Chapter 20

10 2 0
                                    

Sa sobrang pagod sa nangyari kagabi ay alas-onse na ng tanghali ng magising ako. Ang gagang si Eiradelle ay hindi man lang ako nagising dahil tulog na tulog din! Kung hindi dahil kay tita na bumisita sa apartment para mang-usisa ay baka kung anong oras pa kami nagising.

Nabulilyaso rin tuloy ang plano ni Eiradelle pagjo-jogging namin sa umaga. Ipinagmamaktol niyang maigi 'yon dahil aniya'y hindi daw nakapagpapansin kay Aeson na baka nagjojogging din ng ganong oras.

"Maybe next time 'no? Or puntahan ko kaya siya sa bahay nila?" Excited na sabi niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Tumawa naman si tita na kasalo namin para sa tanghalian. Mabuti na lang din ay may dala na siyang pagkain, hindi na kami natagalan pa pagluluto.

"Tumigil ka nga. Mabuti pa umuwi ka na rin," suhestiyon ko na inirapan ng bruha.

"Aba't may gusto ka rin pala kay Aeson," hagikhik ni tita habang mabilis akong tiningnan. Naknang! Para san naman ang pagano'n niya? Pakiramdam ko ay may ibig sabihin 'yon.

Mukhang hindi 'yon napansin ni Eira dahil hindi niya man lang pinuna ang ginawa ng tiyahin ko.

"Oh My G! Kilala mo siya? Close ba kayo, tita?"

"Hmm ayos lang. Mabait ang batang 'yon."

"I know right! He's so gwapo pa! Bagay naman kami 'diba?" Humalakhak si tita, muli na naman akong pagilid na tiningnan. Hindi ko na naiwasan ikunot ang noo ko. "Since sa may gate lang ang bahay mo, tita, wala ka bang nakikitang babaeng kasabay ni Aeson pag-uwi?"

"Meron," sagot nito at agad tumalim ang tingin ni Eira. "Si Avon. Laging si Avon lang naman ang babaeng kasabay no'n umuwi."

Halos mabilaukan ako sa pag banggit ni tita sa pangalan ko. Bago pa man magtama ang tingin namin ni Eiradelle ay iniiwas ko na agad ang mata ko. Sumisikip ang dibdib ko sa isiping para kong pinagtataksilan ang matalik na kaibigan.

"Tita naman eh! I almost have a heart attack. Akala ko kung sino! Dito na kaya ako tumira?" Nangungusong pag iisip niya pa. "Lagi ba kayong sabay umuwi?"

Umubo ako para pawiin ang kabang nararamdaman. "Hindi ah! Sa jeep lang kami nagkakasakay," uminom pa ako ng tubig dahil talagang pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko. "Gaga ka."

"Kwento ka pa nga tita," palirit niya. "You see, your dear niece won't tell me anything about Aeson. You're always watering your plants every morning 'diba? What time ba siya nagja-jog?"

Lumipat ang tingin ni tita sa'kin na nakataas ang kilay. May halong panunukso ang ngiting iginawad sa akin. Dumagundong ang dibdib ko. Sa kilos ni tita ay pakiramdam ko may alam siya! Pero wala naman akong pinagsasabihan no'n.

Pinilit ko na lang na itutok ang atensyon sa pagkain at 'wag ng makisali sa usapan nila.

Habang namimingwit ng impormasyon si Eira kay tita ay siya namang ikinasasakit ng ulo ko. Kinakain ako ng guilt. Para bang ang laking kasalanan na malaman kong may gusto sa'kin ang kinababaliwan niya. Iniisip ko ang magiging reaksiyon niya. Syempre magagalit! Nasaan ba ang utak ko.

"Sigurado ka ba hija? Ihatid ka na muna namin sa inyo bago kami bumiyahe pa-Lucban," si Tita na nakadungaw sa 'min ni Eira mula sa driver's seat.

"No, I'm fine tita. Ayaw ko pa din naman pong umuwi," bumaling na siya sa'kin. "Dito muna ako sa apartment mo ha?"

"Bakit? Hindi ka ba hahanapin sa inyo? Tsaka paano ang pag-uwi mo?"

Sumimangot siya sa'kin bago ang nguso ay nagmistulang pang-bibe na naman.

"Edi magpapakaon na lang ako kay Daddy! Please na, Avon. I'll be good. Swear."

Pabiro kong tinampal ang nakapangako niyang kamay. Nang binuksan na ni tita ang makina ng sasakyan niya ay napabuntong hininga na lang ako.

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon