Chapter 18

11 2 0
                                    


"Eiradelle anong problema?" Kabado kong tanong ng mapuntahan ko na ang kaibigan.

Mabilis akong pinapasok ng kasambahay nila dahil nga nag-aalala daw kay Eira na hindi lumalabas ng kwarto niya. Naawa ako ng makita ko siya sa sulok ng kuwarto niya, nakayuko at humihikbi sa mga tuhod niya.

Nang madinig ang boses ko ay agad siyang nag-angat ng tingin. Bakas ang mga luha sa mukha ng patakbong lumapit sa'kin at yumakap. Ngayon ay sa balikat ko na umiiyak.

"Shh. May magagawa ba 'ko sa problema mo?" Pang-aalo ko habang hinahaplos ang buhok niya. Unti-unti ko na ding ginigiya patungo sa kama niya. "Eira."

Sa tawag ko ay mas lalo lang bumuhos ang iyak niya. Parang pinipiga ang puso ko na makita siyang ganito. Ulit. Nanahimik na lang ako at hinayaan siyang iiyak ang lahat sa balikat ko.

Sometimes, silence is comforting than words.

"Avon." Tawag niya sa pagitan ng hikbi. Mabilis kong iniabot sa kanya ang tubig.

"Hmm?"

"Si m-mommy at d-daddy..." mas humigpit ang pagkakayakap niya sa'kin. "I heard them filling an annulment."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na madalas ang pag-aaway ng mga magulang niya, hindi ko lang inasahan na aabot sa ganitong punto. Wala akong makapang salita para pagaanin ang loob niya. Dati pa man ay tameme ako pagdating sa usaping pamilya, hindi ko kasi alam ang pakiramdam niya dahil galing ako sa buo at nagmamahalang pamilya. Palibhasa ay nag-iisang anak kaya wala siyang ibang mapagsabihan kundi ako.

Imbis na sagutin siya ay mas hinigpitan ko na lang ang yakap sa kanya. Sana kahit sa ganitong paraan lang ay mapagaan ko ang loob niya. May iba naman kasing gusto lang ng mapagsasabihan, hindi ng mag-aadvice sa kanila.

Ilang sandali din kaming nanatiling gano'n hanggang sa hilahin na siya ng antok. Inihiga ko siya ng maayos sa kama niya. Sa pikit na mata ay halata ang pagkapaga no'n. Hinaplos ko ang nakatabong buhok sa mukha niya at marahang isiningit sa gilid ng tenga.

Magiging maayos din ang lahat, Eira. Sana.

Naaawa ako para sa kaibigan ko. She's just soft hearted. Kung mangyari man ang sinabi niya kanina ay talagang makakaapekto 'yon sa kanya. Halos hindi na nga siya mapagtuunan ng pansin ng magulang niya, tapos maghihiwalay pa.

Napapaisip ako kung dapat ko bang kausapin sila tita. Kahit para lang kay Eira. Pero problemang pamilya kasi ang bagay na 'to, hindi dapat ako mamakialam. The least I can do is to be Eira's crying shoulder.

I sometimes wonder, bakit may mga iresponsableng magulang. Bakit nagagawa nila ang ganitong bagay na alam naman nilang makakasakit sa anak nila. Why engage for something serious, yung may maaapektuhan kung sa huli ay hindi din naman pala nila kayang pangatawanan.

Pero nasasabi ko lang 'to dahil galing ako sa kumpletong pamilya. I should not judge. May kanya kanya tayong pinagdadaanan sa buhay kaya nagagawa natin ang isang bagay. At ano bang alam ko sa ganito? Ngi wala pa nga ako sa legal age.

Kaya alam ko sa sarili ko na maswerte ako pagdating sa pamilya ko. Ang mga magulang ko ay mahal na mahal ang isa't isa. Hindi naman maiiwasan ang pag-aaway pero sila kasi talagang hindi pinapalagpas ang isang gabi nag-aaway. At kung may problema man, financially o tungkol sa kahit ano ay pinag-uusapan agad.

Namimiss ko tuloy sila.

"Nandito lang ako." Bulong ko sa tulog na anyo ni Eira. Dumukwang ako at hinalikan siya sa noo.

Balak ko pa sanang umuwi sa San Pablo kaso hindi ko namalayan na nakatulog na din pala ako sa tabi niya. Nagising na lang ako ng umaga na, tumatama sa mata ko ang sinag ng araw.

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon