Chapter 28

10 1 0
                                    

"Amen."

Sabay sabay kaming nag-antanda bago lingunin ang isa't isa. Kakatapos lang naming magdasal bago bumiyahe.

"Aeson, ayusin ang pagmamaneho. Sumunod lang kayo sa sasakyan ni Ian."

"Opo tito," aniya bago kami lingunin ni Fran. "Mag-iingat po kami."

"Naks tito!" pang-aasar ni kuya kay Aeson. Sinamaan ko siya ng tingin.

"O siya sige na at baka tanghaliin na tayo. Tara na." Aya ni mama na nauna ng sumakay sa backseat ng fortuner ni kuya Ian.

Gano'n na rin ang ginawa nila kuya, tita at papa. Si Aeson naman ay pinagbuksan pa ako ng pintuan sa passenger seat. Nanunuksong bumulong bulong pa ang kapatid ko na pinagbuksan ang sarili sa backseat ng sasakyan ni Aeson.

Ang orihinal talagang plano ay lahat kami sa fortuner ni kuya Ian, noong kaming pamilya lang talaga dapat. Pero dahil nandito si Aeson at nag-alok siya na puwede ring sa sasakyan niya ay siyempre pumayag na. Madami na rin kasing gamit ang nandoon sa sasakyan ni kuya Ian, nandoon ang mga pagkain at kung ano-ano pang gamit.

Payag naman sila ni Mama na kaming dalawa lang ni Aeson ang mapahiwalay. Para siguro bigyan kami ng personal space. Pero dahil epal ang kapatid ko ay sumama pa siya. Ayaw paawat.

Nang makasakay na si Aeson sa puwesto niya ay chineck niya muna kaming magkapatid bago maagap na pinaandar ang sasakyan at sumunod sa kila kuya.

"Malamig?" palingon lingong tanong ni Aeson sa'kin. Napansin siguro ang paghigpit ng yakap ko sa jacket na suot.

Alas sais na ng umaga pero mahamog pa rin, tapos ay bukas pa ang aircon kaya malamig talaga. Pero kaya naman, sadyang napayakap lang ako sa sarili dahil sa paghikab ko.

"Ayos lang."

Tumango tango siya at idinirekta na ang mata sa daan. Parang noon lang ay sa tagaytay ang punta namin para mag-unwind, tapos kaming dalawa pa lang 'yon, pero ngayon ay may kasama na kaming asungot na kapatid ko at saka ang buong pamilya ko.

Dadaan muna kami sa Kamay ni Hesus para um-attend ng misa. Pagkatapos ay bibiyaheng muli papuntang Pagbilao para naman bisitahin ang beach.

Kaya ganoon nga ang nangyari. Pagdating namin sa Kamay ni Hesus ay sakto lamang kami sa misa, tinapos pa namin 'yon. Hindi na namin inakyat pa ang daan daang hagdan dahil aabutin pa kami ng siyam siyam at tatanghaliin pa. Sa baba naman ay kitang kita ang malaking estatwa ni Hesus. Dagsa ang mga taong umaakyat do'n at mula rito sa baba ay mukha silang mga langgam.

"Picture-an kita!" excited na aya ni Aeson na itinapat agad sa'kin ang camera ng cellphone niya.

Sumimangot ako bago tinabig iyon. Etong si Aeson parang babae, ang hilig sa kinapi-picture. Nandito kami ngayon sa fish pond, malapit sa Noah's ark statue. Dito ay kita ang mga nagkalat  sa paligid na iba't ibang rebulto ng mga hayop.

"Dali na, isang picture lang. Smile!"

"Ayaw ko nga!"

"Just one, please?"

Hindi na ako nakatanggi pa ng nakarinig na ako ng click ng camera. Ngumiti na lang ako doon bago siya inirapan. Pero ang siraulong 'to, pati 'yon ay pinicture-an! Tapos ay kaming dalawang magkasama na ang pinicture-an niya. Patingin tingin pa nga muna siya sa paligid bago magnanakaw ng halik sa'kin sa pisngi. Gago talaga.

Sila mama ay may sarili ring mundo na nagpapa picture kay Fran, silang dalawa ni tita. Si Papa naman ay tahimik lang nagmamasid sa paligid, gano'n na rin si kuya Ian. Mga akala mo'y turista, pero taga Lucban din naman.

Choose Me, Please (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon