CHAPTER 1
Hindi ko alam kung bakit ba ako nasasaktan ng ganito... Ang bigat sa kalooban... Parang gusto ko ng sumuko pero bakit pa ako umaasa?
Hindi naman ako ang mahal niya eh. Kaso may parte parin sakin na umaasa— umaasa na baka, baka nagkakagusto na rin siya sakin.
Hayssttt...
Nakahiga na lang ako sa kama ko habang hinihintay ko ang chat niya. Para akong tangang naiiyak dito, ako din naman ang may kasalanan eh. Nag-expect kasi ako, umasa ako simula nang magtapat ako sa kanya. Kaya ko namang maghintay, handa na ako na masaktan pero may parte sakin na natatakot parin.
Inopen ko na naman ang chat head niya na nagbabakasakali na masiseen niya ang message ko sa kanya kanina pa.
Napabuntong hininga na lang ako. "Hindi ko na alam ang gagawin ko." Saad ko sa sarili ko habang patuloy parin sa pag-intay ng kanyang reply.
"Tangina wag ka umiyak self, wala naman kayo eh bakit ka nasasaktan dyan na parang tanga." Sabi ko ulit sa sarili ko kasi nagsisimula na naman ako umiyak.
My mind is full of him, sya lang, iniisip ko, sya lang yung hinihintay ko... Kahit wala siyang pake sakin.
Ikaw na pala,
Ang may-ari ng damdamin ng minamahal ko
Pakisabi na lang
Na 'wag nang mag-alala at okay lang ako~🎶
Habang nakikinig napansin ko yung kanta na pinapakinggan ko ngayon... Ito, ito kasi yung cover niya—
Ingatan mo siya
Binalewala niya ako dahil sa'yo
Nawalan na ng saysay ang pagmamahal
Na kay tagal ko ring binubuo
Na kay tagal ko ring hindi sinuko
Binalewala niya ako dahil sa'yo
Dahil sa'yo~🎶
Napaiyak na naman ako na parang tanga dito sa higaan ko. Kasi naman, parang relate ako but in a different way or perspective nga lang.
Habang pinapakinggan ko yung pagkanta niya, ang lakas ng kabog ng puso ko, kahit alam kong hindi naman para sa akin yan feel ko kinakantahan niya ako kahit alam kong hindi niya iyon gagawin sakin kasi nga may iba siyang mahal at yun ay yung ex niya.
"Ang tanga ko talaga hayssttt, sige ibibigay ko lahat ng kaya ko at kapag nagawa ko yun at wala parin susuko na ako." Saad ko sa sarili ko habang patuloy ko paring tinitignan ang chat ko sa kanya na hindi niya parin siniseen hanggang ngayon.
"Halos isang oras ko na pala siya hinihintay..." Habang umiiyak ay parang natawa ako, kasi parang bumabalik na naman sakin ang nangyari nuon.
Yung pakiramdam na pinipilit mo ang sarili mo sa mga tao para lang hindi ka maiwan o mapag-isa.
Gusto mong may kausap pero walang may gusto kumausap sayo.
Yung handa ka makinig, nandyan ka palagi kapag gusto nila ng kausap pero kapag ikaw na, ni isa walang may gusto makinig.
Wala sila kapag kailangan mo...
Sanay naman na ako eh. Pero umaasa parin ako na sana, sana may taong miss na miss ako kausapin. Na hindi buo ang araw nila kapag hindi ako nakausap...
*Ting*
Biglang tumunog phone ko at may bumungad saking message. Akala ko galing sa taong kanina ko pa hinihintay pero nagkamali pala ako.
Nathaniel: online siya dahil kausap niya parin pala ex niya.
Yan ang sabi niya sa message. Napabuntong hininga ako habang kinakalma ko ang sarili ko.
"Bakit ba kasi ako umaasa eh, malay mo isang araw maging sila ulit." Saad ko sa sarili ko habang pinipigilan ko ang pag-iyak ko.
Sinabi ko noon hindi na ako iiyak nang dahil sa lalaki eh pero ano ito, umiiyak na naman ako.
"Kaya ko pa... Kaya ko ito." Pagkumbinsi ko sa sarili ko. Tangina kasi parang ayoko na. Nasasaktan na naman kasi ako. Ayaw na naman kasi tumigil ng mga luha ko.
"Alisin mo ang mga negative thoughts mo self." Sabi ko ulit sa sarili ko dahil nagsisimula na naman akong maging negative thinker. Ayoko na nun, ayoko na maging negative thinker ulit.
"Shit!" Mura ko kasi nagsisimula na ako makaramdam ng kirot sa saking ulo. Hindi na rin ako makahinga ng maayos.
"Tangina! Bakit ko ba kasi pinapahirapan at sinasaktan sarili ko!"
"Mabait ba talaga ako tulad ng sinasabi nila?"
Kinakausap ko na naman sarili ko as always. Sarili ko ang kasama ko, ang tanging hindi ako iniiwan, ang palaging kumo-comfort sakin.
Pinilit ko munang mawala siya sa isipan ko. Nagluto muna ako. Naghugas ng plato. Naligo.
Nang wala na akong magawa dahil nawawalan na rin ako ng gana ay kinuha ko ang phone ko. Napansin ko na dalawang oras na pala ang nakakalipas ngunit wala parin siyang reply.
Nakita ko rin na may bago siyang my day kaya naman tinignan ko iyon dahil curious din ako.
'Mahal ko, maghihintay ako. Kahit na nakakapagod. Kahit na nagmumukha na akong tanga kahit nagseselos at sakit sakit na. Kagaya ng paghihintay na ginawa mo sa akin noon.'
Nag sad react naman ako sa my day niya na iyan. " Ang swerte naman ng babaeng iyan kasi may nagmamahal sa kanya ng higit pa sa inaasahan niya. Bakit kailangan niya siya saktan ng ganun? ... Sana ako na lang siya." Saad ko sa sarili ko habang tinitignan parin ang my day ng ginoong napupusuan ko.
"May pag-asa pa ba ako sayo?" Tanong ko habang tinitignan ang chat ko kanina pa na hindi niya parin siniseen.
Alam na niya na may gusto ako sa kanya ganun din ang ex niya. Natatakot ako, nasasaktan, at kinakabahan na parang ewan.
Hindi ako makagawa ng kahit ano. Parang kapag iba ang gagawin ko pano na lang kung magchat sya anong gagawin ko? Hindi ko sya agad marereplayan kapag binaling ko sarili ko sa ibang bagay.
Kaya ito ako nakatunganga. Dalawang taon na rin ang nakakaraan ng pumasok ako sa mundong ito. Sa mundong puno ng kasinungalingan ngunit bilang na lang ang mga taong siniseryoso ito, na makakahanap sila ng para sa kanila sa mundong ito.
Nung una, oo masaya kasi may mga bago kang makikilala ngunit sa oras na nagkagusto ka na... Dyan na nagsisimula magbago ang lahat.
Minsan na akong nagmahal sa mundong tinutukoy ko. Ipaparamdam sayo na mahal ka ngunit sa huli ay pinaglalaruan ka lang pala. Umiyak, nagalit, ngunit sumaya parin ako sa mundong ito kaya naman hindi ko ito maiwan-iwan. Dito ko unang naranasan na umibig sa isang tao at dito ko rin naranasan na madurog ng todo...
BINABASA MO ANG
71 Days With Him [COMPLETE]
Romance"Hindi mo naman kase mapipilit na mahalin ka rin nila. Hindi porket Mahal mo dapat Mahal ka rin." "Then bakit sa umpisa pa lang sinabihan kang Mahal ka kung Hindi naman mapapanindigan" "Hindi naman kase lahat ng tao sigurado kung Mahal ka, Yung iba...
![71 Days With Him [COMPLETE]](https://img.wattpad.com/cover/223037621-64-k283802.jpg)