Sandali akong tinamaan ng hiya dahil sa sinabi niya. Ramdam ko ang pag-akyat ng dugo ko sa mukha at ulo ko.“Tang-ina. Ang baboy mo Aeson! Bastos!” sa sobrang inis sa kanya ay buong pwersa kong hinila ang buhok niya. Tumatawang ininda niya naman ‘yon. “Ugh! Pwede ba Aeson?! Hindi ako katulad ng mga babae mo!”
Mas lumapad ang ngisi niya. “Bakit? Ano bang meron sa mga babae ko?” nag-quotation mark pa siya sa hangin ng sabihin ang mga babae ko.
Imbis na sagutin ang nang-aasar niyang tanong ay umirap na lang ako sa hangin bago nagsimulang magmartsa papunta sa sasakyan niya. Gusto kong apakan ang paa niya pero hindi kakayanin ng loob ko na apakan ang puting sapatos niyang ‘yon. Nawalan na tuloy ako ng gana para sa paghohorse back riding dahil sa mga kalaswaan ni Aeson. Gusto kong ipukpok ang ulo ko sa inis dahil parang nanatili sa utak ko at halos maimagine ko ang sinabi niya. Naknang bwisit!
Nasa tapat na kami ng sasakyan at inaantay ko na lang siyang buksan ito. Doon ako nakapwesto sa tapat ng shotgun seat. Eskaheradong gulat na mukha ang ipinakita ni Aeson ng papalapit na siya sa’kin. Kagat kagat niya ang labi, halatang nagpipigil ng ngiti ng pumwesto siya sa harap ko. Isinandal ang tagiliran sa kotse at magkakrus ang braso.
“Grabe. Virgin pa ‘ko Avon!”
“Sinong ginagago mo Aeson? Tanga lang maniniwala sayo!” yamot kong sabi. Ako pa talaga ang lolokohin ng isang ‘to!
Sinapo niya ang dibdib at umaktong parang nasaktan sa sinabi ko. “Totoo Avon! I mean, maybe my hands and tounge aren’t virgin anymore but--”
“Bwisit! Manahimik ka na Eg! Kadiri. Wala akong pake!”
Itinakip ko ang hood sa ulo ko at tinakpan pa ang tenga para hindi na madinig pa ang mga sunod niyang sasabihin na paniguradong kalaswaan. Imbis ata na manahimik ang loob loob ko ay lalo pang nagkaloko-loko dahil sa nag-appear na pigura ni Aeson na ipinapakita pa sa’kin ang kamay niya kanina. Mababaliw ako sa inis at kahihiyan. Hindi pa nakatulong ang halakhak ni Aeson na nakasave na ata sa utak ko.Dali-dali akong pumasok sa loob ng sasakyan ng tuluyan niya na iyong pinatunog. Isiniksik ko ang sarili sa pinakagilid, malayo sa kanya.
Nang sumakay na siya ay ipinikit ko ng mariin ang mata at pilit pinapakalma ang sarili. Tanging iling na lang ang naisagot ko ng inaya niya akong mag-zipline o bumisita sa zoo dito. Aanhin ko pa ba ‘yon? Masasayang lang ang pera, nandiyan naman si Aeson na isa ding hayop.
“Maniwala ka. Sayo lang ako kakalampag A-”
Mabilis kong binuksan ang stereo niya at finull volume iyon. Sa pagitan ng malakas na tugtog ay dinig din ang kanyang nakakaasar na halakhak.
Idinaan ko na lang ang inis sa pag-idlip at nagising na lang ng nasa may parking lot na ng Ayalla mall. Sa isang fastfood na lang kami kumain ng tanghalian. Hindi na din naman kami nagtagal do’n dahil aniya’y madami pa kaming pupuntahan at baka gabihin masyado. Okay lang naman dahil wala naman din akong bibilhin.
Nang tumigil ang sasakyan sa gitna ng biyahe ng bigla kong napagmasdan si Aeson. Ang kaliwa niyang braso ay nakadantay sa bintana at nakapalumbaba habang ang kanan naman ay tamad na nakakapit sa manibela. His defined jawline is breathtakingly awesome, parang ang sarap sakatin gamit ang dalari kahit paniguradong makikiliti ako sa ilang stubbles niya. Pinagpala din siya sa ganda ng labi, sakto ang hugis at pagkamapula. Gano’n ba talaga kapag laging may kahalikan? Nakakaiinggit din ang makinis niyang pisngi, ang sarap sampalin. Ang kulay tsokolate niyang mata ay mas lumilitaw dahil sa sinag ng araw, gano’n na din ang makapal na hibla ng perpekyo niyang kilay.
Nang lumingon siya ay mabilis kong iniiwas ang tingin.
“SkyRanch!” gulat kong sabi ng malagpasan namin ang sikat na amusement park dito sa Tagaytay.
BINABASA MO ANG
Choose Me, Please (Completed)
Подростковая литератураFriggete Avon Mendoza is a family-centered, loving friend, goal-oriented and bold type of a woman that anyone could fall for, well except for her being foul mouthed. Her main goal is to fulfill the things that her cousin left and it's clear that bei...