid ang luha sa mata ko.

"For once, be selfish Avon. Why can't you let yourself be happy? Stop caring about others opinions. Kung hindi tayo kayang suportahan ni Eiradelle, edi 'wag."

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon