Chapter 36

33 3 0
                                        


CHAPTER 36

10:37 na ng gabi. Hindi ko chinat si Kian. Hindi na muna ako yung gagawa nang first move tulad ng sinabi ni Kylie kaninang umaga.

And ayun, hindi nga niya ako chinat. Naalala ko tuloy yung sinabi ni Kylie—

'Kase malalaman mo kung impotante ka sakanya pag ganon'

Kaso hindi naman siya nag-abala na ichat ako. Yes, sinabi ko nga na game over na. Na hindi na ako aasa. Parang 85% na yung side ko na nagsasabing sumuko na ako at mga 15% naman iyong patuloy parin na umaasa.

-------

2:05 am na ng umaga. Nakakaramdam na ako ng antok pero ayaw ko parin matulog. Wala naman akong pinagkakaabalahan dito.

Nakacharge lang ang phone ko habang hinihintay ito. Nagugutom at sadyang nananakit na rin ang tyan ko pero ayaw ko kumain.

Napabuntong hininga ako.

Pinipigilan ang antok ko. Promise, medyo nahihilo na ako pero ayos lang.

Kakatapos ko lang din magdrawing. Kaya medyo pagod ang kamay ko. Napapansin ko rin na ilang araw na ako hindi nakakainom nung pinapainom sakin nila mama.

Pinapanood ko lang ang paglipas ng bawat segundo, minuto at mga oras. Pinipigilan ko na hindi tuluyang makatulog.

------

12:06 pm na. Kakatapos ko lang kumain tapos patuloy ko lang na pinapakinggan Yung voicemail nya hehehe. Ganda kasii!

'Grabe ang rupok ko talaga.' Saad ko sa sarili ko at huminga ng malalim.

Then nagchat si Kian sa gc.

Kian: Harleyk mo namimiss ko, bakit iniwan mo akoooooo ~

Ako: D ko gets  pero miss you din po kian

Kian: Kanta yan ng aegis, harley

Damn! Nakakahiya! Kaya ayun bumalik na lang ako sa pagsiseen sa group chat. Napahiya na ako eh.

Akala ko kasi— akala ko lang pala iyon.

Plus you called me Harley imbis na Wednesday. Ibig ba sabihin ba nun strangers na tayo ulit? Huminga ako ng malalim pinipigilan ko ang aking sarili na hindi mapa-iyak.

"Self wag ka na maging iyakin please." Saad ko at napakagat labi na rin para pigilan ang mga luha kong nagbabadyang tumulo sa aking magkabilang pisngi.

Patuloy ko na lang na pinakinggan yung mga nadownload kong mga voicemail niya. Gumawa din ako ng playlist na para lang talaga sa kanya.

Ehehe, enebe. Hindi talaga ako ganyan magsalita pero ewan ko ba, dahil sa kanya napapaganyan ako.

Medyo nakakaramdam na ako ng antok kaso nawala din ng makita kong may bagong my day si Kian.

Agad ko iyong tinignan tapos nung mapansin ko na naulit ay chinat ko ulit siya.

Ako: naulit po

Kian: thanks

Ouch! Ang cold niya. Mas malamig pa sa yelo ang pakikitungo niya sakin.

Ako: good afternoon po kian °^°

I miss you so much. Miss ko na yung pag-uusap natin. Miss ko na yung masayahing ikaw.

Kian...

Paulit-ulit ko lang na sinasambit ang pangalan niya. Patuloy ko paring pinapakinggan ang kanyang boses— hanggang sa makaramdam ako ulit ng antok.

71 Days With Him [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon