Avon.
"Bwisit! Bwisit!" patuloy kong paghiyaw habang pababa ako ng hagdan. Halos magkandahulog pa ako sa sobrang pagmamadali.
Paanong hindi?! Mag aalas diez na ng umaga! Simula na ang first period namin pero heto at maggagayak pa lang ako. Napapapadyak na lang ako habang naliligo. Nakatulugan ko ang pagseset ng alarm kaya ngayon lang talaga ako nagising. Si Aeson naman hindi ako dinaanan!
Habang naglalakad palabas ng village ay saka ko palang inaayos ang uniform ko. Gusto kong maiyak dahil kailangan kong makaabot sa second period namin, buti na lang dalawang oras ang naunang subject namin. Guess what, absent ako. Kung wala lang kaming long quiz sa Gen Bio ay hindi na lang talaga ako papasok ngayong araw. Hindi na tuloy ako dumaan kay tita para magpaalam man lang. Inis na inis ako kay Aeson dahil sa dinami dami ng araw na hindi niya ako dinaanan ay ngayon pa! Grr.
Mabuti na lang nakisama ang jeep na nasakyan ko. Kaso ang tricycle naman na sasakyan ko papunta sa campus nag-aantay pa ata ng iba pang studyante na kasabay ko. Parang gago 'tong si kuya, nagmamadali yung tao eh! Napilitan tuloy akong pagmadaliin siya at magdobleng bayad na para umusad na. Talagang nananakbo ako papunta sa room namin, wala na akong paki kahit pa pinagtitinginan na ng iba.
Sumilip ako sa room ng makalapit doon at nakitang wala pang guro kaya mabilis akong pumunta sa pwesto ko. Sampung minuto na 'kong late.
"Uy Avon maaga ka pa para sa third period!" panggagago ng isa kong kaklase na nagpatawa sa iba naming kaklase.
Naitaas ko na lang ang middle finger sa sobrang bwisit habang nakatungo ang ulo ko sa desk. Pinapakalma ko ang sarili. Baka makapanapak ako ng mga siraulo. Rinig ko ang pagkatigil ng pagtawa nila at pag-ingay ng nga upuan.
"Good morning class." Napatayo ako ng marinig ang boses ng guro.
Habang nag-aatendance ay lutang pa din ako. Uminom muna 'ko sa tumbler ko para mapawi ang hingal at saka bumaling sa katabi, kumunot ang noo ko ng nakitang hindi 'yon si Aeson. Si Arnold. Inilibot ko tuloy ang paningin ko, nasa unahan na ang gago! Anong ginagawa no'n doon? May atraso pa siya sa'kin. Mamaya kang siraulo ka.
Sa buong klase ng mukhang terorista naming teacher ay pinilit kong magfocus. Kahit pa sa likod ng isip ko ay pinapatay ko na si Aeson. So far so good, wala pa akong nasasaksak ng ballpen. Hindi din kasi ako makalapit dahil sunod sunod ang pagdating ng mga teachers. Lunch break na tuloy ng magkaroon ako ng pagkakataon. Naglabasan agad ang mga kaklase ko para pumunta sa cafeteria, may iba namang natira gaya ko at ni Aeson.
Mabilis akong lumapit sa mesa niya. Nakapameywang at kunot noo ko siyang hinarap. Parang bored na bored naman niya akong binalingan.
"Bakit hindi mo 'ko dinaanan?!" inis kong sabi. Sa isang iglap ay naging blanko ang mukha niya bago napalitan ng galit na ekspresyon. Ano bang problema neto?
He suddenly stand and towered over me. Nakatingala tuloy ako! "Hindi ko alam na obligado pala 'ko."
Lalagpasan niya sana ako pero mabilis kong nakapitan ang matipuno niyang braso.
"Alam mo ang gulo mo Aeson! Ano bang problema mo?"
His dreadful stare made me melt right away which loosened my grip on him, nakuha niya ang pagkakataon na iyon para kumawala sa'kin at talikuran ako.
"Ikaw ang magulo," mahina ngunit mariing sabi niya bago ako tuluyang iwan na tulala at gulo sa mga kinikilos niya.
Putang'na mo Aeson gigil na gigil na 'ko sayo! Ang sarap mong sakalin! Kung hindi lang talaga ako maga-guidance ay mumurahin ko siya ng walang tigil.
Sa huli ay bumalik na lang ako sa upuan ko. Nawalan ako ng gana na kumain dahil sa galit kaya hindi na ako nag-abalang maglunch pa. Nagtext pa si Lexus kung sabay ba kami pero nagdahilan na akong busy ako. Buong klase hanggang hapon ay tahimik lang ako at wala sa mood. Si Aeson naman tahimik lang din dahil nakapwesto sa unahan, hindi talaga ako nililingon!

BINABASA MO ANG
Choose Me, Please (Completed)
Ficção AdolescenteFriggete Avon Mendoza is a family-centered, loving friend, goal-oriented and bold type of a woman that anyone could fall for, well except for her being foul mouthed. Her main goal is to fulfill the things that her cousin left and it's clear that bei...